Chapter 1:

4.9K 25 2
                                    

Ito na talaga ang araw na pinaka-inaabangan ko simula pag kabata. Ang ikasal sa taong pinakamamahal ko. Naglalakad ako ngayon papunta sa altar. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong prinsesa ngayon dahil sa suot ko at syempre ang groom ko mukha ding prinsipe. Nang makalapit na ako sa groom ko, inilipat ni daddy yung kamay ko sa prince charming ko. Ay este groom ko  pala. ^___^

Nagsimula na ang paring magsalita.

“asdfjhaljdsfhaskjfhalksdjfhksdjfhlksdjfhaksdjfhdksjfh aldjsfhalksdjf asjdhfasjdhflkasjdhfkajdhfsal asdfjhaldsjfhadskjh.”

Wala talaga akong naiintindihan sa sinasabi ng pari dahil nakatingin lang ako sa groom ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang ikakasal na kami. Ang gwapo gwapo mo talaga Arthur Nicholas Salvador!! At finally, narinig ko na ang pinakahihintay kong sabihin ng pari..

“You may now kiss the bride”

Itinaas ni Nick yung veil ko, nakangiti pa rin siya. Oh em! Pag di ako nakapagpigil baka ako ng humalik sakanya! Pigilan niyo ako dali! Ilinapit niya yung mukha niya sakin, nakangiti pa rin siya at dahan dahan siyang pumikit, pumikit na rin ako. Our lips were few inches away..This is it! This is it! Ito na talaga. Malapit na..

“Breeana Sophia Marquez!!Gumising ka na jan! Tanghaling tapat na.Male late ka sa school pag di ka pa bumangon!”

sinabi niya yan sabay pinaguntog yung dalawang kaldero. Grabe. Halos mabasag eardrums ko sa sobrang lakas.  

“Ay anak ng kabayong mukhang unggoy!” –Ako

Bigla akong napabalikwas at nahulog ako mula sa kama ko. Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Nauntog ako. Kinusot ko muna yung mga mata ko at isinuot ang salamin ko bago ko hinarap yung walang hiya kong kapatid. -_____-

“Hoy Nikki! Ate mo ako. Hindi mo man lang ba ako irerespeto? At paano ka nakapasok dito sa kwarto ko, hindi ka man lang ba marunong kumatok? Hay naku! Ikaw na bata ka!”

“Ehhh kasi naman PO, nakailang katok na ako jan sa pintuan PO, hindi ka pa rin magising kaya ginamitan ko na ng susi at baka masira ko pa yang pintuan mo PO! At isa pa, tignan mo nga yang mukha mo! Kadiri may laway ka pa sa labi mo!Bilisan mo na jan, kung gusto mong sumabay samin ni Daddy.”

Umalis na siya agad sa kwarto ko pagkatapos niyang  sabihin yun. Akalain mo, 8 years old palang yung batang yun pero kung makapagsalita akala mo mas matanda sakin eh. Kung tutuusin hindi mo nga malalaman na 8 years old siya sa unang tingin eh. Biniyayaan kasi siya ng height. Nagmana kasi siya kay daddy kaya ayun matangkad siya, pero at least mas matangkad pa rin ako sakanya kaya okay lang. b^_^b Ako pala si Breeana pero tinatawag nila akong Bree sa school. Isa akong nerd. You know yung typical na nerd.

Nag-aaral ako sa Heartfilia University.  2nd year college na ako at ang course ko ay Bs Bio.  Hindi naman sa nagmamayabang pero ako nga pala ang no. 1 sa dean’s lister sa school namin. Isa lang naman akong simpleng nerd ehh. Bilang lang din ang kaibigan ko at lahat ng mga iyon ay nerd kagaya ko. Oo, lahat ng kaibigan ko nerd kaya pag kami ang dumadaaan sa hallway, lagi kaming pinagtitinginan at pinagtatawanan. Sanay na ka---------

“Hoy babae! Anu sasama ka pa? Anu bang hinihintay mo? Pasko? Jusko naman day! First day na first day tapos magapapala----“

“oo na! tumahimik ka na nga! Tara na” 

bumaba muna ako papuntang kitchen tapos kumuha ako ng bread at milk na nasa lata at dumiretso na sa kotse para dun ko na kainin yung breakfast ko. Actually, ngayon lang talaga ako kalate magising. Eh pano ba naman kasi, napanaginipan ko si Nick! Kung di sana ako ginising ng kpatid ko edi sana nahalikan ko na si Nick…kahit sa panaginip lang.

