Chapter 9

21 1 0
                                    

After three days ay umuwi na sila mula sa kung saang lupalop ng karagatan.

Antok na antok ang dalaga. Hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari noong nakaraan.

Iniisip niya ang kanyang boss

Noong unang araw pa lamang na makita niya ito ay wala itong kainteres interes sa kanya

Matapos ng tatlong araw heto siya at nagpapanggap na girlfriend ng boss.

“Ano bang iniisip ng taong yun?” tanong niya sa sarili

“Baka naman gusto talaga ako nun?” Sinaway niya ang sarili sa pag a-assume ng bagay na yon

“Nicole! Wag kang assumera”

Nakarating na silang muli ng Manila matapos ang ilang oras na byahe binigyan siya ni Andrew ng special Day off dahil sa pagta-trabaho ng weekends.

“Chichaaaaaaay! I’m home!” sigaw niya sa aso na agad agad tumakbo papunta sakanya, tila nag iiyak ito na lumapit sakanya

“Sorry chichaaay, naiwan kita.. kumain kaba ng maayos huh? Huh?” at nilambing lambing ang aso. Matalino ang aso niya kaya naman maaari niya itong iwanan sa bahay ng hindi nagugutom, nagkakalat at dumudumi sa kung saan.

“Arf arf arf” Tahol ng aso na tila naiintindihan ang sinasabi niya

“Okay chichay let me rest now.. sobrang pagod ko”

Sakto ang pagring ng cellphone niya. Si Veron

“Hello?”

“Nicoooole!” nailayo niya ang cellphone sa tenga dahil sa pag sigaw ng kaibigan

“Veron! Kelan ba kita makakausap ng hindi ka nakasigaw?!” pagalit niyang sabi

“Ito naman! Namimiss lang naman kita no! how was my bestfriend? Na mayroong ng boyfriend? Hmmm?”

“Veron naman I told you—“

“Okay okay, kamusta? I missed you talaga.. can we go out for a coffee?” agad namang nag-apologize ang kaibigan at alam talaga nitong kape ang makaka akit sakanya.

“Hay nako. Buti na lang talaga bestfriend kita No. di kita matitiis, but let’s go tonight. I’m very tired Veron.. gabi na lang tayo umalis” paki-usap niya sa bestfriend

“Gaga, magkakape sa gabi?! Oh well sige na nga I have an appointment pa naman eh”

“Okay. Bye!”

“Bye!”

Nahiga siya sa kama

“Hayyyyy makikita ko nanaman si Sir bukas” nagdedaydream na siya..

“Nako hindi!” sinampal sampal niya ang sarili “No Nicole! You’re not inlove..” sampal ulit

“Halatang walang gusto sa iyo ang lalaking iyon!” sabi ng sarili niya at sumipa sipa siya sa ere na parang baliw

“Gaaaaaaaaaaaaahhhhh ano ba yaaaaaan!” itinakip niya ang unan sa muka

At nakatulog na…

“Yes I do”

“You may now kiss the bride”

Lumalapit na ang gwapong mukha ni Andrew sa kanya.. itinaas nito ang veil at nginitian siya

Ngumiti rin siya bilang tugon, mangiyak-ngiyak siya sa nangyayari.. hindi niya akalaing ikakasal sila ng boss

“I love you, Nicole..”

“I love you too, Andrew”

*WAKE UP WAKE UP WAKE UP NICOOOOOOOLE!!!!!*

“Ugh.. Andrew”  

YOU CAPTURED MY HEARTWhere stories live. Discover now