Chapter 13

9 1 0
                                    


Nikka Point of View

"Paano ba patitilain ang bagyo kung gusto mo lang ay ambonnnn🎶"kumakanta si viel habang naglalakad kami at naka yuko siya pero kitang kita mo ang pagngiti niya habang tinatampisaw yung ulan gamit ang kanyang sandals na mamahalalin

"Tabanan mo nga to! "sabi sakin ni viel at ibinigay ang payong sakin

Agad siyang umupo sa kalagitnaan nang ulan pagkatapos ay tinanggal ang sandals niya at nagpaa

"Ano bang ginagawa mo? "

"Hindi ba obvious!? "

"Hays obvious, ang tinatanong ko kung bakit ka nagpaa, may sakit ka pang makukuha diyan eh! "

"Enjoy kaya, try mo kasi! "

"Nakakaenjoy bang magpaa sa ulan? "

"Oo naman. !!hindi mo pa kasi nasusubukan eh! "sabi niya at saka tumayo na

"Lezzgo! "kinuha niya sakin yung payong malayo na samin yung iba kami nalang nahuhuli

"Ganun ba talaga yung isa mong kaibigan? "pag open niya nang bagong usapan madaldal kasi siya

"Si steph ba? "

"Oo"

"Ganun lang yun, Naloka kasi naloko! "

"Panong naloko? "

"Nako mahabang kwento! "

"Yun nga gusto ko eh mahabang kwento! "

"Siya kaya tanungin mo! "kinagat ko yung labi ko sa inis dahil sa kadaldalan niya parang di normal sa isang lalake
..

"Shockss!! "

Nagulat ako sa kanya kaya nanlaki mata ko

"May similarities kayo...! "

"Nino ba?? "kung hindi lang macho to pagkakamalan ko nang bakla... pero sabagay may baklang malaki katawan

"ni Jm ,the way you bite your lower lip! "

"Halos lahat naman tayo kinakagat yung ilalim nang labi natin, kapag naiinis na! "

"So naiinis ka na sakin kanina? sashut up na nga lang ako! "nang mapansin niyang nagpaparamdam na ako

nagpagil nalang ako nang tawa sa ginawa niya, para siyang magaslaw na aso na napaamo ko

"Guys Wait!!! "sigaw niya sa iba namin na kasama na nauuna ,kabibilis nilang maglakad wala ka naman makikita sa ulap dahil papalakas na ulan

"Apuraa!!!!! "sabi samin pabalik



//
Lumakas ang ulan halos mabaliktad na payong namin, hanggang sa natangay na nga at nabasa na kaming dalawa.... habang yung iba hindi na namin makita sa lakas nang ulan

"Nikka!!!!balik tayo sa van!! "

"Wag na... kaya natin to. wala tayong mapapala kung duduwag duwag tayo!! "sabi ko habang nahihilam na ako sa tubig ulan



bigla siyang lumuhod. sa harap ko

"Kahit mapapahamak tayo gusto mo pa din ahh.... sakay!! "sabi niya sakin



"Saan? "

"Sa likod ko...!! ipapasan kita! "

-------




Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Nov 14, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Wail of the OptimistOù les histoires vivent. Découvrez maintenant