"Ma, matutulog na lang ako mamayang gabi. Bukas na lang ako sasama sa swimming nila"


Nag-isip si mama habang kumakain.


Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Grabe, kinakabahan ako. What if she says no?\

Tatakas talaga ako! Kahit ilang araw pa ko mawala! 

Hahaha desperada lang ang peg?


"Matoots, wag. Wag mong payagan si bunso...hahaha" Asar ni Kuya.


Naku naman! Kapag si Kuya nagsalita, lagi yang pinakikinggan ni mama.


"Sige na nga. Basta magiingat ka ha"


Napatayo ako ng todong todo at niyakap ko si mama.


"WAHHHH! MAMA THANK YOU! SUPER HAPPY KO, PROMISE!!"

"Wala yun, regalo ko na yun sayo dahil hindi ako makakapunta mamaya sa event mo. May aasikasuhin ako" Sabi ni Mama.


"Hep! Hep! Hep! Sali naman ako diyan" Tapos niyakap kami ni Kuya.

"ANG BAHO!" Sigaw ko. Tawa pa ko ng tawa.

"Kapal mo, ikaw nga yung hindi pa naliligo"

(-_-)


"Kumain na nga kayo! Ang kukulit niyo" Sabi ni Mama tapos nagtawanan kami.


YEESSHHH!!

Super saya ko pumayag si mama. Minsan lang kasi niya ko payagan sa mga ganyan ehh.


After mag-breakfast, naligo na ko tapos pinakinggan ko yung Lucky na music sa laptop ko. Syempre kinabisado ko na yung lyrics. Di ko kasi alam yun masyado eh.


Lunch.


Medyo kinakabahan na ko ngayon.

Malapit na kasi dumating ang mga girlfriends ko and alam kong magiging kawawa na naman ako. Magiging Barbie doll na naman nila ako.


Tumambay lang ako sa kwarto ko until 3:00 ng hapon.


*Tok tok*

Tapos bumukas yung pinto.

Kumatok pa kayo! Di niyo naman ako pinasagot kung okay lang pumasok kayo.


Julia: "Hey ghurl?"

Bea: "Musta tulog mo?"

Zharm: "Tara na! Start na yang pagaayos!"


Huhuhu. T_T

Di na ako nagsalita. Hinayaan ko na lang sila hilahin ako dun sa upuan.


Ang cute lang tignan na talagang nage-effort ang mga kaibigan ko for me. I mean, super love talaga nila ako. Si Bea ang nagayos ng buhok ko. Si Zharm sa nails ko tapos si Julia sa makeup.

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon