You heal my broken heart

Start from the beginning
                                    

*naka lock pa yung kwartong tutulugan mo.
(pangiting tugon nito)

Napahinto namang muli sa paghakbang si Janna, at humarap sa kinaroroonan ni Jaeyoung..

*bbakit! masama bang antayin ka sa taas?!

*dito ka muna sa baba Janna at manood ka muna ng TV, sabay na tayong umakyat mamaya at huhugasan ko muna tong pinagkainan natin.

sabay bulong ni Janna sa sarili..
*nako! oo nga pala! nakakahiya! dapat pala ako ang maghuhugas! kaasar kasi tong lalaking 'to! (banggit nito sa sarili)

Pagkaraa'y nagwikang muli si Janna rito..
*Ako nnang maghuhugas diyan! ikaw ang maupo at manood ng TV!
(sabay duro nito kay Jaeyoung) Wag mo kong subukang kontrahin! maliwanag!

*mukhang nasindak mo ko sa duro mo ah,
ok, di kita kokontrahin. masusunod ang gusto mo. (sabay pacute pang ngumiti ito sa kanya)

Sabay baba ni Janna sa hagdan at lumakad na nga ito papuntang lababo na napasimangot pa. Samantalang si Jaeyoung naman ay nakangiting nakatitig sa deretsong tingin nang dalaga.

Pagkaraan nga'y binuksan na nga ni Jaeyoung ang TV sa sala at naupo sa sofa.

Nang matapos si Janna sa paghugas ng mga pinagkainan ay pasilip silip pa itong pinapansin ang nakaupong si Jaeyoung. Pagkaraa'y napakagat na naman ito sa kuko niya, habang naiilang na punahin si Jaeyoung upang umakyat na sila.

*parang kinakabhan akong tawagin siya! bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko!!
ano bang nangyayari sa 'kin?!!

You heal my broken heartWhere stories live. Discover now