CHAPTER 19: Jealous Guy

7 0 0
                                    


  CHAPTER 19: Jealous Guy

ELLE'S POV

Ilang araw nadin ang nakalipas simula ng magkaayos kami ni Justin. At kahit nakakahiya para sakin yung ginawa niya, sa kanya wala lang.
Madalas nadin kaming nagkakasabay kumain sa lunch, tumambay sa rooftop. Di joke lang, di ako tumatambay no! Busy ako lagi.

Minsan sabay din kaming umuwi. Minsan lang! Kasi bwisit tong Chase na'to eh. Sa tuwing inaalok ako ni Justin na sabay na kami, umeepal tong asungot na'to at sinasabi niyang kami ang sabay na uuwi. Psh! Hindi ba nakakainis?!

"Get in! Faster!" utos niya saken. Ang kapal naman talaga ng mukha ng kupal na'to! Sino ba siya para pag utusan ako! Arggh!

"Pwede bang maghintay ka kahit konti! Andami kong dala oh! Hindi ka manlang nagabalang tulungan ako eh!" inis na sagot ko sa kanya. Inirapan niya lang ako, at lumabas para kunin yung ibang mga gamit na dala ko.
Kung di pinagsasabihan, hindi tutulong! Psh! Ang galing!

Pagkauwi namin, nasa tapat na kami ng condo unit. Wala ba siyang balak na pagbuksan ako? Argh!
Kainis!

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse, nang bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Let me..." tipid niyang sabi at lumabas. Buti naman.

Bago ako nakapasok sa loob ng gate. May sinabi siya na ikinagulat ko....

"Wake up early, susunduin kita dito. 7 AM. Ayokong pinaghihintay. Are we clear Ms. Del Rosario?" eto na naman siya. Napaka-bossy eh! Tss. Tumango lang ako.

"Are we clear?!" paguulit niya. This time nakatingin na siya ng masama. Argh!

"Ano pa bang gusto mong sagot?!" inis na tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya at tiningnan ako.

He smirked.

"I just wanted you to say YES. Can you say it?" nakangisi niyang sabi saken.

"Y-Yun lang ba?" tanong ko sa kanya. Shet! Why am I stuttering? Tumango lang siya.

"Y-yes?" sagot ko. Tiningnan ko naman siya. Tangna nakangiti. May sayad! Baliw!

Nagpaalam na siya tsaka pumasok nadin ako sa condo.
Walangyang kumag nayun! Hindi ba niya alam na busy ako? Aish! Wala naman akong magagawa.

Fastforward:

*KRIINNGG!

Napabalikwas ako, at tiningnan yung alarm clock. Shet!
6:30 na!
Ayun nagtatakbo ako papunta sa shower room.

Pagkatapos ko, akala ko gising na yung mga lokaret kong kaibigan, hindi pa pala. Hayst.

Nagmadali akong lumabas.
Pagkalabas ko, nandun na siya. At kung tinatanong niyo kung anong suot niya? V-neck t-shirt padin. Tsktsk.

"5 minutes late, again? Ms. Del Rosario?" sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan.
Psh! Pati ba naman yun, monitor niya?

"Psh! Don't care!" inis na sabi ko at napaismid nalang.

Hindi naman niya ko kinibo, kaya natulog nalang ako. Tsk. Inaantok padin ako eh......
Umagang-umaga eh, nambibwisit to!

Naramdaman kong parang may yumuyugyog sa balikat ko. Aish! Istorbo!

Bahala ka diyan! 

HASE'S POV


Andito nadin kami sa labas ng Enchanted Kingdom. Pinark ko yung kotse ko, at ginising ko siya.
Aba! Ayaw patinag. Ano to? Porke't maaga ko siyang sinundo, tutulugan niya ko? Psh!

"Gigising ka ba o hahalikan kita?!!" sigaw na sabi ko. Nagising naman siya at napatingin saken. Psh!

"Yes. At buti naman nagising ka na? Kala ko kasi hindi na..." sabi ko pero pabulong nalang yung huli.

Montero HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon