Chapter 19 *The Wake*

Magsimula sa umpisa
                                    

Si Japoy na palasigaw, masungit, maarte at matapang, ito ang unang beses kong makita siyang umiyak ng ganito. And I don’t know why, but it totally breaks my heart.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap ako sa kanya ng mahigpit habang tumutulo din ang sarili kong mga luha.

“S-syempre masakit Japoy, b-baby natin si Maya remember? N-nasasaktan din ako sa nangyari. Sobra. Pero a-alam mo ba iniisip ko na lang n-na atleast ngayon kasama na ni Maya si God, at least ngayon hindi na nahihirapan ang baby natin. S-sigurado ako, nasa heaven na siya ngayon, masaya siyang naglalaro t-tapos meron siyang isang mahaba at itim na itim na buhok na napaka ganda. Japoy, are baby is now free of pain”  bigla na lang akong napahagulgol ng iyak “let’s be happy. Hindi na nahihirapan si Maya ngayon”

Naramdaman ko na humigpit ang yakap saakin ni Japoy. For a while, hinayaan naming umiyak sa braso ng isa’t isa. Alam ko na pareho ang sakit na nararamdaman namin ngayon at kailangan namin ang comfort ng isa’t isa. Habang yakap yakap ako ni Japoy at umiiyak sa braso niya, kahit papaano ay gumagaan na ang loob ko.

Sana ganun din siya. Sana in some ways nakatulong ako para pagaanin ang loob niya.

Ilang araw din kaming tumulong ni Japoy sa pagaasikaso ng lamay ni Maya. Isang Linggo kasi ang lamay at ngayon, halos apat na araw na kami wala masyadong tulog at pahinga ni Japoy. Bukod kasi sa pagtulong sa lamay, pumupunta rin kami sa iba pa niyang appointment at sumasaglit din kami sa mga taping. Buti na lang at napakiusapan ng maayos ni Manager Rhian ang mga director at kung anu-ano pa sa mga na-cancel na schedule ni Japoy.

Tumingin ako sa orasan. It’s past midnight. Nilingon ko si Japoy “Japoy, saan na tayo pupunta?” tanong ko dito

“uuwi na muna tayo para makatulog saglit”

 

“pero hindi ka pa nakakapag dinner. Alam ko meron ditong 24 hours open na fast food, gusto mong dumaan muna?”

Tinignan niya ako “di ba nakakain ka na kanina? Gusto mo pa ba ulit?”

“no not me. I mean ikaw. Hindi ka pa kumakain”

 

“ok lang ako”

 

“hindi! Kailangan mo kumain! Mamaya ikaw pa magkasakit eh” pagpupumilit ko sa kanya.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon