"Amin na ang kapatid mo dahil isa siyang gama!" Sigaw nang isang lalaking nakahawak sa batang babae na umiiyak.



"Adelfo! Tulungan mo ako!!" naiiyak na sabi nang batang babae habang hawak hawak nang dalawang lalaking naka-kapang itim.



Tumingin naman ako kay Francess at — "Anong ibig sabihin nilang isa siyang gama?" Pabulong na tanong ko kay Francess.


"Ang gama ay tawag sa mga maji na may kakayahang manggamot. Sila ang mga healer dito sa Enca Majica at may kakayahan din silang magpabalik nang lakas sa isang maji lalong lalo na kung may labanan. Kapag nawawalan ng lakas ang maji, ang mga gama ang tumutulong sa kanila para manumbalik ang kanilang lakas sa pakikipaglaban" explain naman ni Francess sa akin. "Ang nakakalungkot lang ay wala silang kakayahang makipaglaban kaya pinoprotektahan ang mga gamang maji dahil malaki ang maitutulong nila" dagdag ni Francess.



"Dadaan muna kayo sa akin bago niyo makuha ang kapatid ko!!" Dinig naming sigaw nang lalaki kanina kaya bumalik ang mga tingin namin sa kinaruruunan nila.



Nakita namin ni Francess na sumugod ang kuya nung bata at sobra ang pagkabigla ko dahil ang kanang kamay niya ay naging isang matulis na espada at connected ito sa braso niya.



Sumugod ang isang lalaking nakahawak sa bata at mas lalo pa akong nabigla dahil sa pagtakbo nung kalaban papunta sa lalaki ay may paa ang lumabas sa kanyang gilid na para bang humiwalay sa kanyang katawan. Naging dalawa siya at hindi nagtagal padami ito ng padami kaya napahinto ang lalaki sa pagsugod. Siguro ang kapangyarihan niya ay ang mag padami ng sarili niya kasi nasa harapan na nang lalaki ang 10 na kalaban niya na iisa lang ang mukha.



"Hulaan mo" sabay sabay nilang sabing sampu. Natatawa din sila habang sinasabi iyun.



Ngumiti lamang ang lalaki na para bang nasayahan na naging sampo ang kalaban niya. Inilahad ng lalaki ang kanyang kanang palad at may usok na lumalabas mula dito. Lumaki pa ng lumaki ang usok hanggang sa naging isang malaking dragon ito. Ang ulo nang dragon ay nag-aapoy.



"GRROOOAAAAARRR!!!" Dinig naming ungol nang malaking dragon. Kung hindi ako nagkakamali baka enca niya ang dragon na ito.



"Ikaw na ang bahala sa kanila Drago. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko." Sabi niya sa enca niya at bumuga nang sobrang pagkalakas-lakas na apoy ang dragon at tinamaan isa isa ang kalaban.



Tumakbo naman papunta ang lalaki sa kapatid niya na hawak hawak nang isang kalaban.



Nang mapansin nang kalaban na pasugod na ang lalaki ay tinulak niya ang batang babae sa gilid at hinarap ang lalaki. Mas literal pa akong napanganga dahil kitang kita ko kung paano unti unti napunit ang damit nang kalaban at naging isang mabangis na lobo.



Shit! Totoo pala talaga ang mga taong lobo.



Sumugod ang kalabang lobo at lumundag para kagatin ang lalaki. Ginamit nang lalaki na shield ang braso niya at naging isa itong matigas na metal kaya nung nakagat ito nang lobo ay hindi siya nasasaktan.



Sa kabilang side naman ay patuloy na nakikipaglaban ang dragon sa isang kalaban na ang kapangyarihan ay kayang magpadami nang sarili.



Habang abala sila sa pakikipaglaban ay hindi naman ako nag aksaya nang oras at nilapitan ko ang batang babae na ngayon ay takot na takot sa mga nangyayari. Nagulat siya nang hinawakan ko siya sa mga braso niya.



ENCA MAJiCAWhere stories live. Discover now