BAD LUCK 6

9 2 0
                                    

First day with him<---<

       Naging kahiya hiya ang kasalan kahapon kaya walang nagawa si Rei kundi ang tumawa sa harap ng asawa na nya ngayon na si Rex.

       "Tumigil ka riyan baka supalpalan kita." iritadong sabi ni Rex ngunit tinawanan lamang siya ng asawa.

Umalis ang kanilang ina at ama para ayusin ang negosyo. Sekretarya na ngayon ni Mr. Buenventura ang ina Ni Rei.

      "Ayoko nGa. Masaya ako eh, eepal ka?!" sabi nito at tumawa nanaman ulit na parang baliw.

Napailing nalang si Rex at iniwan sa kusina ang baliw na asawa. "REX! YUNG ANNULMENT PAPERS AH! BAKA BUKAS PWED--- ARAAAY!" Napadaing sa sakit si Rei ng batuhin sya ng tsinelas ni Rex.

      "Anong annulment kang bwesit ka?! Si daddy ang kausapin mo! Takte! Akin na tsinelas ko!" sigaw nito kaya sya naman ang napadaing ng bumalik sa kanyang ulo ang kanyang tsinelas na ibinato sa asawa.

        Mga baliw talaga.

Gusto nyong malaman ang nangyare kahapon?

Well, natuloy ang kasal ngunit hindi naman maka focus ang pari dahil sa suot ng bride..

Gown na hanggang tuhod lang naman.. Brinushan nya ng eyeshadow kaya naging rainbow.

Sya na si The Bride In Rainbow.

Baliw talaga si Rie.

----

         "San ka pupunta?" sita ni Rex sa asawang naka bihis at papaalis.

         "Magtatanim ako. May nagtatanim bang naka palda?" pamimilosopo ng babae at hahakbang na sana ngunit nagsalita nanaman ang lalake.

        "Oo kung trip mo. Sagutin mo ako. San ka pupunta?" napairap sa hangin si Rie at nakapameywang na hinarap si Rex.

         "Mag mo-mall. Bakit ba? Pwede nakong umalis?"  aburidong sabi ng babae kaya may ngiting sumilay sa mga labi ni Rex.

       "Sasama ako.."

Walang nagawa si Rie dahil ng humarap sa kanya si Rex ay nakabihis na ito. Narinig kasi ni Rex na nagpaalam ang asawa sa isang katulong na mag lilibot libot lamang. Kaya hayan.. Ready Na.

Sumakay sila sa kotse ni Rex. Si Rie naman nasa shotgun seat kasi pinilit ni Rex.

Hanggang sa makarating silang mag mall.

Gusto sana ni Rie na mag window shopping pa. Ang kaso baka mapahiya lang sya sa lalakeng ito kaya hindi nalang sya hahawak sa mga paninda.

        "Pumili ka, bibilhin ko." nagulat si Rie ng sabihin iyon ng bakulaw na nasa likod nya. Tinaasan nya ito ng kilay.


        "Para saakin?" sabi nito tumango si Rex dahilan para mapangisi ang dalaga.


         "Uhm.. Isa lang naman ang gusto ko. Regaluhan mo ako, regaluhan kita. Cge gusto ko nito!" masaya nyang sabi at ibinitin ang isang dress na kanina pa nakakakuha ng kanyang atensyon.


        "Okay, yan na ang regalo ko." sambit naman ng lalake at wala sa sariling napangiti nalamang. Ang cute kasi mag bunyi ng kanyang asawa.


         "Cge.. Bilhin mo to. Ito ang regalo ko sayo."


          "Wow ha.. At ako pa talaga ang magbabayad ng regalo mo para sa AKIN." inemphasize pa talaga nito ang salitang 'akin' para ipadama na naiinis sya kay Rie.

Pagkatapos ng madugo dugong labanan nila, napag desisyunan ni Rie na mag sine. Tutal ay mayaman naman ang kanyang asawa kaya lulubus lubusin na nya.

Nanuod sila ng IT na horror. Wala rin naman iyon kay Rex kasi napanuod na nya pero si Rie naman todo sigaw pa.

Halos maubos na nga yung popcorn nila kaka sagi nito sa pag hampas ng dibdib. Ewan ko ba dyaan at napaka OA.

Sunod nilang pinuntahan..

Bumyahe nanaman sila para pumunta sa Manila Zoo. "Woah, anong ginagawa natin dito?" nakangiting sabi ni Rie habang yung asawa ay pumipila para sa kanilang ticket papasok.

        "Bibisitahin ang mga pamilya mo." napasimangot si Rie ng marinig ang pantitrip ni Rex kaya tumahimik nalang ito 


Naging masaya naman ang kanilang pamamamasyal. Lalo na si Rie na nakapamasyal ulit. Hindi naman na nya kasi ito nagagawa buhat ng maging guro ito 

Lubog sya sa schedule at kung may free time sya sa bahay lang sya busy kaka gawa ng grades, d kaya ay pag gagawa ng lesson plan.

masaya naman sa ginagawa nya si Rie, ito ang libangan nya for almost half a year.

Hindi naman sya pinagagalitan ng ina kasi minsan lang ito kung umuwi sa kanila.


Pero okay lang yun kay Rie.


..Sanay na syang mag isa.
    

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 ONE week of BAD LUCKWhere stories live. Discover now