1

0 0 0
                                    

"Im Reign and im looking for my forever" Yan ang sinasabi ko sa tuwing may magtatanong ng pangalan ko.

Ako si Reign Lee, half filipina half korean.

---------------
"Reign you will be late for school! WAKE UP!!" sigaw ng mommy ko.

"Oo na ma babangon na!" sigaw ko sa kanya.

Bumaba si mama para ipaghanda ako ng pagkain. Actually lagi kaming ganito, maaga pa naman pero ginigising ako ng mas maaga pa as in mga 4:30 pero ang pasok ko ay 6:00 pa!!

Sabagay may pagkalayo rin kasi yung school ko.

(after 30 minutes)

"Mom aalis na ako!" paalam ko sa mommy ko.

"Ahh sige mag-ingat ka sa biyahe!"

Umalis na ako ng bahay, pagkalabas ko sa gate natanaw ko sa malayo ang isang lalaking matangkad na nakatingin sa direksyon ko. Nilapitan ko siya pero bigla siyang tumakbo palayo. "Sino kaya yun??"

'Hala may stalker ako!!' Yan lang ang nasa isip ko hanggang sa makarating ako sa locker ko.

Medyo maaga pa 5:39 palang naman eh.

Binuksan ko ang locker ko para kuhanin yung libro sa 3 subject. Pero pagkabukas ko ng locker may nakita akong papel at isang teddy bear.

'BALANG ARAW MAKIKILALA MO RIN AKO! <3' from idk. Walang nakalagay eh.

Hindi ko pinansin yung sulat at teddy bear, kinuha ko lang yung libro ko sa AP, Math at English. Unalis na kaagad ako doon at pumunta sa 1st subject namin, ang Araling Panlipunan.

Pagpasok ko sa room, so rang ingay nila maraming nagrereklamo na ang hirap daw ng graduating.

"Buti pa pag mga nasa 1st quarter marami ngang assignment pero onti lang naman ang projects tsaka wala masyadong contest." Sabi ni Ella, ang laging top 2 at bff ko. "Ikaw bes? Hindi ka ba nahihirapan sa buhay GRADUATING?" Tanong niya sakin.

"Oo nahihirapan din pero kailangan eh." Sagot ko sa kanya.

"Edi ikaw na! Hayaan mo naman ako mag top 1 para maranasan ko rin yung mag 1st honor."

"Sige ba! Basta kapag nakita ko na si Forever! Kelan kaya yun mangyayari? Ahh baka siguro graduate na tayo nun!" Natatawa kong sagot sa kanya.

"Ok good morning class." Biglang dumating ang AP teacher namin. Sumunod sa kanya ang isang lalaki, Cute pero mukhang mahiyain.

"We have a new student. Galing siya sa St. Greg High School. Magpakilala ka na." Sabay turo sa lalaki.

"Hello im Ian Jake Park, From St. Greg High School, Nice to meet you, my new classmates!"

Teka parang nakita ko na siya kanina ah! Hindi kaya siya yung lalaking nakatingin sakin kanina sa tapat ng gate namin? Pero... Siya din kaya yung lalaking naglagay ng teddy bear sa locker ko?

"Ian doon ka umupo sa tabi ni Miss Lee." Sabay turo sakin. Sa tabi koh?? Ako talaga?!

"Hi im Ian, Nice to meet you." Sabay bigay ng isa niyang kamay. Gusto ata makipag shake hands. NO WAY!!

"Nice to meet you too!" Sabay kuha ng libro. Hindi ako nakipag shake hands kasi ayoko.

(after ng klase namin)
---------------------
Pumunta ako sa canteen para bumili ng pagkain dahil recess na namin. At 1 oras yun kasi wala yung teacher namin sa next subject.

Nung nakabili na ako ng isang Sandwich at isang lemon juice, naubusan na ako ng upuan at tanging si Ian na lang ang may extra pang upuan kaya hindi nako nag inarte pa.

"Hi, pwede makiupo? Wala na kasing ibang bakanteng pwesto eh."

"Hm, Sige lang."

Napatingin ako sa kanya. 'Ang cute niya pala!'

"Ngayon mo lang nalaman? Dati pa ako cute kaya wag mo na ako titigan baka matunaw ako."

"Huh anong sinasabi mo jan? Kay Ella ako nakatingin hindi sayo." Palusot ko sabay turo sa bff kong kasama ang boyfriend niya.

"Ah kala ko ako yung tinitingnan mo eh haha!"

"Wag kang assuming masyado kasi kahit kelan di kita magugustuhan kasi hindi kita type noh!" Sabay alis nang maubos yung pagkain ko. Dinala ko na rin yung Lemon juice.

Nung nakalayo na ako bigla na lang may nag message sakin. Number lang ang nakalagay at wala sa message yung pangalan niya.

'Wala manlang Thankyou jan?'

"Sino toh? Si Ian?!" Galit na galit kong sabi. Sino kaya yung nagbigay sa kanya ng number ko?

"Ako nga bakit? May problema ba dun?" Punyemas talaga nasa likod ko pala tong lalaking to.

"San mo nakuha yung number ko, eh bagong bili ko lang to ah?!" Tanong ko sa kanya.

"Nung nagpaload ka dun sa tindahan sa inyo. Nagtatago ako dun tapos nung nakaalis ka na saka ako nagpunta sa tindahan para hingin yung number mo." Paliwanag niya.

"Ah sige aalis na ako may gagawin pa ako eh." Mahinahon kong sabi sabay alis at nagpunta ako sa library namin.

Umakyat ako sa 2nd flood ng building namin. Yung 1st floor kasi puro kids books at yung 2nd naman pang high school na."

May 35 minutes pa ako para tumambay dito. Tahimik kasi dito kaya pwede kang maidlip, magbasa, magpahinga at syempre dito ang lagi kong tambayan.

Minsan binabansagan nila akong bookworm kasi mahilig dae akong magbasa ng libro. Mahilig dae akong magbasa lalo na sa mga love stories at mga Wattpad books.

Gusto kong umidlip pero may klase pa ako eh. Pero nagulat ako ng biglang bumukas ang speaker at nagsalita si Maam Keisha.

"Wala na po tayong ngayong hapong ito dahil ngayon po ang registration para sa sports at iba pang contests. Nasa field lang po ang ibat ibang club, kung gusto nyong sumali sa club, sports, o contest, may nakasulat kung saang room kayo pupunta. Maraming salamat at yun lang."

Sasali ako sa 2 contest!!

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall Inlove With A Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon