CHAPTER FIVE

2.9K 59 0
                                    

Hindi alam ni Yuan ang magiging reaksyon sa masungit na pagharap sa kaniya ng babae, hindi niya inaasahan na ganon kailap ang dalaga.

Pero ganon pa man, hindi man lang nabawasan ang paghangang nararamdaman niya dito.

Wala pa sana siyang balak na umalis sa kinatatayuan niya nang balingan siya ng babae at kunot noong nagsalita.

"Excuse me, marami pa akong gagawin kaya makakaalis ka na." pagtataboy nito

Nais sana ni Yuan na ipagtapat sa dalaga ang totoong dahilan kung bakit siya naroon pero baka mas lalo siyang mahirapan kung gagawin niya iyon.

Isa siyang estranghero para dito at kung sasabihin niyang nagtungo siya roon dahil hinahanap niya ito at sabihing gusto niya ito ay malaking ekis.

Nah Yuan, hindi magandang ideya iyon.

"Sige, babalik na lang ako." Aniya, hindi naman siya tinapunan ng tingin ng babae, nagbuntong hininga na lang siya at naglakad palabas ng silid na iyon.

Hindi pala madaling gawin ang bagay na iyon, akala niya ay katulad ng mga nasa plano niya ang mangyayari.

Well, that would be more interesting for me. The woman was really different.

Nang lumabas siya sa silid na iyon ay naagaw ang atensyon niya sa isang pamilyar na tao na pababa ng pick up jeep habang nagkakamot sa ulo.

"Bakit ba nakalimutan ko ang notebook na iyon." Bulong pa nito

"Oscar?" tawag niya dito, nang marinig nito ang boses niya ay bumaling sa kanya ang empleyado niya.

"Boss?!." gulat na bulalas nito nang makita siya, lumapit ito sa kanya.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

"Eh sir dito ako pansamantalang nakatira dahil gaya ng sinabi ko sa'yo noon na gusto kong tulungan yung pinsan kong si Jessica." anito

Napangiti naman siya, may magandang ideya kaagad na pumasok sa isip niya nang marinig niya ang sinabi nito.

Hinila niya ito palabas ng gate, "Pinsan mo ang may ari nitong poultry?" tanong niya, tumango ito.

"Oo, si Jessica. Hindi ko siya maiwanan dahil nagkasunod sunod ang pagdating ng problema dito sa poultry." Anito, tumango tango siya. "Sir, pasensya ka na at hindi pa ako makapasok sa kumpanya." Paghingi pa nito ng pasensya sa kanya.

"It's okay Oscar, but I have a favor." Nakangiting saad niya

"Kahit ano sir! Gagawin ko para sa'yo." Mabilis na sagot naman nito.

Napakamot naman sa ulo si Oscar nang marinig nito ang pabor na gusto ni Yuan.

"Sir, sigurado ba kayo sa pabor na hinihingi ninyo?" tanong nito, nakangiting tumango siya at walang pag aalinlangan siyang sumagot.

"Siguradong sigurado."

"Pero..."

Pinigilan niya ang sasabihin nito.

"Just do what I want Oscar." Bigla ay seryoso niyang sabi, napatango naman ito.

"O sige ho." Muling napakamot sa ulo ang lalaki, "Halika kayo at ipapakilala ko kayo sa pinsan ko." Anito, nakangiti na siyang sumunod dito.

At bago pa sila pumasok sa silid na iyon ay binulungan niya ang lalaki.

"Isa itong sikreto Oscar, maliwanag ba?" aniya, sunod sunod itong tumango.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now