1Breaking News

3 1 0
                                        


1st person's POV

"Aaahhhhhhhhhhh" nakabibinging sigaw ng mga tao sa paligid.
Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil parang may kung anong  ilaw na nangagaling sa kalangitan na parang  portal at may  naglalabasang mga pangit at nakakadiring nilalang,  end of the word na siguro.

"Breaking News.. May kung anong  nangyayari sa sanlibutan ngayon na tila  ba'y katapusan na ng mundo. May kung anong  nagsisilabasan sa isang  portal na katulad sa mga mutant na ating  nakikita sa mga palabas walang kasiguraduhan kung mamatay o may matitira pang buhay sa mundong  to dahil halos 1/4 sa ating  populasyon ay patay  na nakakalungkot mang isipin ngunit mag pakatatag tayo ako po si..... Naguulat..."
Pareparehong mga detalye ang aking naririnig mula sa mga naglalakihang screen na nakakabit sa mga building.

" Ahh". Parang may kung anong itinusok sa aking balikat ngunit wala naman nakalapit sa akin na mga pangit na nilalang na mutant yata ang tawag sa kanila dahil ako ay kasalukuyang nagtatago sa likod ng basuran, nakakadire man ang aking pwesto ngunit kailangan kung magtiis para sa aking kaligtasan nakapagtataka dahil kahit isang  insekto ay wala  akong mahagilap napakaingay parin  ng paligid at ang tanging nagagawa ko lang ay ang tumingin.








Hindi ko alam  kung anong  nangyayari sa aking katawan  dahil bigla nalang akong napatayo at laking  gulat ko na iba  na ang aking Kasuotan para akong mandirigma ngunit ang suot ko ay kulay puti na may mga desinyong Hindi ko maintindihan ngunit nakakamangha sa kagandahan.
Hindi ko namalayang may palapit na pala sa aking  mutant at tangkang hahawakan na sana ako ng biglang "Air abolish" sambit ko na hindi ko alam  kung paano at saan ko nalaman yun  dahil bigla nalang nawala ang mutant na nasa  aking harapan kasabay  ng aking  paghinga na ikinabigla ko dahil nagsitakbuhan ang mga natitirang buhay na tao sa aking likod at nagtipon tipon ang mga mutant na para bang nagtataka at biglang napaharap sa gawi  namin,  umatras ako ng ilang hakbang dahil patakbong papunta sa aking kinalalagyan ang mga mutant "tulungan mo kami may kapangyarihan  kang taglay na makakatulong upang manatili kaming  ligtas" nabigla ako sa sinabi ng lalaking may malaking katawan  "Wala naman po akong kapangyarihan tsaka  power doesn't exist in our world" tugon ko sa lalaking nagsasalita kanina.

Kitang kita ko sa mga mukha ng mga kapwa ko tao ang pagmamakaawa na iligtas ngunit anong gagawin ko? "Ayan na sila  mamatay na siguro talaga tayo nito" walang pagasang sabi ng babaeng halos puno  na ng sugat ang katawan at nanghihina.
Galit, nagmamakaawa, lungkot at kung ano ano pang halo halong  emosyon ang aking namamasdan sa kanilang mga mukha na nakatingin sa akin.
Anong gagawin ko sampung hakbang nalang ang layo ng mga mutants sa akin.
Bigla nalang naglakad humakbang ang aking mga paa  "bahala na  kung  anong mangyayari sa akin" mahinang bigkas ko. 


Hindi ko alam kung saan  nangagaling ang lakas ng loob kong makipaglaban. Parang marami akong alam sa pakikipaglaban dahil sa ipinapakita ko ngayon nagkaroon ng pagasa ang mga mukha ng mga tao ng tignan ko sila, parang may kung anong  enerhiya ang aking nararamdaman na nagpupumilit lumabas sa aking katawan na siyang dahilan ng aking pagngisi ng nakakatakot.









2nd Person's POV

Nasa  kalagitnaan ako ng laban. Laban na parang  ako lang ang pagasa ng bayan  hindi  ko alam kung san nangaling ang kapangyarihan ko dahil nakakaya kung labanan ang mga mutant nato.

Tanging  liwanag lamang  ng araw  ang nagbibigay ng pagasa sa akin na kaya ko silang  ubusin, ubusin na ako lang mag isa dahil sa aking nakikita ako lang ang may kapangyarihan sa aming lahat.

"Aarrgghhh" sigaw ng mutant na aking natalo itinutok ko lamang ang aking kamay sa kanyang anino na hinihigop ng aking kamay na nagbibigay sa akin ng lakas at tila hindi ako napapagod kakaiba  man ngunit cool para sa akin at kasabay ng aking  pagkakaruon ng kapangyarihan ay nagiba rin ang aking kasuotan ito ay kulay itim na may makikinang na diamonds na kulay itim din with matching boots na hangang tuhod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Siblings PowerWhere stories live. Discover now