Tapos tinignan ko siya ng saglit at tinaasan ng kilay na may kasamang ngiti na nagsasabi "anong ginawa niyo nung kasama mo?"





"Ihhhh hindi nga yon kuya hindi yon date promise , kaya wag ka ng magalit please ...." Sabi niya






"Ang kulet mo sinabi ko namang wala nga akong pakialam kahit makilagdate ka pa ng maraming beses , nagalit ako dahil bigla kanalang humarang , pano nalang kung nasagasaan kita? Ano bang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya







"Ginawa ko yon kasi may tiwala ako sayo , alam ko na hindi mo ko masasagasaan , basta alam ko lang hindi ikaw , hindi moko sasaktan" sabi niya di ko ma explain ang nararamdaman ko kaya tumahimik nalang ako , ano bang nang yayari sakin ....







---------

CJ's POV

Tahimik lang si kuya OJ , kinakabahan padin ako dahil di ko alam pano ang mangyayari niyan sobra yung galit na nakita ko sa mata ni kuya Neil di ko maexplain galit na parang may hurt sa mga mata niya , di ko naman siya masisisi eh nagsinungaling ko , bagay na ayaw na ayaw namin , pero anong ginawa ko ? Nagsinungaling ko





Huminto si kuya OJ


"Baba" ayan ang sabi niya


Tinignan ko siya



"Bakit akala ko ba hindi ka galit bat moko pinapababa?" Tanong ko sa kanya



"Ayoko sa babaeng umiiyak" ayan ang sabi niya at don ko lang narealize na umiiyak nanaman pala ako





"Ah ..hindi ... Hindi nako iiyak promise wag mo lang akong pababain kuya promise talaga" sabi ko habang pinupunasan luha ko pinilit kong wag ng tumulo pero wala eh kahit isara ko mata ko ayaw tumigil ng luha ko




"Hayyyy" ayan lang ang sabi niya at nagdrive na ulit siya naawa siguro sakin




"Bakit napaka iyakin mo? Alam mo ba gaano kahirap sakin na makita kang umiiyak?" Sabi ni kuya OJ




Nabigla naman ako don , alam ko sinasabi kong walang puso si Kuya OJ pero alam ko namang ayaw lang talaga niyang ipakita na may pakialam siya , kaya nakakabigla na sasabihin niya yan




"Anong magagawa ko kuya natatakot ako pano pag hindi ako pinakinggan ni kuya Neil? Pano kung lahat sila galit sakin?" Tanong ko sa kanya



"Hindi ka nila matitiis ipaliwanag mo ng mabuti sa kanila , at paghindi sila nakinig isigaw mo , in that way wala silang ibang choice kung hindi ka pakinggan" sabi niya




"Totoo ?" Tanong ko


Tapos tinignan lang niya ako at nginitian



"Thank you kuya" sabi ko






May kung anong subdivision kaming pinasukan




Di nako nagtanong dahil alam ko namang alam ni kuya Oj saan sila nagpunta eh


Tumigil kami sa isang maganda at malaking bahay.
At don ko nakita ang mga sasakyan ng kuya ko.






"Kanino bahay to?" Tanong ko




"Bahay ni Neil" sabi ni Kuya OJ tapos bumaba na


Bumaba na rin ako iniwan ko nalang yung mga pinamili ko baka makita pa nila eh




Diary ng PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon