Pagbabagong Buhay kay Flerida

100 0 0
                                    

Dalawang taong pagkakagapos

Sa kanyang hiwaga'y nawala

Ngunit ako muli'y nananaghoy

Na kahit Panginoo'y hirap i-resolba

Sapagkat aming Relihiyo'y 'di tugma

Kaya sa nalalabi ng aking buhay

Pangarap ko na lamang ay s'ya'y matanaw

Sabay sabi ng 'aku mencintaimu'

At balik sa 'king pinaggalingan

Sa mahal kong bayang aking Sinilangan

Na noon pa may ako'y may pangarap

Pangarap na baguhing bansang lugmok

Lugmok na bapor pati 'kalakasan'

'Pag 'yo'y aking natupad

Isa nalang ang aking wika

Wikang kailan man sana'y 'di naganap

Kung 'di lang ako nalugmok sa aking kapusuan

"At Kamatayan, ako'y iyong-iyo na"

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 01, 2012 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Pagbabagong Buhay kay FleridaOnde histórias criam vida. Descubra agora