State of Weaponry

9 1 0
                                    


Chapter  2《

"Mano po." Magalang na sabi ni Reym at nagmano bago pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, anak. Bakit ang agap mo ata?"

Sumunod sa kanya ang isang 35-year-old na babaeng si Hannah. Meron siyang mahabang buhok at makinis na kutis. Hindi mo a-akalaing siya ay isa nang ina sapagkat napaka-ganda at walang kupas parin ng kaniyang itsura.

"Uh... maaga pong pinalabas ang klase." Tipid na sagot ni Reym at agad na umakyat sa kaniyang kwarto.

Siyempre, hindi iyon ang totoo sapagkat hindi niya pwedeng sabihin na hindi naman talaga siya pumasok at tumambay lang sa isang abandonadong gusali para pagmasadan ang kawalan bago umuwi dahil naiinip na siya.

Oh, at idagdag narin ang pag-'bisita' ng student council president.

Pagka-dating niya sa kwarto, nagbuntong hininga siya at humarap sa salamin bago tinanggal ang kaniyang relo, kitang-kita mula sa salamin ang unti-unting pagbabago ng kaniyang itsura.

Ang kanina'y napaka-ordinaryo at hindi kapansin-pansin to the point na madali mong makakalimutan ay nagtransform papunta sa napaka-gwapong lalake na kahit na sino ay matutulala kapag nakita siya at tiyak na hindi siya makakalimutan kahit hanggang sa panaginip.

Matapos ang kaniyang 'transformation' ay nagtungo siya sa banyo upang mag-shower at magpalit ng damit.

Pagkatapos noon ay umupo siya sa kaniyang upuan at seryosong humarap sa kaniyang computer. 

* * *

"Ano nang balita?"

"Reporting to your highness, hindi parin po namin nakikita si young master but we have some clues as to--"

"Shut up!" Galit na sabi ng lalake. "Do I look interested on that clues? I want you to FIND him!"

"Y-yes your highness..." Nanginginig sa takot na sambit ng lalakeng napag-utusan at agad na yumoko. Not daring to look at the man in front of him.

"Then scram!"

"Y-yes. Excuse this servant." Agad na umalis ang utusan, ng makalabas na siya tsaka siya nakahinga ng maluwag.

Naiwan sa silid ang lalake na tinatawag na 'your highness' ng utusan. Ang lalakeng ito ay middle-aged na subalit kita parin ang pagka-gandang lalake niya. Cold at walang ekspresyon siyang nakatitig sa isang picture frame na naglalaman ng litrato ng isang masayang pamilya.

Ilang saglit pa, siya ay nagbuntong hininga at itinago ang picture sa sulong.

Ang lalakeng ito ay walang iba kundi si Ruelito Qimora Ormasa, ang kasalukuyang hari ng State of Weaponry. Ang lugar na maihahalintulad sa isang kaharian sa loob ng pilipinas subalit hindi ito sakop ng pamumuno ng prisedente ng bansa sapagkat may sarili itong herarkiya.

Sa State of Weaponry nanggagaling ang mga highly destructable at advanced weaponry ng bansa. Hindi lang 'yun meron rin silang mga high-technology systems at inventions kaya kahit ang presidente ay natatakot sa hari ng State of Weaponry.

* * *

"Tol,  nakabili ka na ba ng Head gear?" Tanong ni Rimuel kay Sherom habang naglalakad ang dalawa pauwi.

"Mm." Tumango naman si Sherom at sinabing, "Head gear para sa bagong larong i-la-lunch ng State of Weaponry?"

"Yeah. 'Yung Rise of Emperor. Nakabili na ako. Medyo excited na nga ako kasi lahat ng laro na nanggagaling sa SoW ay magaganda at high-tech kaya siguradong world class rin ang isang 'to."

"Yup. At ang maganda pa, available lang 'to sa pilipinas dahil ang game na 'to daw ay medyo unique."

"Oo nga. Nabasa ko rin 'yun sa website ng SoW."

"So, magkita nalang tayo bukas. Haha. Dito na ako." Paalam ni Rimuel at lumiko na sa kanto patungo sa kanilang bahay.

"Gege~" Nag-wave si Sherom at naglakad narin pauwi.

Pagka-dating ni Rimuel sa kanilang bahay, sinalubong siya ng kaniyang kapatid.

"Kuya nagkita na kayo ni ate Yesha?" Bungad na tanong ng nakangiti niyang kapatid.

Nang marinig niya ang mga katagang 'yun, hindi niya mapigilang mapa-iling at magbuntong hininga.

Naalala na naman niya ang nangyari kanina. Ibinuo niya ang kaniyang kamao. "Pagbabayarin ko ang lalakeng 'yun." Bulong niya at itinatak ito sa kaniyang puso.

Mabilis na lumipas ang oras, dumating na ang araw na hinihintay ng marami. Ngayong araw, opisyal nang bubuksan ang larong Rise of Emperor!

Maagang naghanda ang mga tao para dito. Maging sina Rimuel at Sherom ay ganon din. Excited na sila para sa bagong laro lalo na't hindi nila alam kung ano bang klaseng laro ito sapagkat walang nakalagay sa discription. Ganoon pa man, marami paring bumili dahil sa reputasyon ng State of Weaponry na palaging high quality at magaganda ang laro kaya't kahit na hindi nila alam kung anong klaseng laro ba talaga ito, sigurado silang maganda naman 'yun! 

Maging si Reym ay kasama sa mga maglalaro ng game.

"On." Sambit niya habang suot ang head gear at nakahiga.

"Welcome new player, I'd like to thank you for--"

"Skip."

"Do you wish to create your character?"

"Yes."

"Very well,"

May lumabas sa screen sa harap niya at nakalagay doon ang ilang lalake na iba't iba ang itsura, kasuotan at armas.

"First choose your class, the choices are warior, paladin, priest..."

"Marksman."

"Marksman it is. Now choose your in-game-name,"

"Broken Wiseman."

"Are you sure?"

"Yes."

"Now then, Broken Wiseman, welcome to the Rise of Emperor. May you pave your own path to becoming the strongest of all!"

"I shall now transport you to the game, are you ready?"

"Yeah."

"Alright."

Ilang saglit pa, nag-blurred ulet at napunta na si Broken Wiseman sa loob ng game.

End》

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rise of EmperorWhere stories live. Discover now