CHAPTER ONE

14.4K 220 28
                                    

Things are not the same again. Sabi nga nila "There's nothing permanent except for the word CHANGE".


Yan ang motto ko back when I was still a highschool student. Lahat magbabago, kahit pa ang pagmamahal. Kahit pa ang taong pinangakong 'di ka iiwan.


---

"Lexi! Pinapatawag ka ni Ma'am. Bilisan mo daw. Buti hindi ka late," sabi ni Gieka, one of my closest friend dito sa company na pinagtatrabahuhan ko.


I'm Lexi Asharane Perez working at CSC (Cindy's Shoe Company). Isa ako sa designer na mga products namin.


"Bakit daw?!" natataranta kong tanong kay Gieka at agad kong nilagay ang bag ko sa table ko.


Minsan lang ako ipatawag n'on eh. Kapag may biglaan announcement. Mas kinabahan pa ako dahil umagang umaga.


"Ewan ko, basta bilisan mo mainit ang ulo eh,"


Nanakbo agad ako palabas at agad agad sumakay sa elevator.


"Ma'am tawag niyo po raw ako," mahinahong sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa office niya.


Nandito rin ang isa sa mga kalaban namin na group sa designing. Lalo akong kinabahan. Matalik ko kasi itong kaaway.


"Yes, have a seat," alok ni Ma'am Cindy sa'kin at tinuturo ang isa pang upuan sa tapat ng table niya.


Nagkatapat agad kami ni Hetty.


"Okay. I have checked all your designs," paunang sabi ni Ma'am habang lumilipat ang tingin sa amin dalawa ni Hetty. "I was so amazed by all your ability. As you can see, HOH is really competitive. They want us to get lost in the industry," pagpapatuloy niya pa.


Sabi ni Gieka mainit daw ang ulo pero parang hindi naman. Galak na galak pa nga ngayon eh. Baliw talaga! Pinakaba lang ako.


Ang HOH, sila ang isa sa matinding kalaban ng company namin. Lahat ng designs namin nagagaya nila pero ang quality talaga ang wala silang magawa.


"Your works are really captivating. From our previous collection, you Lexi and Hetty, you both did a great job. So, I decided to make only one team. The combination of Lexi's team and Hetty's team!" masayang sabi ni Ma'am.

Pero siya lang ang masaya. Kasi naman sa two years na magkasama kami nitong si Hetty walang araw na hindi kami nagbangayan. Tapos, pagsasamahin ang team namin. Baka magkaroon ng World War 3 dito sa company.


"ANO PO?!" sabay namin sigaw ni Hetty.


Kung ayaw niya mas lalo naman ako 'no? Sino ba siya?


"Surprised na surprised kayo ah?" natatawang sabi ni Ma'am.

Just Keep On Fighting (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant