"ANO? tika anong ginagawa niya dito?" Napabalikwas naman ako ng bangon.

"Abay malay ko, puntahan mo na doon kanina pa yan nandito eh. Dinadalaw ka siguro, ang sarap nga nung dala niyang pizza."

"Hoy kinain mo na, di kana nahiya."

"Ate naman syempre ibinigay edi kakainin wag kang mag-alala may tatlong box pa naman doon."

"Hoy grabe ka meky ang takaw mo talaga, naubos mo ang isang box. Kaya tuloy tumataba ka."

"Hala tumataba ba ako ate?"
Worried niyang sabi.

"Oo"

Tinignan naman niya kaagad yung reflection niya sa salamin na parang worried. Ako naman lumabas nalang na may kasamang ngiti, at pinuntahan si kent sa sala.
Nagkasakit kasi ako ng apat na araw kaya di ako nakapasok. Pero ngayon OK na ako bukas nga papasok na ako.

"Hoy ateh ba't ka nandito?"

"Kuyaaaaaaa!"
Sinalubong naman niya ako ng yakap. "Grabe miss na miss na talaga kita kuya! Di ka man lang nagparamdam sa akin.

"Hoy buhay pa ako di pa ako patay para magparamdam, kalerkey 'to. Umupo na nga muna tayo."
Umupo naman kami.
"Tika nga, paano mo nalaman yung address namin?"

"Sa mga kaibigan mong bruha di man lang ako sinama noong isang araw na dinalaw ka?"

"Alam ba nilang gusto mong sumama? ikaw talaga."

"Ay nako basta galit ako sa mga bruhaditang yun. Pero kuya sobra na talaga kitang na miss, ako ba na miss mo?"

"Parang hindi naman?"

"ANO?"
he look upset.

"Joke lang, hmm gwapo mo talaga."

"ARAY naman kuya!"
Piningot ko kasi ilong niyang matangos.
"Hoy kuya wag mo sabihing nagkakagusto ka na sa akin?"

"Hmmm." I acted like I was thinking. "Parang OO yata."

"Yuck kilabutan ka nga diyan sa pinagsasabi mo Kuya."

"Joke lang ito naman."

"Pero seriously kuya OK ka na ba? Papasok ka naba bukas?"

"Oo papasuk na ako bukas, wag ka nang mag-alala."

"Sunduin kita dito bukas ha!"

"Per--"

"oh bawal ang tumanggi"

"Sige na nga!"

Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa sila papa at mama.

"Oh anak may bisita ka pala."

"Ay ma, pa nandiyan na po pala kayo." Lumapit ako kila mama at papa at nagmano. Kukunin ko na sana yung dalang pinamalengke nila ni mama kay papa."

"Ay di na anak, ako na maglalagay nito doon sa kusina asikasuhin mo nalang yang bisita mo. Tika pwede mo ba kaming ipakilala mo na diyan sa bisita mo anak."
--> bigla namang naging seryuso yung boses ni papa. Ito kasing si papa over protective sa amin kahit nga makakita lang na may kausap akong lalaki na kaklase ko. Magtatanong agad kong anong pinag-uusapan namin. Pero confident naman akong di 'to mamagalit kasi bakla nga 'tong si kent.

" Si kent po pala kaibigan ko po."

"Magandang araw po sa inyo."
Napangiti naman ako dahil bigla naging lalaking lalaki yung boses niya.

"Magandang araw rin ijo, manliligaw kaba ng anak ko?."
Seryosong tugon ni papa.

Pariho naman kaming napaubo. Diba nila nahalata ni mama at papa na beki itong si kent. PATAY AKO NI PAPA NITO.

"Ayy nako pa hindi po mali po ang inaakala niyo, bak---"

"OPO manliligaw po ako ng anak niyo."

O________________O HUWHAAAT? ANONG SABI NIYA?

"Nako ijo di mo kailangan magsinungaling nagbibiro lang 'tong asawa ko. ikaw talaga roberto.

"Nagbibiro lang ako ijo, alam namin na bakla ka, rinig na rinig namin yang mga boses niyo sa labas. "

"Oh siya sige maiwan na muna namin kayo. Ay ijo dito ka na maghaponan."
-->mama

"Nako di na po, uuwi narin po ako mamaya maya."

"Nako di ako papayag, wag kanang mahiya ijo."
--> papa

"Umoo ka nalang kasi."
Bulong ko nalang kay kent.

"Ah oh sige po."

"Mabuti naman, oh siya magluluto na muna ako."
Umalis narin sila mama.

"Hoy bakla ka, kinabahan ako kanina sayo grabe ka ha bakit mo naman sinabi yun?"

"Eh bakit ba? Ayaw mo bang manligaw ako sayo?"

"Yuck! Tumigil ka nga."

"Joke lang ito naman never akong papatol sa eba anu!"

"Nako ewan ko sayo, paano nalang kong naniwala sayo si papa? Para pa naman yung lion kung magalit."

"Ay talaga!? Nakakatakot pala podra mo ate."

"Talagang nakakatakot."

"Kaya siguro walang nanliligaw sayo."

" Ano ka ba sadyang wala talagang nagkakagusto sa akin. Tsaka wala naman sa isip ko ang mga ganyang bagay, magiging NBSB ako forever."

"Ooy wagkang ganyan, mapaglaro ang kapalaran."

Ang Dakilang NBSB Fell Inlove Into A GayWhere stories live. Discover now