EDITED COMPLETE
Napaupo ako sa tapat ng shop sa isang bench habang inaabangan ang paglabas muli ng pangunahing target ko, kailangan ko lang maghintay ng ilang minuto kahit na nakakainip kaya naman kinuha ko nalang ang lolipap ko sa bulsa ng jacket ko at buksan ito para makain binaba ko din ng kunti ang rayban kong suot at sinulyapan muli ang target na hindi pa din umaalis sa isang shop.
"Targets moving." Bulong ko sa mini micro na nakakabit sa gilid ng jacket ko na nakakakonekta naman sa earpiece mula sa hikaw ko upang mareport kung anong ginagawa ng pangunahing target naming.
["Copy."] Dinig kong sagot ng taong nasa kabilang linya.
"Any suspecious?" Tanong ko at pasimpleng tumitingin tingin sa buong paligid baka kasi may kasabwat ang target na sinusundan naming malagutan pa kami sa boss namin.
["Nothing so far--wait! the target's moving fast!"] Bigla akong nataranta sa balita niya kaya naman mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko ng mahagip ng mga mata ko ang target na kumaripas ng takbo papalayo kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na hinabol ito, lintik naman oh!
"What the! Bakit siya tumakbo?" Gulat na tanong ko dahil sa papalayo na nitong bulto mula sa kinaruruunan ko.
["Nahalata niyang sinusundan mo siya."]
"Teka nga pano mo nalaman na nakita mo siyang nakita din akong sinusundan siya?"habol hiningang tanong habang hinahabol ang walanghiyang target.
["C'mon Yumi, seriously? Makakalimutin kana ba sa mga pinagusapan natin kanina? I'm your eyes, remember?"]
"Yea, yea I do! Fuck!" Sigaw ko sa sobrang frustration habang sinusundan ko ang bwisit na target ngunit sa dami nga naman ng tao sa mall di ko na siya naabutan, hindi ko na alam kung ilang santo naba ang natawag ko dahil sa hindi ko na naabutan ang gagong target at sa halos ilang oras din akong kakatakbo at hanap ngunit wala na akong nakitang anino ng hayop!
Napakapit ako sa pinakamalapit na beach saakin at hingal na hingal dahil sa kakatakbo upang maabutan sana ang gagong target na hindi ko naman naabutan na bwisit! Frustrated akong naupo at padabog na naialis ang rayban sa mata ko halos gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa sobrang frustration! Fuck fuck fuck! Pano ko ito sasabihin kay boss. Hinawakan ko ang gilid ng jacket ko at ireport ang pagkawala nga ng target sa paningin ko
"I lost him." Imporma ko saka inalis ang earpiece na hikaw sa tenga ko dahil nadinig ko ang taong nasa kabilang linya na walang tigil ang mura nilagay ko ito sa bulsa ko at tumayo na mula sa pagkakaupo bago huminga ng malalim at nagsimula ng maglakad paalis ng mall.
UMuwi ako sa bahay ko ng pagod na pagod, sa mga oras na ito ang gusto ko lamang gawin ay ang humiga sa kama ko at matulog na pero kailangan ko munang magpalit at maligo para naman mahimbing ang tulog ko, tinapon ko sa isang sulok ang bag kong dala at pumasok sa banyo-umabot lang ng ilang oras ay nakapagbihis na ako't humarap sa salamin at nagsimulang magsuklay. Napatigil ako bigla sa pagsusuklay ng makita kong umilaw ang nakasilent kong cellphone, kinuha ko ito at tiningnan pero mabilis pa sa alas kwatrong pinindot ko ang answer ng makita ko ang pangalan ni Claire na tumatawag.
"Boss?" pigil hininga kong sagot sa kanyang tawag.
["Anong nangyari?"] Malamig na tanong niya na nagpastraight sakin sa pagkakaupo sa upuan ko't biglang pinagpawisan, ano ba yan ano ang sasabihin ko kay Claire nito lintik! Wala akong maisip dahil kung hindi ko sasabihin pipilitin niya akong pagsalitain saka kung magsisinungaling naman ako tiyak na mas malala pa ito sa parusa kung magkataon.
"A-ano kasi Boss, a-ano n-nakatakas s-siya pero huhulihin naman nami--"
["Fuck!"] Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko bigla saka hinaplos ang tengang nasaktan sa nakakabingeng sigaw niya, ayokong magreklamo kasi galit siya ayokong masaktan nanaman ang pwet ko sa punishments na ibibigay niya, wala sa sariling napahawak nalang ako sa pwet ko, huhu! hindi ko makakalimutan yung pinakauna kong naging punishment.
"Kasi naman boss--" magpapaliwanag pa sana ako ng putulin niya ang mga susunod ko pang sasambitin.
["I'll give you 5 minutes to come, Head Quarters now! Yumi."]Malamig niyang utos na nagpalunok sakin bago nawala ang linya, maluha-luha kong tinignan ang kama ko, mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi.
