Part 14 :: Suspect

2.3K 88 10
                                    

"Guys, safe na tayo, hindi ba?" Hazen inquired with as much composure as she could muster. Ayaw niyang mag-over react na naman dahil hindi nakakatulong. Mas nakakawindang lang kina Prince, Je Em, at Harvey kung magpapaka-over acting na naman siya.

Takot na takot pa rin kasi talaga sila. Kulang na lang ay mapaihi na sila, lalo na siya. Kahit pa alam niyang hindi siya pababayaan ng mga lalaking kaibigan niya, lalo na ni Prince, tapos ay mukhang safe naman na sila sa classroom na pinagtataguan nila dahil ni-lock tapos tinabunan iyon ni Prince ng mga ilang upuan kanina, ay pakiramdam niya kasi pa rin ay anytime ay bubulaga na lamang sa harapan nila ang killer at patayin sila.

However, no one responded to her. Instead, sinipa ni Harvey ang isang upuan at napa-sh*t ang binata ng malutong. Hindi na masakit ang paa nito, hindi naman nabalian pala. Thank God.

Si Prince na nasa tabi niya ay sumulyap lamang sa kanya. Naka-cross arms ito na nakasandig sa pader malapit kay Harvey. Mukhang nag-iisip ito ng paraan. Sana makaisip nga.

Habang si Je Em ay iniinda pa rin ang sakit sa bisig nito na natamaan ng kutsilyo. Panay ang mura pa rin nito tulad ni Harvey, gawa siguro ng hapding nararamdaman. Kahit kasi nahugot na ang kutsilyo ay patuloy ang pagdurugo niyon. Kitang-kita dahil sa halos pula na ang kulay ng telang ipinulupot ni Prince roon kanina. Kanina ay sinira ni Prince ang uniform nito at iyon ang pansamantalang ipinangtali sa sugat ni Je Em.

Nanahimik na rin siya. She hugged her knees and bury her face in there.

"Mama, Papa, help us..." Humingi siya ng tulong sa mama at papa niya sa isipin niya kahit alam niyang hindi rin naman iyon nakakatulong o maririnig ng parents niya. But at least, nakakagaan sa kanyang damdamin. Sana talaga ay prank lang ang mga nangyayari o kung hindi man ay sana masamang panaginip.

Hindi nga siya nanonood o nagbabasa ng mga suspense horror o mystery na story dahil mahina ang loob niya, pero ngayon narito sila sa nakakatakot na sitwasyon. This is now the absolute worst night of her life.

God, sana may tutulong sa kanila! Ayaw niya –nila— pang mamatay!

Yumugyog ang mga balikat ni Hazen dahil umiiyak na naman siyas, dahilan para magbalik ang atensyon ni Prince sa kanya. Naramdaman niya ang pag-upo ng binata sa tabi niya.

"Relax lang, okay?" Prince whispered to her, attempting to provide her with solace.

Nakasubsob pa rin ang ulo niya sa kandungan niya na tumango bilang sagot. She stopped crying, but she was still sobbing. Ayaw niya sanang maging pabebe, but she couldn't help it. Paano ba kumalma sa ganitong sitwasyon?

"Paano ba kasi nakapasok ang isang killer sa school na ito na maraming guwardya? Damn it!" Je Em yelled after a long silence. Hawak ng isang kamay nito ang kamay na sugatan. Namumutla na rin ang binata.

"Sa tingin mo alam namin?" Harvey answered him sarcastically.

Je Em shot a glare at Harvey. "Wow, nagsalita ang may kasalanan! Ang nagpapasya na gabi kung mag-practice! Tuloy inabutan tayo ng kamalasan!"

Nag-init agad ang ulo ni Harvey. Sinugod nito si Je Em at pinakwelyuhan. Nawala sa isip nitong sugatan si Je Em.

"At kasalanan ko pa ngayon?!" singhal nito pagkatapos ay marahas na itinulak nito si Je Em sa dibdib.

"Oo! 'Di ba ikaw ang leader?! 'Di ba ikaw ang nagpapasya ng lahat?!" Pero matapang na napabalik si Je Em at maangas na itinulak din nito si Harvey sa isang balikat. Parang nakalimutan din nito ang sugat sa kamay. Nakalobo ang dila nito sa pisngi nito. Sa kabila ng lahat ay gusto pa talaga nito ng gulo. But maybe paraan lang ni Je Em iyon para maibsan ang takot nito. May mabintangan lang. May mapagbuntungan lang ng galit.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now