Hindi niya alam na sa bawat pag palag niya ay mas lalo lamang niyang nilalakasan ang sindi ng apoy sa katawan ng binata. Mas lalong naging mapangahas at mapusok ang halik ni Callum. Naramdaman niyang pumasok ang kamay nito sa loob ng blouse niya. Napasinghap siya ng dumapo ang daliri nito sa tuktok ng dibdib niya. Pinag lalaruan ni Callum ang parteng iyon gamit ang kanyang daliri. Pilit na lumalaban si Kath kahit na unti unti na ding sumisindi ang apoy sa kanyang katawan dahil sa ginagawa ni Callum.

"No Callum! Wag please." Pag mamakaawa niya pero parang binging hindi siya pinakinggan nito.

"Kiss me back Kath." Utos niya at mas lalong pinalalim ang halik. Hindi siya sinunod ni Katharina at nanatiling tikom ang bibig nito. Kaya muling bumaba ang halik ni Callum sa kanyang leeg.

"Callum!" May kasama ng ungol ang pag protesta ng babae. Hindi niya magawang labanan ang init na para bang bigla na lang lumamon sa kanya. Kakaiba ito sa kanya. Ngayon pa lamang niya itong unang beses na naramdaman pero pinag patuloy niya pa din ang pag palag.

Lumipat ang kamay ni Callum mula sa dibdib ni Kath patungo sa gitna nito. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa pants ng dalaga at pinagapang ito patungo sa kanyang pagkababae. Tuluyan ng nilamon si Katharina ng init na kaninay unti unting gumagapang sa kanyang katawan. Nilaro ni Callum ang pagkababae ni Katharina gamit ang kanyang mga ekspertong mga daliri. Napasinghap si Katharina at napaliyad ng kaunti.

"Callum.." Aniya ng may kasamang ungol. Hindi na iyon tunog ng pag tutol. Ibinalik ni Callum ang tingin sa mukha ng dalaga at napangisi sa nakikita nitong pag daing sa bawat haplos niya.

"Now, Kiss me back Kath." Aniya at muling siniil ng halik ang dalaga. Hindi tulad kanina na nagmamatigas pa ang babae, ngayon ay sinasabayan na din nito ang bawat pag halik ni Callum. Nawawala siya sa kanyang sarili dahil sa ginagawa sa kanya ni Callum. Sarap na sarap siya sa ginagawa nito sa kanyang baba.

Unti unting tumaas ang mga braso ni Katharina upang pumulupot sa batok ng lalaki. She kissed him back with same intensity. Parang walang bukas silang nag halikan hanggang sa di na nila namamalayan na nakaupo na pala sa kanyang swivel chair si Callum habang nakapatong naman sa kanya si Katharina na ngayon ay dalang dala na.

"Damn you're hot!" Ani Callum ng mag hiwalay ang kanilang mga labi. Namula si Katharina at nahiya bigla.

Itinaas naman ng lalaki ang blouse niya kasama ang kanyang bra at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Napaliyad siya ng maramdaman ang labi nito sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung saan niya ipapaling ang kanyang ulo dahil sa sarap ng kanyang nararamdaman. Idiniin niya ang mukha ni Callum sa kanyang dibdib.

Naalimpungatan si Katharina sa sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto niya. Agad agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at napahawak sa kanyang dibdib. Ano iyong napanaginipan niya? Bakit niya napanaginipan si Callum at ganuon pa talaga ang sitwasyon. Pinilit na inalis ni Katharina sa isipan ang napanaginipan pero kusa pa din itong bumabalik. Umiling iling siya. Panaginip lamang yun, hindi niya na dapat isipin iyon.

"Ano ba Katharina! May balak ka bang buksan 'tong pinto o gusto mong sirain ko na lang 'to!" sigaw ni Callum na nag aalboroto na sa labas dahil kanina niya pa kinakatok si Katharina pero hindi pa din siya nito pinag bubuksan ng pinto.

Agad agad namang kumilos ang dalaga upang buksan ang pinto na hindi man lang nag abalang ayusin ang sarili bago harapin ang lalaki dahil sa pagkataranta. Ayaw niyang mag away nanaman sila ng lalaki kaya kahit anong gusto nito ay pinipilit niyang gawin.

Napatanga si Callum nang pag buksan siya ng dalaga ng pinto. Bumungad sa kanya ang katawan ni Katharina na ang tanging suot lamang ay ang manipis na bistida. Wala pa itong bra dahil nakasanayan na ng dalagang matulog ng walang suot na panloob.

"Ano yun?" nag tatakang tanong ng dalaga nang mapansin nakatanga lamang sa harap niya ang binata.

Umiling iling si Callum at nag iwas ng tingin.

