CHAPTER 3

34 0 0
                                    

Breaaaath in…. Breaaath out..

Haaaa.. kaya mo yan Nicole.

*knock knock*

No answers

*knock knock*

May nagbukas ng pinto

Si Andrew mismo ang nagbukas ng pinto at wala na ang babaeng kasama nito kanina

“Come in Ms?”

“Abueva, Nicole Abueva po sir”

“Ms. Abueva, come in” He cheerly welcomed his employee.. Kanina pa lamang ay napansin na nya ito.

Balingkinitan ang pangangatawan, mapungay ang mga mata at makinis ang malaporselanang kutis nito. Siguradong magiging masaya ang pansamantalang pamumuno nya sa kompanya ng ama.. isip nya

Habang nagpapakilala sya sa mga empleyado kanina di nya mapigilang di ito titigan ng husto. Napakaganda ng muka nito. Makinis at mapula ang mga pisnge na hindi nya mawari kung natural oh blush on lamang.. Maganda ang kulot na buhok nito na kulay brown na sa tingin nya ay tina lamang..

Di nya mapigilang mangiti ng bumalik sa isip nya ang eksena kanina sa opisina kung saan nakita sya nito in his birth suit.

“Ah sir?”

Nagbalik ang isip nya ng magsalita si Nicole.

“Ah yes, you came here to discuss business matters right?” nakatitig sya sa mga papeles at larawang dala ni Nicole

“Yes sir, this papers was given to me by sec. Lim he said that these needs your signature.”

“Okay”

“And this pictures needs your approval sir” ipinakita ni Nicole ang mga litratong idinevelop nya nung nakaraang araw.

“And this is really impressive… who took this? Who’s incharge of our photographs.. he must be veru good and genius!” Pagpupuri nya sa gawa ni Nicole.

“Actually sir.. I’m the one who’s incharge of that thing” She said shyly

Napaisip si Andrew sa galing ni Nicole napaka artistic ng mga kuha nito.

“Are you sure you’re the one who took this?” Panunukso nya sa dalaga.. Ngayon may naisip na syang paraan upang makasama ang dalagang lihim nyang nagugustuhan..

“What do you mean sir? That I plagiarize someone’s work for our magazine?!” Bahagyang nainsulto si Nicole

“No.. no don’t get me wrong. I approve this pictures.. And you have to come with me tomorrow.”

Tila na gulat si Nicole sa sinabi ng boss “Wh—what sir?”

“Come with me tomorrow, we’ll have a photoshoot for our magazine and we’ll ride a yacht” Yateng pagaari nito highschool pa lamang sya bilang regalo ng ama.

“A—A yacht?” di makapaniwalang sabi ni Nicole, she’s living an average life but not a luxurious life. Di pa sya nakakasakay ng yate sa buong buhay nya.

“But why me sir?” Usisa nya..

“Why you? Cause I like your photographs .. if you don’t want it then.. I guess I’ll fi---“

“No sir, I would love to!” putol nya.. it’s time to grab the opportunity

“Well, good I’ll see you tomorrow then. Bring all that you need” Di mapigilang di mangiti ni Andrew sa pag payag ni Nicole..

“What Andrew wants, Andrew gets” bulong nya sa sarili.

Lumabas si Nicole ng opisina at tuwang tuwa. Sa wakas magiging official photographer na sya ng kompanya. She’s very fond of photographs and cameras she didn’t know why, but when she’s with her camera.. everything is possible.

Excited na ikinwento  nya kay Veron ang ganap sa opisina

“Oh talaga?! I’m so happy for you girl.” Conratulate ni Veron sa kanya

“Buti ka pa makakasama mo na ang boss nating pogi!”

“Baliw ka talaga, magtatrabaho ako dun, hindi lalandi no”

“Woooh, baka pag nakita mo ulit yung nakahubad bumigay kana jan” pang aasar ng kaibigan

“Gaga ka talaga! Wala pa yan sa isip ko no.”

“Hmmm, ano Nicole? Tingin mo kelan kaya ako mkakahanap ng gwapong mayaman? Huh?”

“In your dreams” Pangaasar nya, hinampas sya nito at patawang sinabi

“Napaka supportive moong bestfriend!”

“Alam ko” patuloy na pangaasar nya sa kabigan “Osige na Veron, mauna nako.. maaga daw kami ni sir lalakad bukas eh”

“Ayiiiiieeeee kayo lang dalawa sa yate imagine that!”

“Baliw ka, may kasama kaming mga models kaya wag kang magisip ng kababalaghan!” explain nya

“Echos!”

“Sige na bye”

“Bye” at nagbeso na sila.

YOU CAPTURED MY HEARTWhere stories live. Discover now