“Andito na ko.” sigaw ko sa buong bahay dahil sa sobrang saya ko na nakauwi ako na hindi nagagantihan ng Chris na yun. Behlat na lang ang sa kanya!
Papasok ako ng kwarto ko ng lumabas si Kian sa kwarto nya na kaharap lang ng akin. Sumunod sa kanya ang isang lalaking may bulak sa ilong at masama ang tingin sakin. Patay!
Binigyan ko sila ng mabilis na ngiti at agad pumasok sa kwarto ko at naglock.
Pano ako magdidinner nito? Nakakaiyak namin kasi magoovernight ata sila dito kasi wala namang pasok bukas dahil may tour yung mga prof namin sa araw na yun.
Huminga ako ng malalim at hindi na inintindi pa ang Chris na iyon. Agad kong chineck ang phone ko para tignan kung may Bryle ba na magpapakilig sakin pero sa kasamaang palad ay wala. Facebook, my last resort for tonight para kiligin ako.
Malas siguro ang araw na to dahil wala ding chat galing sa kanya. Online sya, pero di nya ako chinachat. Sinisigurado ko namang naka appear as online ako sa kanya eh pero bakit di nya ako pinapansin. Panay din ang pagpost ko ng status pero di nya man lang ito nilalike. Nakakainis!
Halos maibato ko ang iPad ko sa sobrang inis sa kanya. Online sya, online ako. Naks! Pareho kaming may connection. Boset!
Tumunog ang cellphone ko at agad kong sinagot yung tawag. It was Celest.
Kinakamusta ko sya palagi nitong mga nakaraang araw pero hindi sya nagrereply sakin.
“Hi Kist! I saw you punch C-Chris kanina sa labas ng sc-school. W-what happened?” wag nya sabihin saking mahal pa rin nya ang kupal na Chris na iyon.
“Mahal mo pa rin ba yun?” iritado kong sabi sa kanya ignoring what she just asked me. Alam ko namang hindi ko na kailangang ipamukha pa sa kanya ang totoong kwento nya at ni Chris dahil nasabi na rin yun sa kanya ni Mira pero parang gusto nya atang sabihin ko ulit at isampal sa kanya ang katotohanan na hindi sya minahal ng Chris na yun
“Uh. No no. Hindi. I just want to say 'Thank you'. And, I'm leaving for England in 2 days. Gusto ko sanang makipag meet sa inyo ni Mira bago ako umalis para pormal na magthank you.” ah yun naman pala.
Binaba ko na ang tawag matapos kung um-oo sa gusto nyang lugar at sa kung anong oras.
YOU ARE READING
CHOICES
Teen FictionIsa akong babaeng nakalimot. Isa akong babaeng maraming crush. Normal naman yon diba? Isa akong normal na babae na nafriendzoned ng crush ko, first love. Isa akong babae na nangfriendzoned dahil pinili ko kung sang relasyon kami mas magtatagal. Umas...
