Chapter 1

6 0 0
                                    

"Anak, gising na! Tanghali na. First day of classes, tapos malelate ka?"

"Anak, gising na!"

"Hmmmmmmm"

"Anak, gising na! Kapag hindi ka gumising, bubuhusan kita ng tubig!"

"Ma naman eh! First day of classes pa lang naman. Wala pang gagawin yan! For sure, tatambay lang kami sa classroom!"

"Aba! Iha, kolehiyala ka na! Hindi ka na high school! Kung ayaw mo, hihilahin kita papasok ng banyo! Hala osha, sige! Bumangon ka na dyan at kumilos ka na!"

"Opo ma. Ito na!"

"Oh? Naglalakad na nakapikit? Haynaku raffaela! Kailan ka kaya magbabago?"

...

Hindi ko alam kung bakit problema ko lagi ang pag-gising sa umaga. Kahit na andyan yung mama ko na laging gumigising sa akin!

Nakagawian na ni mama na lagi akong gisingin tuwing umaga. Kasi noon pa lang, motto ko na ang: "Better be late than never!"

Pero si mama, ang motto niya: "But never late is better!"

Kaya ayun!


Siya ang lagi kong tiga gising ko sa umaga!

It's our first day of classes. This time, iba na. Ito na daw yung level kung saan super nakaka-stress.

Yung tipong iiyak ka daw dahil sa thesis. Yung tipo na halos walang tulog. At ang hirap hirap daw makapasa.

Yes! Tama ka! College life!

Sabi nila, ito yung point sa buhay mo na dapat ayusin mo! Kasi, sa huli, baka pagsisihan mo if you did not take it seriously.

Sabi rin ng iba, ito rin daw yung point ng buhay mo na sobrang challenging! Yung tipong hindi mo alam ang uunahin mo. Kung Acads ba? O LaCads?

Ito rin daw yung point sa buhay mo na mas tumatagal ang pag-sstay mo sa starbucks kesa nung high school ka pa.

Ito rin yung point sa buhay mo, na matututo ka ng mag-ayos. Yung masyado ka ng concious sa itsura mo.

E kaso.



Wala namang point ang buhay ko. Kaya bakit ako makikinig sa sabi sabi ng iba? De joke.

Ako nga pala si Raffaella. Simpleng babae. Hindi mayaman. Hindi maganda. Hindi crush ng bayan. Hindi ako yung babaeng nababasa niyo.

Simple lang. Yun lang ang tanging masasabi ng mga nakakakilala sa akin.


Hindi ako maarte. Hindi ako mapili sa mga kaibigan. Hangga't kaya kong pakisamahan, kakayanin ko.

Dahil dito, halos kaibigan ako ng lahat at kilala ako ng lahat. Kaya isang pagkakamali ko lang, mabilis itong kakalat.

Hindi ako yung babaeng ma-make up. Hindi rin ako yung babaeng lip tint plus polbo ay okay na.

As in wala. Simple.

Hindi ako maarte sa pagkain. Kumakain ako ng isaw. Kahit pa nga adobong palaka. Hindi ako makikitaan ng kaartehan sa katawan kaya madalas napagkakamalan akong lalaki na nakatago sa katawan ng isang babae.

Dahil ultimo pag aayos ng buhok ko ay hindi ko magawa.

Ito siguro ang epekto na magkaroon ka ng tatlong kuya.




Ay wait. Dalawa lang pala!








Kasi hindi pa confirmed yung isa kung kuya o ate ko ba talaga siya!

...

First day of classes namin ngayon. To tell you honestly, sobrang excited ako kasi finally, lilipat na ako ng school. Sa ibang school ako magka-college.

Pero there's a part of me na ayaw ko na lang pumasok. Hindi dahil sa tamad akong maligo dahil malamig ang tubig kundi dahil ayaw ko ang course ko.

BS ACCOUNTANCY.

Yan! Yan ang nilagay ng nanay ko nung inenroll niya ako sa school.

Gusto ko talaga kasi Hospitality e. HRM or Tourism. Pero hindi naman ako bagay sa tourism. Kasi hindi naman ako maganda. Matangkad nga ako, pero hindi naman pasok ang beauty ko.

Isa pa, mahal kasi ng hospitality na course. Magastos. Kasi yung mga girlfriends ng kuya ko, may mga tours at may mga ina-attendan na mga seminars and conventions inside and outside the Philippines.

Kaya ang sabi ng nanay ko, mag-accountancy na lang daw ako. Para CPA. Para mabilis ang pera. Tsaka mura lang daw ang calcu kesa sa mga tours.

Kaya ayun, I end up taking BS Accountancy.


Hayyyy. Hindi pa naman ako magaling sa Math.

Bahala na! Bahala na kung ano ang mangyayari ngayon. Basta, ang mahalaga, matapos ko tong course ko na 'to, mapagbigyan ko ang mga magulang ko, at makuha ko ang title na gusto nila.

...

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"

"Oh bakit? Anong problema?"

"Ang lamig ng tubig! Wohoooooooooo! Yaw qu na!"

"Haynaku, ikaw talagang bata ka! Kahit kailan talaga napakapilya mo. Daig mo pa ang mga kuya mo. Osha, bilisan mo na at malelate ka na!"

...

So ayun na nga! Natapos agad akong maligo kasi ang lamig lamig ng tubig!

Mabilis lang akong nakapag-ayos. T-shirt na white, black na skinny jeans at black na vans lang ang suot ko ngayon samahan mo pa ng gray na jansport!

Ako yung tipo ng babae na hindi nagsusuot ng wedge, heels, doll shoes o kung ano pa mang mga ka-ek-ekan. Kaya hindi ko rin sila masisi na minsan napagkakamalan nila akong tibo.

"Oh kuya, nandito ka pa pala?"

"Oh, tanghali na ah! Bakit ngayon ka lang aalis ng bahay? Male-late ka na nyan!"

"First day pa lang naman. Wag kang OA! Kung makapagsabi ka, akala mo finals na agad ah?"

"Ay naku, Rafaella! Mahal ang tuition mo sa bago mong school kaya pagbutihan mo. Sinasabi ko sayo! Ayusin mo yan."

"Oo na kuya! Pipilitin ko. Kahit hindi ko gusto ang course ko!"

"Sus. Sa una mo lang masasabi yan. Ako nga, nurse na. Ayaw ko dati, pero na-eenjoy ko na ngayon! Teka, halika nga dito!"

"Kuya! Male-late na ako! Nu ka ba?"

"Sandali lang! Halika! Bakit parang namumutla ka?"

"Ha? Namumutla? Parang hindi naman. Baka may muta ka pa kaya iba ang paningin mo!"

"Hindi! Namumutla ka talaga. Halika"

"Alam mo, maputi ka naman. Ang kinis kinis mo. Gamit ka minsan ng kaunting blush on at lip balm para naman makita yang ganda mo!"

"Haynaku, kuya! Kahit kailan ka talaga! Halika nga dito may bubulong ako sayo!"

"Oh, ano yun?"

"Alam mo, umamin ka na! Para hindi ka na nahihirapan. Gusto mo help kita?"


ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

"Ano na naman ba Rafaella?"

"Ma! Si Budak kinurot ako! Este si Kuya kinurot ako. Ang sakit sakit!"

"Ay naku ma! Dapat lang no!"

"Haynaku! Kayo talagang dalawa, kahit kailan hindi na nagkasundo! Osha. Baba na Rafaella at kumain na. Late ka na! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin ng mga teachers mo!"

At ayun na nga. Umagang umaga, nasample-an agad ako

At


Pumasok ako ng may pasa.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now