Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )

Start from the beginning
                                    

Ang hirap naman kasi talagang kontrolin ng bagay na yan..

"Ba't kaya nakayakap yang si Agnes sa Boss nitong Gang na'to at hindi sa Boss natin? May secret affair kaya sila? Pero akala ko ba kinidnap siya ng grupong to?"  Naguguluhan kong tanong.

 "Hindi ko rin alam eh." Sagot naman ni Kael.

"Dahil magkasintahan sila noon."

May narinig kaming ibang nagsalita kaya napatingin kami ni Kael sa pintuan. At nakita namin yung lalaking nasa ospital na isa sa binugbog ni Bossing.

Bubunot pa sana ako ng samurai dahil alam kong kasapi siya sa gang na ito pero pinigilan ako ni Kael.

"Relax, Benz. Wala siyang dalang armas kaya mukhang wala yang balak makipaglaban." Sabi niya kaya di ko nalang tinuloy ang pagbunot kay Upin.

Lumapit naman yung lalaki sa'min.

"Magkasintahan sila dati?" Tanong agad ni Kael.

"Oo, Magkasintahan sila dati pero nagbago ang lahat ng yun nung mamatay ang kuya ni Boss na si Rain. " Sagot nung lalaki. Tatawagin nalang natin siya sa pangalang Hitler ha dahil ang cute nung bigote niya.

"Bakit ano bang nangyari noon? Paki explain naman. Labyu! "  Tanong ko kay Hitler.

Huminga naman siya ng malalim na para bang sobrang haba ng sasabihin niya. "Halos isang taon na ang nakakaraan. Myembro kami dati ni Boss Vic sa isang malakas na Mafia Group. Ang Elfame Mafia. Isa lamang akong ordinaryong myembro doon, samantalang siya at ang kuya niya naman ay isa sa labing anim na Chess Pieces ng grupo. Ang pwesto nilang magkapatid ay 'Pawn'. Silang dalawa ni Rain ang isa sa walong Pawns na kailangang magprotekta sa kanilang King na si King Casper. Mabait na tao pa si Boss Vic sa mga panahong 'yun. At nung panahon din na'yun niya nakilala si Agnes. Nagkagusto si Boss kay Agnes dahil sa ganda at kakulitan nito. At si Agnes naman ay unti-unti ring nagkakagusto kay Boss dahil sa kabutihang pinapakita nito sakanya. Di nagtagal, naging sila narin. Sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa noon. Na para bang hindi mo na ito mapaghihiwalay pa. Ang akala ko nga sila na talaga ang magkakatuluyan sa huli eh. Pero nagkamali ako, nagbago ang lahat ng sitwasyon simula nung mapaslang ang Kuya ni Vic." 

"Tapos ano na? Pabitin ka naman eh."

"Tapos 'ayun, nagbago na nga si Boss simula noon. Naging basagulero na siya. At dun na niya itinayo ang El Satans Gang. Wala na siyang respeto sa lahat. Maski ako nga na matalik niyang kaibigan noon ay itinuring niya nalang ngayon bilang isang ordinaryong alagad niya. Tapos simula din nung araw na'yun, lagi na niyang binabastos si Agnes. Mahal na mahal ni Agnes si Boss Vic pero di na niya kaya ang pinaggagawa nito sakanya kaya naman di nagtagal, nakipaghiwalay ito sakanya. Di yun matanggap ni Boss kaya naman sapilitan niya itong pinababalik sakanya.  " Dagdag ni Hitler. Kaya naman pala. Hindi ko na alam ngayon kung masasabi ko bang kalaban talaga to si Vic. Naging ganito lang naman siya dahil sa masaklap na nakaraan niya.

"Ano bang plano niya? Diba sabi mo dati siyang myembro ng Elfame? Ba't nagtayo siya ng sarili niyang grupo? " Tanong ni Kael na mukhang seryoso. Di ba naantig ang puso niya sa love story nina Agnes At Vic?

"Isa nalang siyang 'Ex-Pawn' ngayon ng Chess Pieces. Ibig sabihin, tumiwalag na siya sa Grupo. Sinisi ni Vic lahat ng myembro ng Elfame sa pagkamatay ng kuya niya dahil hindi nila ito tinulungan. Di ko pa malilimutan ang sagutan nila Vic at ni King Casper nung araw bago siya umalis sa Elfame palace."

*Flashback*

"Bakit?! Bakit niyo pinabayaan ang kuya ko?! Diba King ka ng grupong 'to?! Ba't di mo iniligtas ang kuya ko?! Ba't tumakas kayong lahat at iniwan ang kuya ko?!"  Wala ng mapaglalagyan ang galit sa puso niya ngayon habang kaharap ang King na ilang taon narin nilang pinagsisilbihan ng kuya niya. 

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now