Napuno ng dugo ang apron niya at ang gulo-gulo ng buhok niya na parang sinabunotan siya.
Masasabi naming...siya ang mag gawa ng krimeng ito! Siya ang killer! Holy crap!
I'm sure, she's human.
Ngunit nararamdaman ko ang masamang enerhiya ni Adie sa kanya. Mukhang sinasapian siya!
Ipwenesto ko ang rifle ko at itinutok sa kanya.
"Duwag ka ba, Adie!? Bakit nagtatago ka sa kaanyoang yan!? Lumabas ka at harapin mo kami!"-- medyo garalgal pa na pagkakabigkas while I'm ready to pull the trigger.
Iniwan na muna ni Jana ang mama niya at ipwenesto at itinutok rin ang sandata niya sa babaeng 'to.
" Ahahahaha! Ang tatapang niyo, mga bata. Pero alam na alam ko ang kahinaan niyo."--Adie. Yong boses niya ay parang may echo. Tumatawa ito na gumagalaw pa ang magkabilang balikat.
Napatingin ako kay Jana na mas lumalalim pa ang pagtitig niya sa sinasapiang babae.
"Kung gusto mo kaming kalabanin, kami mismo ang kakalabanin mo. Bakit may idinamay pa kayo? Ang ibig bang sabihin niyan, natatakot na kayong harapin kami? Head on?"--Jana.
Natawa lalo si Adie. Mas nakakairita siya kaysa kay Jegudi.
Dahil sa napipikon ako sa mala demonyo niyang tawa, I finally pull the trigger at tinamaan ang babaeng sinapian sa may kanang braso!
" U-ow. Huwag, Kael. Maawa ka. Gusto mo bang mawala ang kaluluwa ng babaeng 'to?"--Adie.
Napaatras ako. Hindi man naapektohan ng bala ng rifle ko ang katawan ng babae, ang kaluluwa naman niya ang maapektohan.
Matalino rin ang Adie na'to. Sinadya niyang sumapi sa inosenteng babae na'to upang gawin niyang shield para sa sarili niya.
Nakita kong nanggigigil na si Jana. Gustong gusto na nitong umatake pero alam kong ayaw niyang may inosente na madadamay dito.
Hanggang sa naramdaman namin ang malakas na pag ihip ng hangin. Parang may dumating na malaking ibon o lumilipad na halimaw pero wala kaming makita.
"Yukiko, anak!"
"Yukiko!". May naririnig kaming sigaw ng isang lalake at isang babae na tinatawag pa ang pangalan ni Jana.
Sigurado kaming nanggagaling yon sa harapan namin, sa kinaroroonan ni Adie ngunit wala kaming makita.
" Jana, ang kaluluwa ng mga magulang mo."--Jegudi. Sabi ni Jegudi in his ghost weapon sword.
Nag katingan kami ni Jana.
"May nakikita ka ba, Kael!?"--Jana.
I rubbed my eyes. Ilang beses pa akong napablink. Nararamdaman kong merong mga kaluluwa at masasamang ispirito sa harapan ko ngunit hindi ko talaga makita. Pero nakita namin kanina si Jegudi? Bakit biglang nagkaganito?
" Wala akong makita."
Parang gaya ng nangyari noon kung saan, sabi ni Jennifer, nag iba ang kulay ng red string of fate namin.
"Ako rin."--Jana. Nag-aalalang wika ni Jana.
Parehos kami ngayong...
Hindi makakita ng mga kaluluwa o ispirito kahit pa hindi kami magkahawak sa isa't isa.
" hahahaha! Sa wakas, mukhang bumalik na rin sa dati ang red string niyo. Bakit di niyo tanongin si Jegudi kung ano nga bang nangyayari sa inyo? Para pasalamatan niyo ako na talagang sumapi pa ako sa isang lampang katawang tao para makita at makausap niyo lang ako."--Adie.
YOU ARE READING
Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]
HorrorKael was just a usual 13 year old kid not until he witnessed a gun shot incident right in front of his eyes. Eversince then, he got the ability to see wondering ghosts in any corner of his everyday living space for around five long years up until h...
🔯 Chapter Twenty Six: Creepy Escape
Start from the beginning
![Creepy Red String Attached [ C O M P L E T E D ]](https://img.wattpad.com/cover/39903611-64-k757270.jpg)