Ayy, nandito na pala kami sa school. Bumaba na agad ko at tumakbo bago pa mag ring ang bell. Ayoko kaya malate sa first day, baka kung anu pa isipin ng prof ko.

*riiiiiiiiiiiiingg*

Ay kung minalas nga naman oo.. nandito palang ako sa first floor nang biglang magring ang bell.  RUN FOR YOUR LIFE!! Tumakbo na agad ako papuntang 3rd floor kung nasaan ang first class ko.  Wala akong pakialam kung may makabangga man ako. Basta ang importante, maunahan ko ang prof kong makarating sa classroom. Malapit na ako sa classroom. YES.

*BOOGSHH!!*

Ay ang malas talaga ng araw na ito. -__________- nauntog ba naman ako sa pader. At dahil sa lakas ng impact, napatumba ako.

“Hey watch it!”

0_o

Huh? Nagsalita yung pader? Ayy lagot. Hindi ata pader yung nakabanggan ko. Unti unti kong itinaas ang paningin ko tapos nakita ko si…

NICHOLAS??!!WOW!  panaginip ba ito? Nakatulala lang ako sa gwapo niyang mukha.

“Hey miss! Are you ok?Isara mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw.”

Tapos kinaway kaway niya yung kamay niya sa harap ng mata ko. At dun lang ako natauhan. Bigla kong isinara yung bibig ko. Siya ang prince charming ko. Si Nicholas Salvador. Kilala bilang Nick sa school namin. Hayyy ang gwapo niya talaga. Pero dapat hindi ko muna siya pansinin. Malelate na ako at pag di ko pa binilisan tiyak patay ako sa prof ko pag nagkataon. Tumayo na ako agad.

“sorry. I have to go.”

Pinulot ko yung books ko na nahulog. Hindi ko na napulot yung mga books niya kasi nga nagmamadali na ako.

“teka miss!”

kahit gusto kong lumingon, hindi ko na ginawa..malelate na talaga ako.  Pagdating ko sa classroom, wala pa yung prof namin. Hay buti naman. Hingal na hingal na talaga ako dahil sa pagtakbo ko. 

“Bree! Bat ngayon ka lang? Grabe, buti hindi ka nalate!”

lumapit sakin si Diane. Siya ang bestfriend ko. Ang kaisa-isang bestfriend na kahit kalian ay hindi ako iniwan. ^______^.

“Ehh..Panu..ba..naman..”

“Oh, hinga ka muna. Grabe, mukha kang aso na hingal na hingal ehh”

“EH kasi tumakbo pa ako mula sa first floor papunta dito para lang hindi malate. Pero okay lang. Sulit pa rin.”

“bakit naman?”

“Eh kasi nakasalubong ko yung prince charming ko!!” At yun ikinuwento ko na yung nangyari kanina. Ang saya talaga!

Nick’s POV

“teka miss!” sigaw ko dun sa babaeng nakabangga ko. Nerd siya. Balita ko siya daw yung 1st sa deans list. Eh bat kaya siya ganito ka late? Anyway, not my problem. Grabe talaga yung nerd na yun. Di man lang magsorry. Hay. Tsk.tsk. Pinulot ko na yung mga books ko kaso nagulat ako sa nakita kong maliit na notebook. Binuksan ko ito…. At nagulat ako sa nakita ko. Then an idea hit me. Breeana Marquez. Humanda ka sakin. Bwahahahahah!! *evil laugh*

[a

: Eton a po ang pangalawang story na ginawa ko. Sana magustuhan niyo po. ^_______^ take care]

The Hunk and the Nerd(Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon