CHAPTER 16: (I MEAN IT)

6 0 0
                                    


  CHAPTER 16:
(I MEAN IT)

ELLE'S POV

ARRGGHH!! Nakakainis! Bat ginaganto niya'ko?!
Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko...
Tangina talaga tong feeling na'to!

Sa tuwing maaalala ko yung nangyari nung gabing yun, hindi ko mapigilang KILIGIN. At hanggang ngayong kinikilig parin ako, hindi ko nga mapigilang mapangiti minsan eh kaso pinipiglan ko lang. Baka kasi sabihin ng mga tao sa tabi-tabi na nababaliw na ako.
Eh ano naman?
Pwede ko naman sabihing, "Oo! Nababaliw na'ko.....dahil sa kanya!"
Hahaha!

BLAG!

Natigilan ako at napaayos ng upo, ng biglang buksan ni Chase ang pintuan at nagkatinginan kami sandali.

Dubdub....Dubdub

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Shet! Bat nauutal ako?!
Napansin kong nagsmirk siya.  

  "Masama bang pumunta dito?" sagot niya ng patanong at pumasok na sa room ko.

"O-Oo! Cause you're not allowed to go in here! Tsaka bakla ka ba? Ha?" sigaw ko sa kanya, pero nagtuloy-tuloy lang siya sa loob tsaka humiga. O_O
Langya!

"Psh! Who says I'm not allowed? And you know I'm not gay, I've proved it." sagot niya. Tiningnan ko naman siya. Nakapikit pala. Ano to? Nakikitulog na siya ngayon?!

"Wala ka bang sariling kwarto? Bat dito ka natutulog?" tanong ko sa kanya.

"I have, but I like it here.... I like it coz you're here." sabi niya ng nakapikit parin. Aish!
Cge lang busugin mo pa ako sa mga pambobola mo nayan! Tss.

"Tss. Talaga lang ah?" inis kong sabi at tinalikuran siya.

"You, aren't you going to sleep? Gabi pa oh...." tanong niya saken.
Pano ako matutulog? Aber? Eh siya nakahilata diyan! Psh!

"Umalis ka diyan! Para makatulog ako!" sigaw ko sa kanya. Pero ayaw magpatinag, tiningnan lang ako.

"Bat ko naman gagawin yun?" tanong niya. "Eh pwede namang tabi tayo eh!" napatingin ako sa kanya na nakatingin pala saken. Tsaka, anong sabi niya? Tabi kami? Duhh!

"Mula ngayon dito na ako matutulog, and that's final! Are we clear Ms. Del Rosario?" may awtoridad na sabi niya.

"Anong sabi mo? Ayoko nga! Ano ka swerte?! Yabang mo naman!" sigaw ko sa kanya. Ang kapal naman niya yata? Tss.

"I said it's final! Any problem with that? If you don't want me here, you can sleep outside! Embrace the coldness!" sabi niya at tumalikod. Alam ko, pinagtatawanan na'ko ng asungot na'to!

"Arggh! Nakakainis ka talaga!!" kinuha ko yung unan at kumot.

Akmang tatayo na sana ako ng higitin niya yung kamay ko dahilan para ma'out of balance ako at matumba sa kanya.

"Hindi mo ba'ko tatanungin kong seryoso ako sa sinabi ko?" tanong niya saken habang nakaakap saken. Shet! I can feel the warmth of his arms embracing me.

"Wala akong pakialam kung seryoso ba yun o hindi." masungit na sagot ko sa kanya.

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Baliw!

"Haha. Papayagan ko bang dun ka matulog? I'd rather hug you this tight." Pagkasabi niya nun mas hinigpitan nya pa yung pagkakayakap saken. Nakakarami na sya ah! Argh!

Ayoko naaaaa! Gusto ko nang magbackout sa ginagawa niya.

"Ahm.... If you're waiting for me to apologize about the.....kiss?" Nagulat ako sa itinanong niya. Shet! Naalala ko na naman yun.
"Sorry.........but I mean it." W-What? He mean it? But why?

Sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng kwarto.

"B-Bakit?" ang tanging katagang lumabas sa bibig ko.
Naghintay ako ng sagot niya ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi padin siya nagsalita. Naramdaman kong parang lumuwag yung pagkakayakap niya kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para tanggalin yung braso niya.

Nung matanggal ko na, tiningnan ko siya. Nakatulog na pala siya.
I don't know why you're doing this Chase, but you keep turning me on.

FASTFORWARD

ELLE'S POV

Sinabi ni Chase na ngayon yung huling araw namin dito sa Korea and we're going back to Philippines the next day.

Nalungkot naman ako dun, gusto kong magstay dito FOREVAAAA!! HAHAHA! At hindi ko padin nakikita si Sehun hanggang ngayon. Waaah!

Teka? Anong oras na ba? Bat wala pa si Chase? Di kaya busy na naman yun? Hayst. Yaan na siya.
Mamamasyal na lang ako, baka makita ko si Sehun diyan sa tabi-tabi. Hahaha. Pwede ba yun?

Lumabas na muna ako at naglibot-libot. Ngayon ko pa lang nakita na may maliit palang ilog dito. Pumunta ako dun at naglakad sa may parang tulay na hindi naman siya gaanong mahaba para bukas ka pa makatawid. Haha.Ang ganda kaya!
Kulay green kasi. Hehe.

Kaso yung ilog hindi na siya makita masyado dahil puro dahon at may mga snow nadin.

Sayang.  

Montero HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon