Chapter 16 *Mommy and Daddy*

736K 14.4K 2.1K
                                    

A/N 

Hahahahaha natatawa ako sa mga conclusions niyo last chapter ng sabihin ko ang R|E|A|D .. grabe naman.. mamatay agad? hahaha but anyways.. i just want to give another clue

"not everything is always what it seems"



***



Chapter 16

*Mommy and Daddy*

[Rui’s POV]

“Rui sino yung kasama mo doon sa picture na babae?”

“girlfriend mo ba siya?”

“bakit kayo magkayakap noon?”

“according sa mga witnesses ay nakita nila kayong nagaaway ng mga panahon na yun”

“ano po ang nangyari?”

Yumuko ako habang padaan ako sa mga nagkakagulong reporter. Hinaharang naman sila ng entourage ko kaya naman hindi rin sila gaanong makalapit saakin.

“Di ba ang name nung babae ay Maisie Shaey?” napahinto ako ng marinig ko yun at napatingin doon sa isang reporter na nagsabi nun

“please stop” sabi ko sa kanya

“siya yung fashion designer niyo di ba? Bakit mo siya kasama? Ano ba talaga ang relasyon niyo?” tuloy tuloy parin niyang tanong saakin

“please stop!” bat ba ayaw nila akong tantanan?!

“bakit mo tinatago ang tunay niyong relasyon? Bakit siya umiiyak nung mga panahon na yun? Ano ba talagang tunay na nangyari?”

“YAMETE KUDASAI!!!” sigaw ko.

Nakita kong lahat sila natahimik sa pag-sigaw ko but after a few seconds, binato na naman nila ako ng binato ng mga tanong. Dali-dali akong naglakad hanggang sa makapasok na ako sa office ng manager ko.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon