Chapter 3: Forgiveness

Start from the beginning
                                    

"Why did you brought me to this place?" may halong iritasyon sa aking boses. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at dinala niya ako dito samantalang kagagaling din namin sa isang bar.

"You want to be alone? Then go. I won't disturb you. Do whatever you want. You're feelings are free para ilabas lahat ng hinanakit mo." aniya nang hindi nakatingin sa akin. Diretso ang tingin niya sa unahan.

Kumunot ang noo ko sa kanyang inasta. Parang may iba pa siyang nais mangyari. Hinayaan ko na lang iyon at lumabas na sa kanyang kotse. Pumasok na agad ako sa loob at bumungad sa akin ang malakas na music at mga taong nagsasayawan sa gitna.

Hindi ko alam kung bakit ginawa yun ni Terrence pero binalewala ko na lang iyon at sinunod ang gusto niyang mangyari. Dumiretso na agad ako sa counter at humingi ng ilang shots.

"Jagermeister, please?" sabi ko sa bartender.

Ilang sandali lang ay nilapag na niya sa harapan ko ang gusto ko. I drink it right away in straight so I can't quite think about what happened. But I didn't.

I don't know but in this point, I feel so betrayed. Betrayed by the people who I trust the most. Alam ko wala akong karapatan dahil ako mismo hindi ko binigyan ng pagkakataon ang lalaking handang magmahal nang tunay sa akin. Wala akong karapatan para isisi sa kanila ang mga bagay na ako din naman ang gumawa. In this world, you're not living for nothing. You are living for someone to sacrifice, to trust and to love. You should stick yourself with others. Your world are not always depending by yourself.

Green's have been good to me. He's not hard to be with. Kahit na wala pang taon simula nang makilala ko siya. Pakiramdam ko, matagal na siyang parte ng buhay ko. Nakilala ko siya noong bago pa lamang ako sa grupo ng Bravehearts. Grupo siya ng mga sumasayaw sa school na pinapasukan ko at naisipan kong sumali doon after a year na umalis si Terrence. Siya ang nagtrain sa akin sa lahat. Naging malapit kami sa isa't isa at habang tumatagal ay naging komportable na ako sa kanya. At kahit di niya sabihin ay higit pa sa kaibigan ang turing niya sa akin, not that I'm being arrogant but it's true. Hindi ko lang iyon masuklian dahil hindi pa ako handa, at alam niya iyon. Kaya nasasaktan ako tuwing nakikita siyang malungkot nang dahil sa akin.

But on the other hand, I feel incomplete. Hindi ko alam pero parang may kulang. Hindi ko maramdaman ang dapat ay maramdaman ko. Pero tuwing nakikita ko siyang nakikihalubilo sa ibang babae, nasasaktan ako. Thought of him leaving me is such a heartbreaking. I assure that I'm not jealous with his girls. Siguro natatakot lang akong maiwan. Maiwan nanaman ng taong importante sa akin at ayaw kong mangyari ulit yun.

Hindi ko namalayan na masyado na pala akong maraming nainum. Medyo nahihilo na rin ako. Marami sa aking lumalapit kanina para sumayaw kaso di ko pinagbibigyan dahil masyado akong wala sa sarili. But now I just want to dance.

Tumayo na ako and I giggled nang muntikan na akong matumba kung wala lang humawak sa baywang ko. Tumayo ako ng maayos at ngumiti nang hindi tumitingin kung sino man ang nasa harapan ko.

"Thanks..."

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa gitna ng mga taong nagsasayawan. I love dancing kaya nang makarating ako ay nagsimula na agad akong sumayaw. Sumisigaw pa ako habang nakapikit at alam kong sobrang lasing na ako na hindi ko na namalayan na may sumasayaw na sa likuran ko.

Hinarap ko iyon at walang pagdadalawang isip na sinabayan siya sa pagsasayaw. His man scent is not familiar to me and I'm sure it's a stranger. Kahit ganun ay sinabayan ko parin siya at all I think now is that I want to dance kahit sino pa ang kasama ko.

"You're good at this huh!?" bulong niya at nilapit pa masyado ang mukha niya sa tainga ko. Dinikit pa niya ang kanyang katawan at tumigil ako nang hindi na naging komportable. Tinulak ko siya pero hindi naging sapat iyun at nilapit niya pa ang mukha niya sa aking mukha. Itutulak ko na sana siya kung di lang may humigit sa akin palayo sa lalaking kasama ko.

