"Lalapit ka sa magulang mo? Hindi ba't nahihiya kan-" Umiling naman siya.

"Hayaan mo ako sa problemang 'to, huwag mong i-stress masyado si Baby." saka siya lumuhod at hinaplos yung tiyan ko. Binigyan niya 'to ng mumunting halik.

"Maligo ka muna, hahanap lang ako ng paraan. Don't worry babalik din ako agad." Hinagkan niya ako sa ulo saka ngumiti, nangangamba naman akong tumingin sa kanya.

Natatawa siyang tumingin sa akin.
"Don't worry hindi ako gagawa ng illegal." hindi ko naman binitawan yung mga kamay niya.

"Mag-iingat ka, Makoy." tumango naman siya.

"Babalik din ako agad." saka siya nagmamadaling lumabas hawak-hawak yung susi ng kotse niya.

Napabuntong hininga na lang ako, kung may maitutulong sana ako sa kanya kaso wala. Wala akong naipon dahil alam kong hindi ko naman iyon kailangan, alam ko naman kasing hindi ako papabayaan ng magulang ko pero sa mga pagkakataong ganito kung saan kailangan mong tumayo mag-isa, nakakapang-sisi pala na iwinaldas mo lang ang mga pera na sana'y makakatulong sayo sa hinaharap.

"Pagpasensyahan mo na si Mommy, baby. Don't worry, magtatanda na ako." bulong ko habang hinahaplos yung tiyan ko, naramdaman ko naman yung konting paggalaw niya.

***********

"Saan ka kumuha ng mga ipinambili mo?" tanong ko sa kanya, bumalik 'to na may dala-dala ng stock namin na sa tingin ko'y pang-dalawang linggo na. Dinalhan niya din ako ng paborito kong agahan na tapsilog.

"Nanghiram muna ako sa kaibigan ko." Wala akong alam sa ibang personal na buhay niya pero alam kong si Volt ang pinakamalapit sa kanya.

"Kumain ka na, baka nagugutom na si Baby."

"Sabayan mo ako." sagot ko saka tumayo para kumuha ng mga kubyertos namin.

"Salamat." sambit niya, niyakap ko naman siya.

"Maraming salamat, Makoy."

"Para sa inyo yun ni Baby." habang kumakain kami ay nabanggit niya na pupunta daw kami sa hospital for check-up, isinuwestyon ko nga na huwag muna't pwede kaming magskip pero masyado siyang mapilit.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'to. Maayos naman ang lagay naming dalawa."

"Raven, kailangan niyo pa rin ng monthly check-up. Isa pa, pwede na nating malaman yung gender ni baby."

"Pwede namang surprise iyon, itago na lang natin yung pera." ngumiti naman siya saka hinawakan yung kamay ko.

"Huwag mong problemahin yun, akong bahala sa inyo diba?" wala akong nagawa kundi tumango dahil alam kong kahit anung pakiusap ang gawin ko'y hindi siya makikinig.

"Nasaan yung relo mo?" tanong ko sa kanya noong nagmamaneho siya, nasa kalagitnaan kami ng trapiko sa Maynila.

Umalon naman yung adam's apple niya't naglikot ang mga mata.

"Hindi ko ba nasuot? Mukhang naiwan ko ata sa kwarto." mabilis naman akong nagduda dahil hindi niya basta-basta iniiwan ang relo niya. He's a time conscious person, he always checked time dahil organize ang lahat sa kanya.

"Sabihin mo nga sa akin, ibinenta mo ba yun?" umaling naman siya.

"Isinanla ko lang, mababawi ko din yun."

"Pero regalo yun ni Tita Kylie sayo!" asik ko sa kanya at alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang bagay na yun.

"Mas mahalaga kayo Raven, mas mabuti ng maubos lahat ng pag-aari na meron ako basta masigurado ko lang na matutugunan ko lahat ng pangangailangan niyo."

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Where stories live. Discover now