1

109 3 0
                                    


Ito ang unang araw namin ni nanay dito sa Manila. Ihahatid nya lang ako hanggang sa bahay na titirhan ko. Napaka mapagmahal talaga ni nanay. Nakuha kasi akong secretary dito sa isang sikat na kompanya. Galing kaming Isabela.

"Anak, tandaan mo lagi yung bilin namin ng Tatay mo ha. Wag mag papagabi ng uwi, wag mag lalakwatsa ng gabi, kumain sa tamang oras----"

"Wag mag papagutom at mag ingat sa mga taong kakausapin. Opo nanay. Lagi ko po yang tatandaan. Tignan mo po. Memorize ko na." Sabi ko kay nanay. Pang-20 na beses nya ng sinabi saakin yan. Naka rating na kami sa Quezon City. Dito na muna ako titira sa kaibigan kong si Bea Amanda Dumariguez. Call center agent sya at kasalukuyang nililigawan ng Manager nila. Kaibigan ko rin ang nanliligaw sakanya si Jacob Hendrix Manzano. Matagal na rin akong walang balita sa kanila kaya baka sinagot niya na si Jacob noon pa.

"Anak, dito nalang ako ha. Tandaan mo ang mga bilin namin ng Tatay mo."

"Opo nanay. Ingat po." Niyakap ko si Nanay bago siya pumasok sa taxi.

Nakatira si Bea sa isang condominium. At sabi nya sa chat namin ay nasa Sixth floor. Hihintayin nya nalang daw ako sa tapat ng elevator. Binitbit ko na ang aking bag at hinila ang aking maleta ng mag bukas ang elevator. Mayaman sila Bea. At kami naman ay may kaya lang. Mekaniko si tatay at minsan ay gumagawa ng peanut si mama.

Ako pala si Jhanna Elena Andrea Natalia Pinto. Haba ng pangalan ko ano. Jean ang tawag nila sakin. Haba daw kasi ng pangalan ko eh. Maputi ako, sakto ang pangangatawan(pero sabi nila ay sexy daw ako), at may ipag mamalaking ganda. Pero kasalukuyan akong may malaking black rimmed glasses (pero hindi malabo ang paningin ko) at Retainer. May mahaba akong itim na straight na buhok at manang kung manamit.

Pag bukas ng elevator ay bumungad saakin si Bea na nakasandal sa pintuan. At hula ko ay pintuan iyon ng condo niya. Ng makita nya ako ay tumakbo siya papalapit saakin.

"Beshiiiieee!!! Namiss kita bhie!" Sabi niya sabay yakap. Niyakap ko rin siya pabalik. Si Bea ay Maputi, sexy at maganda. Mayroon siyang brown at wavy na buhok. At naaayon ang pananamit niya sa modern in short puro sexy ang damit niya.

"Hindi ka parin nag babago. Ano yan? Ganun parin? Dating gawi? Nag mamanang clothes ka at nag se sexy sa mga importanteng lugar?" Tumango nalang ako. "Halika na nga! Kain na tayo nagugutom na ko eh." Sabay hila saakin papasok ng condo niya. Maganda ang condo niya. Pink and purple ang kulay ng condo niya. May dalawang bedrooms ito at may isang bathroom. G-shape naman ang kitchen niya.

"Lika na! Kain na tayo! Naka luto na ko. Mamaya mo na iligpit ang mga gamit mo." Wala akong nagawa at umupo nalang sa may stool. Parang bar lang. Wag kayo! Di pa ako nakakapasok ng bar, napapanuod ko lang sa TV.

Kumain kami. Hapon na kasi kami nakarating dito sa manila. Idagdag mo pa yung traffic. May bwaya pa naman to sa tyan. Nag kwentuhan kami tungkol sa panliligaw sakanya ni Jacob na napag alaman kong sinagit niya na ito, sa mga epic na nangyari sakanya hanggang  sa napunta sa boss ko.

"Diba sa Lopez Company ka mag tatrabaho?" -Bea

"Oo. Bakit mo natanong?" Medyo nag tataka na sagot ko.

"Ah... alam mo bess gwapo yung CEO nila. Pero balita ko masungit daw yun. Walang sinasanto. Pag may hindi siya nagustuhang gawa mo, fire ka na. Pag di niya gusto ang project na ginawa ay harap harapan niya itong itatapon sa basurahan." Ang grabe naman sila manghusga. Baka may problema yung tao kaya ganun ang ugali. Diba mostly ang mayayaman family problems ang problema.

"Grabe wala kabang possitive na masasabi dyan?"

"Meron. Malaki ang sweldo mo don. Since secretary ka ng CEO, 350,000 ang sweldo mo."

What a CoincidenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon