"Ano na ang nangyari sa paghahanap mo?" wika niya na galit pa. "Hanggang ngayon hindi ka pa rin kumikilos,"

Pina-ikutan ko siya nang aking mata. Mas matanda ito sa akin dahil nasa ikaapat na sequence na siya. Ganoon ang edad namin. At dito sa Earth, nasa 35 hanggang 55 taong gulang na ito. Nasa ikatlong sequence naman ako na nasa nasa pagitan nang 15 at 35 taong gulang sa dito.

Matangkad siya dahil seven footer siya habang ako six footer, kahit sa aking human shell. Palagi itong nakabusangos, lalong-lalo na sa akin. Okay lang dahil bagay naman sa kanya, panira ang mukha niya. Eto na eh! peaceful na peaceful na ang kalagayan ko rito eh! Bigla nalang siyang eeksena.

"Easy, easy kapitan. Atat lang, hindi kaya ganoon kadali iyon" sambit ko. Ang sabi nila one-month assessment pero ano ito, minamadali na pala ako.

"Ulol! Diyan ka magaling, ewan ko ba kung bakit ikaw ang napili nang planeta natin. Sa totoo lang wala kaming mapapala sayo. Pinapahamak mo ang lahat,"

Napa-pikit na naman ako nang aking mga mata kasabay nang pag-kuyom nang aking palad. Tinanggap ko nalang ang mga binitawan niyang mga salita, hobby kasi niya yun. Lagi ko nalang naririnig sa kupal na yan na wala siyang tiwala sa akin. Nakakababa nang moralidad, ngunit pinipilit ko nalang tanggapin. Kahit anong pag-eepal niya wala na eh, finish na, ako na ang napili nang aming planeta.

Umupo ako sa sofa at dumikwatro, asarin ko nga. Hindi ko siya tinitignan. Mabuti nalang at mag-isa lang akong na-assign dito sa tinitirahan ko sa Earth. Lahat kasi sila nasa taas nang spaceship namin na tinawag naming Ieverin. Naka-invisible mode ito sa kalangitan somewhere sa itaas. Lahat sila may duty doon at dahil sa ang misyon ko ay maghanap kasama na itong assessment, kailangang ako ang naririto sa lupa.

"Erier," nabaling ang aking paningin sa paglitaw nang isa pang 3d hologram. "Kailangan makahanap ka na ng subject ngayon. Kahit mamarkahan mo lang siya, kasi may timeline iyon. Baka masira ang teknolohiyang nakapaloob dito,"

Siya si Avara ang nagsisilbing informer namin at maraming alam tungkol sa misyon pati na sa mga bagay na naririto sa Earth. Babae siya. Anim na talampakan at nasa ikaapat na sequence na rin katulad ni Okron.

Isa pa to, nakaka-stress sila sa totoo lang. Hindi ba sila marunong maghintay. Bakit nila ako minamadali ngayon? Ang gulo nila kausap.

Sapilitan akong ngumiti. "Relaks lang guys! Hindi problema ang paghahanap nang subject sa akin, sa gwapo kong to,"

"Tarantadong ito! Ginagago mo ba kami,"

Nag-korteng trayangulo ang malaking Xyle-ver eyes ni Okron. Umusok ang ilong niya sa galit. 

Mas prominente ang ilong namin kaysa sa mga human beings dahil may buto kasi ito na umaabot hanggang sa ibaba ng noo. Ngayon ko tuloy nalamang, ang pangit pala niya kapag nagagalit.

Hanggang sa may marinig akong mga mahihinang tawanan. Pag-ikot nang aking paningin sa buong sala, naka-palibot na pala ang 3d hologram nang lahat pwera nalang sa isa pa naming kasamahan. Mabuti nalang talaga at 3d hologram sila dahil kung personal ko silang makikita, masisira talaga ang araw ko. Kahit yang mga yan hindi ako pinapansin buong paglalakbay namin. Kaya buti nalang talaga, nilagay ako rito sa lupa, ayoko silang makita araw-araw. Tapak na tapak ang ego ko sa kanilang lahat. Na para bang pinag-kakaisahan ako, ayoko kasi nang ganoon.

"Kapag hindi mo nagawa nang maayos yang misyon mo – gagawin namin ang plan-b...At ikaw, kumag ka, ay pwede naming petisyuning maparusahan. Huwag lang kami madamay diyan sa kagaguhan mo,"

"Sandali nga, akala ko ba nasa assessment period pa rin ako. Madami pa rin akong dapat malaman sa mundong ito – "

"Gumagawa ka pa ng dahilan. Wala kaming sinabi na mag petiks ka habang nasa assessment period. As soon na tumapak ka rito sa lupa, dapat sinimulan mo na rin ang paghahanap,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon