CHAPTER 9

8.9K 204 1
                                    



Julia point of view;




Pumasok agad ako sa bahay kasama si Renxel at Desiree at nadatnan ko si Mama na umiiyak. Agad ko itong nilapitan.

" Ma, Anong nangyari?" Tanong ko kay Mama.

" Ang kapatid mo kasi e!ayaw lumabas ng kwarto niya mula panong umalis kayo, tapos umuwi siya dito ng lasing." Sabi ni Mama habang umiiyak.

" Sinubukan niyo na ba siyang pakalmahin?" Tanong ko.

" Oo anak, pero ayaw talaga e!" Sabi ni Mama, agad akong tumayo at pumunta sa taas. Kinatok ko ang pintuan;

" Bunso, nandito na si Ate.." Mahinahon kong sabi.

" Lumabas ka na bunso, kong ano man ang problema mo pag-usapan natin." Dagdag ko pang sabi. Bumukas ang pinto at nakita ko si Jashin na namumutla at namamaga ang kanyang mga mata.

Agad akong pumasok sa kwarto niya umupo sa kama niya. " Ano ang nangyari sayo?" Tanong ko.

" Ate, wala naba talaga akong silbi?" Tanong naman ni Jashin habang umiiyak.

" Bunso, hindi. Nandito kami ni Mama para mahalin ka, kaya 'wag mong sabihin 'yan."

" Pero bakit Ate, iniwan ako ng taong mahal ko?" Tanong naman niya.

" Girlfriend mo ba?" Tanong ko.

" Opo ate, si Angel alam niyo naman pong mahal na mahal ko siya diba?"Sabi niya.

" Alam mo bunso, normal lang magkaroon ng mga ganyang bagay, pero hindi natin maiwasan ang masaktan. Pero ako bunso nung iniwan ako ni Ryan umiyak ako non!pero sa huli naka move on rin ako." Sabi ko.

" Ate, mahirap kasing mag move on e!" Sabi niya.

" Alam kong mahirap, pero darating rin ang panahon na magagawa mo iyan." Sabi ko.

" E!Love expert ka pala ate e! kaya lodi kita e!" Sabi naman nito at tumawa.

" E!nasanayan na, at tsaka ate mo pa." Pagbibiro ko rin.

" Pero ate seryoso, Thank you Ate ha!kasi kahit iba ang Mama ko pinaramdam niyo pa rin sa akin lahat na mahal na mahal niyo ako." Sabi ni Jashin.

" E!ikaw ang bunso namin e!I love you bunso." Sabi ko at nagyakapan kaming dalawa.

Adopted lang namin si Jashin, kasi anak siya ng ikalawang asawa ni daddy, pero nung namatay na si Dad at ang asawa nito,binilin na siya sa amin, at siya na rin ang itinuri kong Kuya kahit bunso siya.








To be Continue..

Book 2: Second Chance (Completed)Where stories live. Discover now