"Wala kayong alam. At ayokong madamay kayo dito. Lalo na si Zeny. Alam mo naman na mahal na mahal ko siya----" I cut him off

"So gagawin mo ang lahat para lang di siya masaktan? Sa tingin mo di siya nasasaktan ngayon? Sarkastiko kong saad.

"Wag na kayong makielam dito. Baka may mangyari pang masama sainyo. Sainyo ni Zeny. Kaya pabayaan niyo na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Alam ko ang ginagawa ko." Ang tigas ng ulo nitong lalaking 'to.

"F*ck those warnings Ryker Dawson!" sigaw ko. Pati mga tao dito napatingin na din sa amin. Pero wala akong pakielam sakanila. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Ryker.

"Wala akong pakialam kung may mangyaring masama sa amin. Dahil di ako makakapayag dun. Pero Ryker gumising ka! Kailangan mong gumising sa realidad! Ano? Pababayaan mo nalang ang sarili mo dito sa mainit at mabahong kulungan na ito?!" Sigaw ko. Pinagtitignan na kami ng mga tao dito pati ang mga pulis. May lalapit sana saming pulis kaso pinigilan ko.

"Okay lang kami. Nag-uusap lang kami netong kumag na 'to. There's nothing to worry. Saka ko nalang kayo tatawigin para may role din kayo kung mainit na ang usapan." Sabi ko dun sa pulis na palapit samin. Inaalok ko nga sila nitong dala naming pagkain kaso umiling lang sila. Di ba nila gusto ang cookies and cream flavor ng ice cream?

"Stop being too selfless and at least for once, think of yourself too. Sa mundong ito hindi dapat nagtagumpay ang mga masasama." Sabi ko saka padabog na nag walk-out. Di ko na keri ang presensiya sa loob. Feeling ko sasabog na ako. Kailangan ko ng hangin. Pagkatapos ng 5 mins and 30 secs ay bumalik na ako sa presinto. Naabutan kong nag uusap sila Zeny at Ryker.

"Hindi ko talaga maintindihan yang boyfriend mo Zeny. Siya na nga ang tinutulungan siya pa may ayaw! Kung ayaw niya di wag. Di siya kawalan. Bahala siyang makulong dito habang buhay este ng matagal na panahon." Pagpaparinig ko. "Kasi kung ako? Hindi ako mag-----"

"Fine!" Sabi niya at hinampas ang lamesa.

"Kasi kung ako? Hindi ako magpapakatanga----" pagpapatuloy ko. Naiinis parin ako sakanya.

"Di ka pa ba titigil diyan? Hays oo na! Aamin na ako." sabi niya.

"Aamin ka rin pala eh. So totoo bang na set-up ka lang?" Saka ko binalik ang seryoso kong titig.

"Y-yes." Nauutal niyang sabi. Kinakabahan ba siya? Tsk.

"Ginawa ko lang nanan yun para di na kayo madamay pa." pag eexplain niya.

"Sino yun? Yung nagtext sayo? Siya ba ang mastermind?" sabi naman ni Zeny na kanina pa tahimik. Kala ko naman wala siyang script dito. Meron naman pala.

"Grabe naman yang mastermind Maris." napatawa si Ryker sa sinabi niya.

"Eh ano?" Taka kong tanong.

"Wala, basta siya lang nag utos saken. Pero sa pagkaka alam ko may boss pa siya."

"Eh kung hindi ikaw ang nakasaksak kay Elora........." sabi ni Zeny na nag iisip. Ako din wala akong ideya kung sino ang nasa likod nito. Hindi kaya si kuya? No big no. Eh si tito? Hindi rin. Sinubukan kong naman tumingin sa likod ko baka nandito lang kaso walang tao eh.

"Ayun lang ang di ko alam." pag aamin ni Ryker.

Sa totoo lang naaawa ako kay Ryk. Ang tanga niya kasi eh. Joke.

"Hay nako Ryker! Aakuin mo yung kasalanan nang iba pero di mo kilala kung sino? Incredible!" napasigaw nanaman ako kaya ang mga tingin ng tao nasa amin. Napatawa naman siya.

The Great DisasterWhere stories live. Discover now