Characters

131 3 1
                                    

Si Mike He, 17 years old. Isang Fine Arts Student sa Zhi Hui University. Matangkad, matalino, gwapo, Team Captain ng Swimming Team, popular, talentado, crush ng bayan, at higit sa lahat babaero. Siya daw ang Epitome of Perfection sa eskwelahan nila. Bagama't nasa kanya na halos ang lahat, mga kaibigan, supportive na pamilya, magandang reputasyon, iisa lang ang hinihiling niya.

Tunay na pag-ibig.

Tulad ng iilan sa atin, in denial siya sa mga pagnanais niya na makahanap ng tunay na pag-ibig, hanggang sa dumating ang araw na di niya makakalimutan..

~~

Si Ariel Lin, Sweet 16. Yun nga lang, 'di ganoon ka-sweet.  Music Production student at tinaguriang "sea monster" nung kasali pa siya sa Swimming team ng eskwelahan nila. Siya ngayon ang Team Captain ng Taekwondo Club, kilala sa bansag na Sadako dahil bukod sa may mahaba siyang buhok ay nakakatakot din siya. Asal lalaki at puno ng angas. Kababata niya si Mike, nagkakilala sila nang madapa si Ariel habang tumatakbo pauwi ng bahay  na tinulungan naman ng batang Mike na noon ay bagong lipat nilang kapitbahay. Nung una, inaangasan at binubully niya lagi ang batang si Mike. Ngunit di nagtagal ay naging magkaibigan din sila.

Hindi man niya aminin sa iba, pero alam niya sa sarili niya na takot siyang umibig. Nagsimula ito nang maagang nabuntis at naging single-mother ang Ate Andrea niya. Naging mas maangas, masungit at mayabang siya sa iba, pero sapat na nga ba ang angas niya para matakasan niya ang pagpihit ng tadhana?

~~

Minor Characters:

Joseph - Matalik na kaibigan nila Mike at Ariel, Lider ng grupo nilang magkakaibigan. Kilala siya sa pagiging isa sa mga matakaw tuwing tatambay sila at magme-merienda sa gilid ng track oval sa likod ng school nila. 

Dani - Ang fashionista ng barkada. Anak mayaman at sosyalera. Bukod sa barkada ay wala na siyang ibang "BFF" kundi ang mga damit, sapatos at mga accesories niya. May pagka-rebelde dahil sa kadahilanang masyadong strict ang parents niya at wala silang pakealam sa nararamdaman niya.

Carlo - Pinaka-kolokoy sa kanilang lahat. Siya yung tipo na hindi nauubusan ng joke, corny man o hindi, may paki ka man o wala. Siya ang tenga ng barkada sa tuwing may mga happenings sa kanilang eskwelahan.

Al - Siya ang invisible man ng barkada. Tahimik at mapagmasid. Pinsan siya ni Carlo. Siya ang takbuhan ng barkada kapag may problema, magaling magpayo at maaasahan mo pagdating sa mga sikreto.

Franchesca - One word. Nerd. Taga-hakot ng awards at ang walking encyclopedia ng barkada. Medyo may pagka-complicated ang ugali sa kadahilanang may pagkamadaldal at mahilig mag-isip ng kung anu-ano. Para din siyang linta kapag kasama mo siya sa sobrang kulit niya.

Sus, Ikaw Lang Pala!Where stories live. Discover now