mYwF 1 - the past

101 5 2
                                    

--------------------------------------------------------------

MYWF 1- (author's POV)

• 10 years ago {November 08, 20**} •

“Marian, palit nga kayo ng upuan ni Patricia” sabi ng teacher nila

“Opo”sagot nila Marian at Patricia

“Hi”nakangiting sabi ni Erick “ako nga pala si Erick”

“Hi, alam ko naman na Erick ang pangalan mo eh, ako nga Pala si Marian”

“Hahaha”

“Kopya lang ako ng lecture ah”

Lumipas ang mga araw at linggo ay naging close sina marian at Erick hanggang sa dumating ang graduation nila nawalan na sila ng panahon na makapag kuwentuhan dahil na rin sa dami ng mga ginagawa.....

nang grumaduate sila ay nalaman ni marian na sa ibang lugar na pala mag-aaral si Erick kaya medyo nalungkot siya dahil napalapit na rin siya kahit papaano kay Erick at may lihim din siyang crush dito.....

nag-high school na sila nagkaroon ng mga bagong kaibigan at kakilala pero hindi pa rin makalimutan ni marian si Erick...

mabilis na lumipas ang mga taon magtatapos na sila ng high school nalulungkot man dahil magkakahiwahiwalay na sila ay masaya pa rin dahil ga-graduate silang magkakaibigan ng may honor at alam naman nila na magkakaroon pa rin sila ng communication kahit anung mangyari......isang araw bago ang graduation ay magkakasama sila at nag-uusap-usap

 “Marian ikaw lang pala ang mahihiwalay sa ating lahat baka naman hindi ka na makipagcommunicate niyan”sabi ni angel

“Oo nga Noh? Baka makalimut ka”sabi naman ni jasmine

“hindi ako makakalimot noh?? Baka kayo ang makalimot” sagot ni marian “by the way what school are you in guys?”

“wattpad university kaming lahat, at napagkasunduan na rin naming mag-accounting...eh ikaw ?”Sabi ni Dianne

“Business administration and I am not sure kung sa Baguio or sa States” sagot ni marian

“Alam mo mamimiss ka namin” sabi ni bella

“Ako rin naman I’ll gonna miss you all” sabi Marian

Pasukan na naman......first day of school being a college student, for Marian it is a new escapade, dahil marami na naman siyang makikilala and may possibilities na maging schoolmates sila ni Erick...

“Lola aalis na po ako”paalam niya sa lola niya

“Oh sige Apo mag-iingat ka ha??” sabi ng Lola niya

“Opo”humalik na siya sa pisngi ng lolo at lola niya

“Wala munang boys ok?”bilin ng lolo niya

“Yes lolo”

Maganda naman ang simula ng lahat para sa kanya, maliban Na Lang ng makilala niya si Arthur at makita niya muli si Erick.

Nanligaw Sa kanya ang dalawa, makalipas ang ilang buwang panliligaw ay sinagot niya si Arthur. Maayos naman sila pero nalaman naman ng lolo ni marian na mayroon siyang boyfriend kaya isang hapon pag-uwi niya galing sa school, sinampal siya ng lolo niya.....

“ano itong nalaman ko na may boyfriend ka daw ?”galit na tanong ng lolo niya sa kanya

Iyak lang ng iyak si marian dahil totoo ang nalaman ng lolo niya. Ang lakas ng iyak niya noon dahil first time na may sumampal sa kanya.

“ano bakit hindi ka na makapagsalita diyan? Dahil totoo? Akala mo ba hindi ko malalaman? Dahil sa katigasan ng ulo mo sa susunod Na pasukan Doon ka sa states mag-aaral at habang hindi pa tapos ang semester na ito grounded ka” galit pa rin na sabi ng Lolo niya

“Lo please naman po ayoko po doon” makaawa niya sa Lolo niya

“That’s final” sabi ng Lolo niya at umakyat na ito sa kwarto nito

Matapos ang semester Na iyon ay ipinadala siya ng Lolo niya sa states para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral...

kausap niya sa phone ang parents niya ng araw na iyon....

“hija wala akong magagawa kung iyon ang gusto ng lolo mo”sabi ng mommy niya

“mommy please do something, i don’t want to stay here” sabi niya sa mommy niya

“hija i’m so sorry pero wala talaga akong magagawa, oh kakausapin ka daw ni daddy??”sagot ng mommy

“Okay”

“Oh kamustah ang first day mo dyan??”tanong ng daddy niya

“not so good dad, I want to go home naL, I don’t wanna stay here for so long”

“it’s for your own good”

At iyon na ang huling beses na kinausap niya ang parents niya kahit Madalas tumatawag ang mga ito upang kamustahin siya...... 

-------------------------------------------------------------------------------------

hanggang dyan po muna ^_^

Vote.Comment.Be a Fan :))

>>C i n d i e<<

meeting YOU was FATEWhere stories live. Discover now