Kumunot ang nuo ni Katharina ng mapansin ang sasakyang mabilis na dumaan sa harapan nila ni Calvin. Iyon ang sasakyan ni Callum at hindi siya maaring magkamali ngunit bakit iyon nanduon pa. Akala niya ay umalis nq ito?

Kanina ng mawalan siya ng malay sa parking lot ay nakita din agad siya ng guard na nag babantay duon. Dinala siya nito sa clinic ng kompanya at pinag pahinga siya duon ng sandali. Nag kamalay na din siya ilang sandali lang. Pinainom lang siya ng gamot. Nag tanongin siya ng nurse na nanduon kung sino ang pwede nilang kontakin para sunduin siya ay nag dalawang isip siya. Hindi niya pwedeng abalahin si Callum baka mas lalo lamang itong maasar sa kanya. Isa pa hindi nito ikatutuwa kapag kumalat sa buong kompanya na personal silang magkakilala lalo pa't isa lamang siyang hamak na janitres.

Kaya wala siyang ibang naisip na kontakin kundi ang dating kababatang si Calvin. Ito lang naman kasi ang kilala niya sa maynila maliban kay Callum kung kaya ay wala siyang magagawa kundi ang hingin ang tulong nito kahit na nahihiya siya at baka maistorbo pa niya ito. Ilang minuto lang pagkatawag kay Calvin ay agad na itong dumating na hinihingal pa at halatang nag madali pa. Inalalayan ni Calvin si Katharina sa pag lalakad dahil nang hihina pa din ito. Yuon ang naabutan ni Callum na akbayan sa pagitan ng dalawa.

"May problema ba?" Tanong ni Calvin ng mapansing natigilan sa pag lalakad ang kasama matapos dumaan ng humaharurot na sasakyan.

"Wala." Sagot ni Katharina.

"Kumain ka na ba? Gusto mo kumain na muna tayo bago kita ihatid?"

"H-Hindi na. Kumain na ako. Maraming salamat talaga Calvin ah. Pasensya ka na ah. Wala din kasi akong ibang mahingan ng tulong dahil wala pa naman akong kilala dito bukod sayo."

"Ano ka ba Kath! Wala sa akin iyon! Actually I'm happy kasi ako ang naisip mong tawagan." Wika ng binata. Napangiti si Katharina. Mukhang hindi pa din kumukupas ang pagiging mabuting tao ng kababata.

Inalalayan siya ng binata hanggang sa makapasok siya sa kotse nito. Habang nasa sasakyan ay hindi naiwasan ni Calvin na mag tanong tungkol sa klase ng trabaho niya sa kompanyang iyon. Hindi lang kasi siya makapaniwal na naover fatigue kaagad ang dalaga kahit pa unang araw pa lang nito sa trabaho. Pakiramdam niya tuloy ay inaabuso ito mg husto ng boss niya.

"Sabihan mo lang ako kung inaabuso ka ng boss mo. Pwede kang mag trabaho sa kompanya ko mas madali ang trabahong ibibigay ko sayo at mas tataasan ko pa ang sahod."

Natawa si Katharina sa sinabi ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay mapagbiro ito.

"What? I'm serious here." Wika pa ng binata na tinawanan uli ni Katharina.

"Hindi naman kasi ako nag rereklamo sa trabaho ko. Tsaka hindi ako pwedeng umalis sa kompanya na yun."

Bumuntong hininga si Calvin.

"Sigurado ka bang ihahatid na kita ng diretsyo sa inyo?"

"Kailangan ko na kasing mag pahinga, may pasok pa ako bukas ng maaga. Hindi ako pwedeng malate bago pa lang ako."

"Sa akin ka na lang kasi mag trabaho." Pag kukumbinsi pa din ni Calvin na nginitian lang naman ni Katharina. Di maiwasang malungkot ni Calvin ng makarating sila sa tapat ng condo building na tinutuluyan ni Katharina. Kanina ay sinasadya niyang bagalan ang takbo ng sasakyan upang mas matagal pa na makasama ang dalaga.

"Katharina sa 45th floor ka na pumunta at mag linis." Ani Gema. Tumango lang si Katharina at agad na sinunod ang utos ng babae. Sa elevator patungo sa 45th floor ay nakasabay niya ang dalawang lalaking sa tingin niya ay boss din sa tower na iyon kaya tumungo siya at lumikod pagkapasok sa elevator. Agad na nagkatinginan ang dalawang lalaki. Ang isa ay medyo bata bata pa samantalang ang isa naman ay mukhang may edad na. Kumunot ang nuo nila dahil ngayon lang may empleyadang sumabay sa kanila sa elevator. Maaring bago lang ito kaya ganuon.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now