"Nagtatanong lang ako. Sagutin mo kasi ako nang maayos!" puno ng iritasyon kong buga sa kanya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko dahil sa inis sa kanya at sa sitwasyon. Ayoko ng may tinatago sa akin ang kahit na sino! Ayoko ng sikreto! Kaya nga noong nilihim sa amin, lalo na sa akin ang tungkol sa panloloko ni Mom kay Dad ay galit na galit ako hanggang ngayon.

Ngayon ay dadagdag pa siya? Ano bang tinatago nila sa akin?

"I told you, sinagot ko na iyan kagabi pa." pilit niyang hindi itinataas ang boses niya.

Kita ko na ang pamumula ng leeg niya kaya tumigil na ako. I heave a sigh, "Huwag niyo na sanang hayaang malaman ko pa sa iba, Kuya. Hindi ninyo magugustuhan." I almost whispered and a tears stream down my face kaya mabilis akong umalis sa harapan niya.

There is a tendency na may mangyayari talaga. Ramdam ko at patuloy akong ginugulo nito. Ayoko mang pansinin ay hindi ko pa rin maiwasan. Lalo na ngayon na wala pa akong masyadong pinagkakaabalahan.

Lynne
I'm not available, Cel. Nag overtime ako at marami pa akong tatapusin.

Umikot ang mga mata ko nang mabasa ko ang reply ni Lynne sa text ko sa kanya na magpapasama sana ako sa bagong bukas na bar sa Tagaytay.

I'm not an alcoholic type of a person pero nitong mga nakaraang araw ay gustong-gusto kong mabahiran ng alak ang katawan ko. Maybe, because of the situation. Ang tinatago sa akin ni Kuya, ang pagkakaroon ni Kiel ng instant 'amnesia' dahil hindi man lang ako nakilala ng gagong iyon at marami pa. Bwisit rin ang babaeng ito dahil hindi man lang ako makasingit sa schedule niya. Kahit kailan talaga!

Hindi ko na siya nireplyan. I took a quick shower at sinuot ko ang black knitted dress ko na pinarisan ko ng itim rin na flat sandals. Nang matapos ako ay gumayak na kaagad ako patungo roon. Hindi na ako nagpaalam kay Kuya dahil hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang ngayon.

It is a long ride kaya masyado na akong badtrip nang makarating ako sa bar na iyon. Idagdag mo pa na nag comute lamang ako dahil hindi ko nahanap ang susi ng sasakyan ko. Bwisit talaga!

Pagkapasok ko sa bar ay bumungad kaagad sa akin ang nakakasilaw na ilaw na may iba't ibang kulay. Maging ang malakas na tugtog ay pumapasok hanggang sa kalooban ko kaya napangiwi ako.

This isn't like the Horizon Nights. Doon kasi ay moderate lang ang mga tao dahil moderate lang rin ang atmosphere. Dito naman ay parang lahat sila ay may problema at gustong-gusto nang kumawala kaya dito nila napiling pumunta.

Mali yata ang ideya kong magpunta pa rito. Shit lang talaga, Acel!

Dahil wala na akong choice ay tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Namumura ko pa ang bawat taong bumabangga sa akin dahil pati paa ko ay hindi nila pinapatawad. Gaya ng isang 'to na walang humpay sa pagsabay ng beat ng tugtog. She's too wild to the point na wala nang kayang lumapit sa kanya dahil nagmimistula siyang bagyo sa daan not until I pass by.

"Putang ina!" malutong na buga ko nang maramdaman ko ang pagdiin sa akin ng matulis niyang takong sa paa ko.

Nagsugat pa yata iyon at kapag nalaman kong nagsugat nga iyon ay siya ang pagbubuntungan ko ng galit at inis ko.

Mabilis siyang lumingon sa akin na bahagya pang na-out of balance. "What the fuck?" she hissed kaya napataas ang kilay ko.

Ganoon pa ang ibibigay niya sa aking reaksyon? Really, huh?

Matalim ang tingin na binigay niya sa akin kaya ginantihan ko rin siya. "Tanga ka ba? Nakita mo na ngang nagsasayaw ako, dito ka pa dadaan?" bulyaw niya sa 'kin na talagang kinainis ko.

Staring at Sound | Voiceless Duology 1 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now