“Ehhhh…!”

“Bakit ano bang problema!?”

“W-Wala pa kasi akong sweldo.” She squeak.

“Edi natural sina mama ang gagasto. Naku!”

     Napagkasunduan na namin ni Ate Aliyah na siya na ang magtatanong. Kanyang ideya naman yun noh! Kaya siya na ang magtanong kay mama.

     Naka-park na kami sa harap ng university. “O, susunduin kita mamaya ah.” Nakangiting sabi niya. Tumango ako, “Yep, mag-ingat ka ah” at bumaba na ng kotse, ngunit pagbaba ko parang may naramdaman ako na kung ano. Pagtapak ko mismo sa semento para bang may kumuryenteng buong katawan ko, lalo na yung puso ko. Kumatok ako sa bintana ng kotse niya, binaba niya ito at napatingin sa akin. “O? May nakalimutan ka ba?” She cocked her head to the side. Umiling ako at binigyan siya ng maliit na ngiti, “W-Wala.” Sabi ko. “Mag-ingat ka ah?” Ngumiti siya and gave me a small wave. “Oo naman. Ikaw rin, babay.” Tinaas niya na ang pinto at umalis na siya.

Umiling ako habang pumasok sa loob ng eskwelahan, ano ba itong nararamdaman ko? Marami lang talaga akong iniisip tsk.

“Friiieeend!!!” Sumalubong sa akin ang isang nagtatatalon na Riley pagpasok ko ng campus.

     Niyakap ko siya at nginitian niya naman ako. “Oh if isn’t it, the reckless faggot.” Napatingin ako sa may-ari ng boses at sumimangot naman ako ng bumungad sa harapan ko si Chenille na pulang-pula ang labi. Kasama niya ang minion niya na si Dianne. “Siguro naman naka move on ka na kay Chase?” Tanong niya. “Excuse me!” Nilagay ni Riley ang kamay niya sa gitna namin ni Chenille, “Naka get over na siya dun sa boyfriend mong gung gung. Sino ba namang matinong lalake ang nafefreak out dahil bakla ang so-called best friend niya? Oh come on.” Sarkastikong sabi ni Riley.

     “Pwede ba huwag kang makialam rito.” Inirapan siya ni Chenille. “At bakit hindi? Best friend ko ang tinitira mo. Siyempre may karapatan akong ipagtanggol siya.” Matapang na sabi ni Riley. Hinawakan niya sa braso si Riley at inalis ito sa harap niya. “Look.” She said with a sickly smile. “Hinding-hindi na babalik sa’yo si Chase, Dylan. He’s mine and only mine.” Sasagot na sana ako ngunit nilagay ulit ni Riley ang kamay niya sa. “Hep hep hep!” Nag marcha siya sa harap ni Chenille. “Ba’t mo sinasabi yan? Sayong sa’yo na siya noh! Natatakot ka bang agawin siya sa’yo? Ng ibang babae or worst…” She pause at nilagay ang kamay niya sa balikat ko. “Ni Dylan?”

     Nanlaki ang mga mata niya at halatang inis na inis siya sa sinabi ni Riley, she laughs lowly. “Pinapaalam ko lang, Riley.” Sabi niya. “And that’s ridiculous, hinding-hindi maiinlove diyan sa baklang yan si Chase ko.” She scoffs. Ouch, ang sakit nun ah! “Oh, Chenille.” Sabi ko. Tinignan niya ako. “Ang ganda ng lipstick mo, pulang-pula o.” Namamanghang sabi ko. “Saan galing yan? Uminom ka ba ng tubig na may red tide? Yung ngipin at dila mo mapula rin ba?” Sarkastikong sabi ko. Tinabunan ni Riley ang bibig niya at tumawa ng mahina, nakita ko ring pumipigil ng tawa yung kaibigan niyang si Dianne. “Whatever.” Inirapan kami ni Chenille and she stomped away from us angrily. Nang mawala na sila, nag-apir kami ni Riley at tumawa ng malakas.

Hinawakan niya ako at hinila sa isang corner.

     “Uy!” Tinapik niya ang braso ko. Tinignan ko siya, “O bakit?” Natakot ako ng bigla siyang ngumiti, ang scawy niya ah. “May sasabihin ako sa’yo pero huwag kang mabibigla ah?” Aniya. Dali-dali akong, lumunok at tumango. Buntis ba siya? Teka lang imposible ata yun. “Huwag kang mabibigla! Pramis?” Umirap ako, “Ano ba? Sabihin mo na nga.” Naiirita kong sagot. “Dylan!” She squeals. “Tinanong ako ni Chase! Kinakamusta ka!”

Weeh?

Matutuwa baa ko o malulungkot?

Eenie meenie miney mo.

Boy Meets Boy(BoyXBoy)Where stories live. Discover now