"Ito o tignan mo ang text niya" sabi ko ng makita yung message
"She's lying" sabi niya
"Hindi naman siguro magsisinungaling si KC" sabi ko
"So ako yung nagsisinungaling?" Sabi niya nakita ko sa mga mata niya yung pagkadisappoint
"Hindi naman sa ganon" sabi ko at napa yuko
"If mapatunayan ko sayong hindi ko nga siya inaya, would you believe me na ikaw talaga yung gusto ko?" Sabi niya napatingin ako bigla sakanya hawak niya ang phone niya
"Hello KC" sabi niya
Sh*t tinawagan niya si KC
"Anong sinasabi mong inaya kita noon sa ball?"
"Tinawagan mo ko para dito?" Narinig ko ng boses ni KC
"Ang pagkakaalala ko humingi ako sayo ng tulong na ayain sa ball si CJ, wala akong maalala na ikaw ang inaya ko" sabi ni Marion
"So?" Naiiritang sabi ni KC
"Akala ko ba ayaw mo sa akin, bakit mo pinagkakalat na inaya kita?" Sabi ni marion habang naka tingin sakin
"Fine! Hindi na ako ang inaya mo at hindi rin naman ikaw ang dinate ni CJ so anong pinagpuputok ng butchi mo?!" Sumisigaw na si KC
"Thank you" sabi lang ni Marion at binaba na niya yung phone
"So naniniwala kana sakin?" Sabi niya
Ako? Naka nganga padin hindi ako makapaniwala na ganon, pero bakit, bakit sinabi yon ni KC? May mapapala ba siya sa ginawa niya? Hindi ko maintindihan
At alam din ni KC na nasaktan ako sa ginawa ni Marion noon nakwento ko kasi sa kanilang dalawa ni Kyle since pareho naman nilang alam na crush ko siya....
"I'm sorry" yon lang ang nasabi ko
"Okay lang kasalanan ko naman, hindi naman kita masisisi kung hindi ka minawala agad sakin, sino nga bang maniniwala kung noong una nagpapatulong lang ako sayo ngayon ikaw na yung nililigawan ko" sabi niya tapos ngumiti siya
Wait ano daw? May narinig bakong ligaw?
"Ligaw?" Tanong ko
"Oo gusto kitang ligawan at patunayan sayo na ikaw talaga yung gusto ko" sabi niya
Sh*t talaga ano bang nangyayare?
Yung puso ko nagwawala na, possible bang pati utak ko tumitibok nadin ? Sakit ng ulo ko eh
"Haha wala akong masabi I'm sorry " sabi ko tapos tumakbo ako sa kusina kinuha ko ang pitchel hindi nako nag baso straight ang inom ko
"Jusko ano bang nangyayare?" Sabi ko at pinukpok ang ulo ko sa ref, baka nananaginip lang ako
Bumalik ako sa sala at nandon parin siya jusko totoo ito at hindi panaginip lang.
"Sorry nabigla lang ako, maupo ka muna" sabi ko
"Okay lang" sabi niya
"Ang totoo niyan hindi ko talaga alam ang sasabihin ko o gagawin bago lahat sakin to, pinaprocess pa ng utak ko" pag amin ko
"Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko at simula ngayon liligawan kita kahit na ayaw mo" sabi niya
"Hindi mo naman kailangan gawin yon" sabi ko
"Sa ayaw at sa gusto mo" yan lang ang sinabi niya sakin at inaabot ang bouquet ng red roses
"Hindi ko ata matatanggap ito" sabi ko sabay upo sa may sofa nanlalambot ako sa mga nangyayare
![](https://img.wattpad.com/cover/2063101-288-k748121.jpg)
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 66
Start from the beginning