NANG makarating ako sa headquarters namin ay ang una kung nakita si Cherry na may hawak na isang tasang kape habang nanunuod ng TV. Si Cherry Williams ay ka-co-member ko, Siya ang pinakamatinik samin pag dating sa mga lalaki-hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ba ang nakadate ng babaeng yan, she play a lot with boys to cut it short she's a play girl she use guys for her entertainment but even she play fire she knows how to use her brain kasi she's still a virgin. Well hindi naman kasi ganun ka-bitch si Cherry mabait yan at understanding pero wag mo lang yang galitin o gawing kaaway dahil she's more dangerous when it comes on physical combat, hindi ko nga matalo-talo pagdating sa boxing ring o insayo naming dalawa sa gym-huminga muna ako ng malalim at lumapit sa kanya.
"Hey, cherry?" Tawag ko na ikinalingon niya sakin ng may gulat at nagtatanong na mukha.
"Woah, I don't believe my eyes. Is that you? Yumi? How come nandito ka?" Gulat na tanong niya sakin at hindi makapaniwalang nandito nga ako sa hq naming Queens, minsan lang kasi ako pumunta dito at unexpected lang pag may importanteng meeting si Claire o ipinapatawag niya.
"Nandito na ba si Claire?" Hindi ko pinansin ang tanong niya-umupo ako sa tabi niya at frustrated na napasandal napansin kong humarap ng pagkakaupo si Cherry sa akin na para bang nacurious bigla dahil nandito ako.
"Nakita kong nasa meeting room si Boss pero di pa siya napunta dito, ako palang bakit mo pala siya hinahanap? Is it about the assignment?"
Nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman at di pa siya napunta dito dahil di ako makakahanda sa punishment na aabutin ko sakanya wala sa sariling nayakap ko ang sarili ko ng maisip kong may hawak na pamalo si Claire.
"I-it's nothing, Eh, si Kate?" tanong ko at napatingin sa hawak niyang kape.
"Diba kasama mo yun kanina sa assignment niyong dalawa?" Takang tanong niya pabalik sakin pero inungusan ko lang siya at inagaw ang kapeng hawak niya bago ko inubos ang laman saka ibigay ulit sa kanya na agad naman niyang kinuha ulit sa kamay ko.
Si Kate, ang kasama ko kaninang huhulihin sana ung target namin, Ini-atang samin yun ni Claire dahil sa utang nitong di na binabayaran sa Queens kaya nga sobrang galit na galit si Claire ng sabihin ko sa kanyang nakatakas yung unggoy na target.
"Tsk! Nauna siyang umuwi sakin matapos ng di namin paghuli sa lintik na assignment."
Bumuga ako ng hangin pero bigla akong natense ng maramdaman ko ang pagtingin sakin ni Cherry nilingon ko siya ng dahan dahan dahil nakakakilabot talaga.
"Hala ka, Yumi mukhang mabibinyagan nanaman yang pwet mo."Banta niya na parang sinapian ng mangkukulam saka tumawa na parang baliw, napamura ako ng malutong-grabe nagtaasan yata lahat ang balahibo ko at napahawak sa pwet ko, napalunok din ako ng maraming beses at lumipad lahat ng imagination ko sa nakakatakot na magaganap mamaya pagdating ni Claire, para na akong pinagsakluban ng langit at lupa sa haharapin kung palo kay Claire. Huhuhu ano kayang magiging hitsura ng pwet ko mamaya.
"Hahahahahaha!"Hagalpak at mamatay-matay pa din ang tawa ni Cherry kasabay ng pagkahulog ng tasa sa semento upang magkalat ito sa sahig napansin ko pang pinapalo-palo pa niya ang armrest ng sofa sa kakatawa sakin, nakita niya siguro ang mukha kong nawalan ng kulay, ang pangit ko pa naman kapag namumutla sa takot.
Tumayo nalang ako upang pumunta sa kusina dahil naiinis ako sa kanya, alam naman niyang takot na ako pagtatawanan niya pa ako! She's so mean! kumuha ako ng maiinom na tubig para naman kahit papano mahimasmasan ako pero kakalagok ko palamang ng isang lagok ng tubig ng pagharap ko sa pinto ay nakita ko si Claire na nakasandal at ang lamig ng pagkakatitig sakin dahilan para maibuga ko ang lahat ng tubig sa bibig ko sa sobrang gulat sa kanya- damn! lumabas din yata ang tubig sa ilong ko-sa sobrang sakit ay napaubo ako ng maraming beses at napahawak din ako sa lamesa bilang suporta para hindi ako mapaupo sa sahig. fuck! Bakit naman kasi sumusulpot na parang kabuti si Claire! Muntik na akong mamatay!
"Did I frighten you, Yumi?" Sambit niya na nagpalunok sakin ng malakas dahil sa kabang nararamdaman dahil kitang kita ko kung pano tumaas ang gilid ng kanyang labi.
YOU ARE READING
students id
ActionSynopsis : She's mysterious type of girl sa myembro ng Queens, the professional sniper in their group, she hate guys and their balls that's the truth. BEGIN: 11/01/17 ENDED: ONGOING 2017-2019 ALL RIGHT RESERVED
