Prolouge

11 2 0
                                        


Prolouge

I'm back

"Touchdown to Philippines. Thank you for flying Delta Airlines! This is your Captain speaking wishing you all a nice day."

Napatingin ako sa bintana ng first class na eroplanong sinasakyan ko. Lihim akong napangiti sa sarili ko.

I'm back. Finally...

"Have a nice day, Miss Imperial." Paalam ng isang babaeng crew. Nginitian ko lang siya.

Pabigat ng pabigat ang hakbang ko habang naglalakad palabas ng Airport parang walang tao at yabag lang ng takong ng sapatos ko ang aking naririnig. Para bang wala akong pakielam sa mga taong nasa paligid ko. Ganun 'yong nararamdaman ko ngayon.

Parang kelan lang nandito din ako ah? Kaso paalis naman.

Pagkalabas ko ng Airport nakita ko agad si Mang badong; ang personal driver ko, kumakaway sa akin at halatang masaya sa pagbabalik ko. Lumapit ako at nginitian siya.

"Nako Ma'am Samantha, ang ganda ganda niyo na po. Kamusta naman po ang byahe niyo?" Masayang bungad ni Mang Badong habang kinuhuha ang mga bagaheng dala ko.

"Salamat Mang Badong, ayos naman po. Medyo may jetlag lang."

"Ah ganun po ba, nagpahanda nga po pala ang Mommy niyo sa paguwi niyo dito sa Pinas. Nakakapanibago nga po yung bahay nung nawala kayo eh, matagal tagal rin ho kayong nawala, Ma'am, nakakapanibago po. Natakot nga po ako na mawalan ng trabaho nung umalis kayo pero sa bait po ng panginoon hindi naman."

Tango at ngiti lang ang ginawad ko kay Mang Badong at pumasok sa loob ng kotse habang inilalagay niya ang mga maleta ko sa likod ng sasakyan. Tinanggal ko ang aviator na suot ko. Humilig ako sa headrest at pumikit para magpahinga.

Habang na sa byahe kami kwento lang ng kwento si Mang Badong ng tungkol sa mga nagbago sa pilipinas pero 'ni isa roon ay wala akong maintindihan, naglalakbay ang utak ko sa ibang lupalop ng mundo.

"Alam niyo po ba Ma'am na lalo pong sumikat ang mga kaibigan niyo ngayon lalo na po si Sir Bret, nagmomodel na rin po siya ng international. Nakita ko po kasi siya sa balita, pinapakita lahat ng naachieve niya."

Napatingin ako kay Mang Badong at nginitian niya ako. Napaahon ako sa pagkakaupo at matamang tinignan sa rare mirror si Mang Badong. Since he mentioned that... I should ask him some things.

"Sorry po Ma'am, nakalimutan ko hong wala na nga pala po kayo ni Sir Bret," paumanhin niya na kaagad kong inilingan.

"No i-it's okay, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa kanya n-nung mga panahon na... wala ako? If that's okay with you," awkward kong tanong.

Tumango si Mang Badong. "Oo naman po Ma'am! Alam niyo po ba na nung nawala kayo, nung nakipagbreak po kayo kay sir Bret halos araw araw po siyang na sa mansyon, nag mamakaawang ilabas kayo ng Mommy niyo dahil gusto niya daw po kayong makausap pero lagi lang po siyang tinataboy ni Madam Matilda."

Napapikit ako sa narinig ko, I'm sorry Bret. I'm so so sorry.

"Balita ko nga po eh hinanap niya pa kayo sa Canada, nilibot raw niya ang buong Ontario para lang mahanap kayo kaso hindi niya po kayo nahanap eh. Narinig ko din pong isang taon siyang tumira dun kakahahanap lang po sa inyo. Ang alam niya lang po kasi na sa Ontario kayo nakatira, hindi niya po alam na lumipat kayo ng Vancouver."

Nagulat ako sa narinig ko pero di ko pinahalata. Napatingin nalang ako sa bintana at saktong nakita ko ang Billboard niya ng isang sikat na underwear line na based in America.

Reach Beneath The Surface Where stories live. Discover now