Pinilit ko siyang kausapin sa abot nang aking makakaya. "Teka, wala naman akong ginagawang masama. Nasa panganib ka kaya obvious ba kung bakit kita niligtas,"

"Wala ako sa panganib, gusto ko nang magpakamatay! Alam mo ba yun?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang weird naman ata nun. Ngayon lang ako nakakita nang isang nilalang na gustong tapusin ang kanyang buhay nang ganun ganun nalamang. Hindi ko ata magagawa yun maliban nalang, kung may nagawa akong malaking kasalanan na ikinasawi nang maraming buhay. At isa pa, marami pa akong mithiin. Kaya kailangan kong mabuhay. Ngunit etong female human being, gusto niyang mangyari yun sa kanya. Ganito ba ang mga tao? Sila na mismo ang magdidikta nang kanilang kapalarang tapusin ang sarili nilang buhay, kakaiba din sila.

"Teka nga! Bakit mo gustong tapusin ang buhay mo?" tanong ko. May pagkakataong pinupuri ko ang teknolohiyang nakapaloob sa aking human shell. Naiintindihan ko kasi talaga siya. Na para akong isa ring totoong human beings.

"Wala kang pake alam!" bulyaw niya at hindi ko ata nagustuhan yung sinabi niyang iyon. Bakit ba siya galit? Nagtatanong lang naman ako. May masama ba sa sinabi ko?

Pinahid niya ang luha sa kanyang mga mata. At hindi ko maiwasang mapa-ngiti nalang, isang ngiting tagumpay. Dahil sa loob-loob ko, mukhang siya na nga, nahanap ko na siya. Pinagmasdan ko siya nang mabuti kasabay nang pag-scan nang aking mga mata na parang isang computer monitor. May mga lumalabas na salita sa aking paningin tungkol sa kanya.

Ethnicity: Asian

Nationality: Filipina

Physical description: fair complexion, long black hair, dark brown eyes.

Height: five feet and three inches.

Weight: fifty kilos.

"Filipina ka pala," nasabi ko, sabay ngiti nang ubod lapad. Kailangan ko na tong matatakan, papaano kaya ang diskarte.

Saka siya tumigil sa pag-iyak na ginantihan din ako nang isang malalim na tingin. Pumupungay ang kanyang mga mata na akala mo nagdududa sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at napansin kong nagpantay ang dalawa niyang kilay.

"Ikaw naman, mukha kang anime. Bakit pink ang kulay nang buhok mo?" wika niya. Bumaling siya nang paningin sa ibang direksyon at nang sundan ko ito, nakita pala niya ang sinakyan ko. "Sino ka ba? Bago ka ba rito sa San Francisco?" tingin niya muli sa akin.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sumagot. Ang dami ba namang boses na sumulpot sa aking isipan.

"Erier, ikaw si Hector Morales. Yan ang pangalan mo rito sa Earth,"

"Erier, ihatid mo siya sa bahay nila. Mukhang kawawa naman,"

"Hoy kumag! Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo. Tatanga tanga ka pa naman,"

Pinikit ko ang aking mga mata. "Tama na!" bigla akong nainis.

At salamat naman naglaho ang mga boses. Biglang tumayo yung babaeng human being at walang sabi sabing naglakad palayo sa akin nang mabilis. Huminga ako nang malalim dahil tinakot ko ata siya.

Ngunit tumayo na rin ako at hinabol siya. "Sandali! Ako nga pala si Hector Morales," may protocol kami na dapat itago ang tunay naming pangalan dito sa Earth.

Hindi niya ako pinansin, mas lalo pa niyang binilisan ang paglakad. Kailangan ko siyang makilala, pagkakataon ko na ngayon. Para naman mananahimik na silang lahat sa itaas, lalo na yung kupal na si Okron.

Hinablot ko ang kanyang braso nang makalapit ako sa kanya. Ngunit bigla nalang siyang nagpupumiglas na akala mo gagawan ng masama. "Bitawan mo ko! lumayo ka sa akin," tumaas na naman ang tono nang kanyang boses.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now