Kinaladkad niya ako hanggang sa makarating sa labas. Hinarap niya ako at una kong nakita is Terrence' face looking so concerned.

"Sorry, I regret I brought you to this place. I just thought..."

Huminga siya nang malalim at hinawakan na ang braso ko.

"Let's go. Iuuwi na kita," aniya.

Tiningnan ko lamang siya nang walang imik hanggang sa ipasok niya ako sa front seat ng kanyang sasakyan. Umikot siya para pumunta sa driver's seat at nagsimula nang paandarin ito nang hindi tumitingin sa akin. Ramdam ko rin na medyo nakainom siya nang kunti dahil naamoy ko ang kunting alak galing sa kanya.

I remember the time I'm with him. Palagi siyang concern sa akin sa kahit anong ginagawa o gagawin ko. Palagi niya akong inaangkin. And that's the one reason why I loved him before. Pero ngayon hindi ko alam pero parang wala na akong maramdaman kundi galit, lungkot at panghihinayang. Gusto kong maibalik ang dati pero parang hindi pwede. Parang hindi tama.

Bumaling siya sa akin nang naramdaman ang paninitig ko kanina pa. Umiwas agad ako ng tingin at tiningnan na lang ang labas. The night looked so lively in Manila. I fell so exhausted that I just want to go to the bed and sleep intenser. Masyadong wala na rin ako sa sarili para kumilos ng tama.

Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa basement ng kanyang condominium. I know this place because I'm always here before. Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.

"I don't want to bring you to your house drunk," marahan niyang sinabi at binuksan ang pinto ng sasakyan. Umikot siya para pagbuksan ako. Lumabas ako at napakapit sa kanyang braso nang muntikan na akong matumba. Humalakhak ako at dahan dahang inangat ang sarili.

"You know what..." tumawa ako nang plastik at nagpatuloy. "...I did loved you. But you wasted it," sabi ko habang tinuro turo siya. His face looks so amused from what I said. But I can see sadness in it.

Humalakhak pa ako at tumingkayad para maabot ang kanyang labi. The way our lips met, I remember Green. Siya ang naaalala ko habang hinahalikan ko si Terrence. Hinawakan ko pa ang ulo niya para idiin ko lalo ang sarili ko sa kanya. Ramdam ko ang gulat sa reaksyon niya pero sa huli ay sinuklian naman niya ito ng malalim at nakalalasing na halik. Parang sobra siyang nangulila sa bawat halik na binibigay niya sa akin. Ako naman ay isang tao lang ang iniisip.

Tumigil kami parehas para kumuha ng hangin. Green's face is what I see nang tinitigan ko ang kasama ko. Dahil na rin siguro sa sobrang kalasingan kaya ko naiilusyon ang kahit anong bagay dahilan kung bakit nagpatianod ako sa kanya at dinala sa elevator.

Pagkasara na pagkasara nito ay umatake kaagad siya ng halik at napasandal ako sa tabi.

Tumunog ang elevator at hinila niya ako palabas. Hindi pa nabubuksan ang pinto ay hinigit niya ako sa kanya para mahalikan at wala akong naiisip kundi ang mukha ni Green. His kisses made me shiver. Habang ginagawa namin iyon ay unti unti niyang binuksan ang pinto sa likod ko at pumasok na. Bumitaw siya at isinara na ang pinto.

Nagpatuloy siya at sinapo ang aking puwitan habang naglalakad papunta kung saan. Inilapag niya ako sa malambot na kama.

Tsaka lang bumalik ang diwa ko nang huhubarin na sana niya ang kanyang t-shirt. Agad akong bumangon at walang pag-aalinlangang umalis sa kanyang kwarto.

Fuck!

"Shit...no...!" bulalas ko habang dali daling naglakad paalis.

Bago ko pa mabuksan ang pinto ay hinigit na niya ang aking braso at kasunod nito ang paglapat ng palad ko sa kanyang pisngi.

"It doesn't mean that I'm drunk ay magagawa mo na ang gusto mong mangyari ! Yes, I'm the first one who kissed you. Pero sa tingin mo ba ginusto ko yun? Hindi!!" pasigaw kong sabi sa kanya habang tumutulo ang luha sa aking mata.

Nakayuko siya at nakapikit tila nagsisisi sa biglaang nangyari.

"I'm sorry, I can't lose you. It's my way to prove to you that I'm worthy of your forgiveness," aniya.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now