Kanlongan sa Bisig ni Inay

Start from the beginning
                                    

"ano ba talaga talaga trabaho mo anak?",  

Sabay ipinakita niya ang isang bagay, 

Isang bagay na sa isang taong katulad kong matagal nang drug pusher ay alam kung ano yun. 

"Druga ba ito anak?", tanong niya habang umiiyak. 

Dinampot ko ang shabu at sabay alis nang walang pasintabi.

"di na ako makakalusot nito kaya mabuti nang umalis nalang", bulong ko sa sarili.

Palakad na sana ako palabas nang bahay nang biglang dumilim ang paningin ko, 

Nahihilo at di makakilos at di naglaon ay nahimatay.

Nagising nalang ako sa isang kama,  

May nakatusok nang dekstros. 

At bumungad sa aking harapan ang isang doctor at si Inay.

"komplikado sa puso at kailangan nang operasyon", sabi nang doktor.

Walang humpay ang pagluha nang aking inay.

Pero parang wala lang sa akin,

"Parusa ba ito?" 

"sa pag sira sa buhay nang ibang tao?" 

"Sa pagiging swail kong anak?", pagtatanong ko sa sarili.

ilang linggo ang nakalipas ay nakahanap kami nang pusong pwede ipalit sa akin at agad agad ay na schedule na ang operasyon.

Apat na oras bago ang aking operasyon ay ibinaon sa akin nang aking ina ang dasal at tuwa. 

Mga masasayang alaala nung ako ay bata pa. 

Pampalubag loob sa akin na ooperahan. 

Sa pagkakataong ito ay kalong ako nang aking ina sa kanyang bisig, 

Tulad noong akoy bata pa. 

Ang kanlongan aking hinahanap ay nasa bahay lang pala. 

Sinusungitan ko, 

Di binibigyan nang oras, 

Di pinapansin, 

Napaluha nalang ako bigla sa harap nang aking ina.

"Ma'am, ipapasok napo namin si sir sa Operation Room", biglang sabat nang doctor.

Habang papalayo na ako sa aking ina ay bigla kong nadinig ang tila pabulong na sambit ni inay

"Mahal na Mahal kita anak, Mahal na Mahal kita",

Tumulo nang walang humpay ang aking luha,  

at sa unang pagkakataon ay nabiyak ang tila bato kong puso.

Sa pagmamahal na hatid nang aking inay. 

Hindi ko sukat akalain na talagang labis ang kanyang pagmamahal para sa akin.

Isang linggo nang nakakulong sa ward, matapos ang maselang operasyon. 

Malungkot 

At minsan ay nag iisa pagkat nurse lang at doctor ang pinahihintulutang pumasok at panay tubig at supas lang ang aking kinakain.

"andiyan ba si nanay", tanong ko sa nurse. 

"nandiyan siya sa labas Sir", sagot niya. 

"pwede ko ba siyang Makita?", pakiusap ko.

"di pa pwede sir, baka ma stress ang puso mo dahil sa emosyonal niyong pagtagpo, alalahanin mo po sir, nag aadjust palang yang puso mo", paliwanag niya.

Lumipas ang mga araw at lampas na pala isang buwan ang pamamalagi ko dito sa hospital.

Isang araw nito ay nagising ako sa isang pamilyar na amoy. 

ARROZ CALDO,  

Oo, arroz caldo na laging inihahain ni inay sa akin tuwing umaga.

Pero hindi ko narin natikman yung arroz caldo pagkat nasiyahan ako sa balitang pwede na pala akong lumabas.

Parang walang nangyari, malakas at malusog na ulit ako.

"ihahatid na kita sa inyo", alok nang doctor, "hinihintay ka nang nanay mo sa bahay niyo", dagdag niya.

Pagkarating ko sa bahay ay dahan dahan akong pumasok, gusto ko kasing surpresahin si inay. 

Pumunta pa ako nang mall bago umuwi para bilhan nang damit si inay, maraming maraming damit.

Ngunit pagpasok ko ay nagambala ako sa bagay na na sa aming sala,  

isang bagay na dati ay wala naman. 

Isang bagay na di ko sukat akalain na aking makikita. 

Isang Kabaong,  

Kabaong kung saan nakahimlay ang butihin kong inay.

Yung apat na oras bago ako operahan ay huling pagkakataon na pala naming pagsasama, 

Pagkat ang pusong tumitibok ngayon sa loob nang aking katawan, 

Ay pag - aari pala nang aking INA. 

Siguro nga ay totoo yung sabi sabi, na laging nasa huli ang pagsisisi.

Kung maibabalik ko lang ang oras, disin sana'y.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kanlongan sa Bisig ni InayWhere stories live. Discover now