"Maligo ka na may pupuntahan tayo." Sabi nito at agad na ding tumalikod para umalis. Napanguso si Kath dahil sa malamig na pakikitungo ng lalaki.

'Wala namang bago' aniya sa sarili. Minsan ay hinihiling niya din na sana matanggap na siya ng binata. Kaya lahat ay gagawin niya para lang magustuhan siya nito sa ganuong paraan alam niyang makakabawi din siya sa taong pinagkakautangan niya ng malaki. Iyon ay ang ama ni Callum.

Nakakunot ang nuo ni Katharina habang nasa pasenger seat. Hindi niya alam kung saan ba siya dadalhin ni Callum. Ayaw naman niyang mag tanong dito dahil baka magalit o mainis nanaman ito sa kanya kaya iniiwasan na lang din niyang pagkakausapin ito kahit na kanina pa talaga siya naiinip. Kanina pa kasi silang bumabyahe ng binata at hanggang ngayon ay hindi pa din sila humihinto.

Tahimik na tinatanaw na lamang niya ang mga nadadaanan ng sasakyan ni Callum. Madalas ay napapahanga siya ng mga gusaling matataas at magaganda ang disenyo. Isa din kasi sa pangarap niya ang maging isang architect. Habang paminsan minsan namang napapasulyap sa kanya ang binata. Natatawa ito sa dalaga kapag nakikita niyang hangang hanga ito sa mga nakikita.

Maya maya pa ay kumalam na ang tiyan ni Katharina. Mula kasi nang umalis sila ay hindi pa siya nakakakain kaya nagugutom na din siya. Napanguso siya. Hindi naman niya masabi sa kasama na gutom na gutom na siya dahil baka masira niya pa ang mood nito. Sumulyap muli si Callum sa dalaga, nagtaka siya nang makitang nakasimangot na ang dalaga sa tabi habang nakatingin pa din sa daan.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Huh? Ahh hindi pa naman." Pag sisinungaling ng dalaga kahit na gutom na gutom na talaga siya.

"Sigurado ka?"

"Oo. Okay lang ako."

"Okay."

"Kahit burger na lang." biglang habol ng babae. Napangisi ang binata. Iniliko niya ang sasakyan sa pinaka malapit na restaurant.

"Callum, bakit naman tayo dito? Di ba matagal mag serve ng pagkain sa mga ganto? Baka mamaya nag mamadali ka. Okay lang naman ako sa burger na lang eh. Mapapamahal ka pa dit-"

"Umorder ka na." Hindi pinansin ng binata ang sinabi niya.

"Callum-"

"Shut up." mahinahong utas ni Callum agad namang sumara ang bibig ni Kath.

Wala ng nagawa ang dalaga at umorder na lamang ng pagkain. Gutom na din naman talaga siya kaya mas mainam na din ito. Alangang mag inarte pa siya kahit na deep inside gusto na din naman niyang kumain.

Matapos kumain ay agad na bumalik sila sasasakyan at inumpisahan muling bumyahe. Di na napigilan ng dalaga ang pagkaburyo sa biyahe kung kaya'y kanya nang kinausap ang binata.

"Callum, saan ba ang punta natin?"

Saglit na binalingan siya ni Callum bago ifocus muli ang mga mata sa daan.

"Sa tanay."

"Anong gagawin natin duon?" Tanong pa uli ng dalaga.

"Basta." walang kagana ganang sabi ng binata. Itinikom na lang ni Katharina ang bibig at muling nanahimik sa kinauupuan. Maya maya ay napatingin siya sa binata at napatitig. Biglang parang hindi na mahiwalay ng dalaga ang kanyang mga mata sa binata. Bumilis ang pintig sa dibdib niya.

Ngayon lamang niya iyon naramdaman. Naramdaman naman ni Callum na may mga matang nakatitig sa kanya kaya mabilis na binalingan niya ang katabi agad namang nag iwas tingin ang dalaga mula sa matagal na pagkakatitig sa binata.

"Ang layo pala ng tanay no?" usap niya.

Di naman siya pinansin ng binata na muling tumutok sa daan. Muling ibinalik ng dalaga ang tingin sa lalaki. Napakaswerte siguro ng magiging girlfriend niya minus lang yung ugali niyang sobrang suplado aniya sa sarili. Maya maya lamang ay hindi na namalayan ng dalaga na unti unti na siyang kinakain ng antok. Hanggang sa tuluyan na nga itong makatulog. Sandaling napalingon sa kanya ang binata at bigla itong napangiti ng makita ang mukha ng dalaga na tulog na tulog at bahagya pang naka buka ang bunganga. Umiling iling ito at agad na pinalis ang ngiti sa labi at nag focus na lang ulit sa daan.

Ruthless DesireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora