That sounded good, pero ina si Anise ng dalawang makukulit na bata and she knew a line of bull when she heard one. "That sounds like something my sons would say."

Kung gano'n ay may mga anak na pala ito. "Hindi ka naniniwala?"

"Ano sa tingin mo?"

"Damn. And I thought I was being smart." Lumapit siya dito. "Bakit hindi na lang tayo magsimulang muli?" inilahad niya ang palad dito. "I'm Cain Ledesma, I hope that we can work well together."

Inabot nito ang nakalahad niyang kamay. "'Yan din ang hiling ko."

KANINA pa nakaalis si Anise sa Liberty Hotel pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga pangyayari, simula nung ma-flat-an siya ng gulong hanggang sa matapos ang meeting niya. Buong akala niya ay wala nang epekto sa kanya ang mga lalaki but Cain Ledesma just proved her wrong. Sa isang ngiti lang nito ay agad na nabuwag ang lahat ng depensang binuo niya sa loob ng maraming taon simula nung iwan siya ni Gino.

At isa yung bagay na hindi niya dapat ikatuwa. Dahil ang ibig sabihin lang no'n ay attracted siya dito. Sa isang lalaki na ngayon lang niya nakilala. Sa isang lalaki na alam niyang sanay na sanay na magpaikot ng mga babaeng kagaya niya.

Marahas siyang napailing. Hindi. This is only happening because for such a long time you haven't met a man as handsome or as charming as he was. Natural lang na maging ganyan ang reaksyon mo. Lihim na lang niyang pinagalitan ang sarili. Unang pagkikita pa lang nila ay kakaiba na agad ang epekto nito sa kanya. At alam niyang hindi 'yon dapat magpatuloy pa.

She can't continuously be charmed by him. Habang maaga pa lang kailangan na niyang protektahan ang kanyang sarili. At isang desisyon ang nabuo sa isip niya.

The next time we meet, it will be purely business. Nothing more, nothing less.

Sana lang mapaninidigan niya ang desisyong 'yon.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nasa tapat na siya ng architectural firm na pinagtatrabahuhan. Ang Polaris Architectural Firm. Isang maliit na building lang ang inuokupa ng Polaris. Tamang-tama lang para sa kakaunti nitong empleyado. Para kasi sa boss nilang si Sheila, quality is better than quantity. Mapili din ito pagdating sa mga projects na kinukuha nila. Kaya naman for the past five years since naitayo ang Polaris, masasabi niyang unti-unti na rin silang nakikilala.

Malaki talaga ang pasasalamat niya kay Sheila. Itinuturing niya nga itong anghel na ipinadala ng langit sa kanya. Nung mga panahon kasing walang-wala siya ay ito ang tumulong sa kanya.

She was seven months pregnant back then. Nag-resign siya sa trabaho niya because Gino told her na ito na ang bahala sa lahat. Nakapasa kasi ito sa licensure exam for doctors. Full-pledged doctor na ito at sinabi nito sa kanya na oras na para ito naman ang mag-alaga sa kanya. Napakasaya niya nang sinabi nito 'yon but then the next morning, nagising na lang siya na wala na ito. He left her just like that. Ni wala man lang itong iniwan na sulat o kahit na ano.

She cried and cried until all her tears dried up. But life continues to go on. At kailangan niya ring ipagpatuloy ang buhay niya. Sinubukan niyang bumalik sa dating pinagtatrabahuhan pero hindi na siya tinanggap pang muli ng mga ito. Nag-apply rin siya sa iba pang architectural firm pero walang gustong tumanggap sa kanya dahil na rin sa kanyang kondisyon. And that's when she met Sheila.

Pagkakita nito sa designs na ginawa niya ay kinuha siya nito agad. Hindi lang 'yon, pinayagan pa siya nitong gawin ang trabaho niya sa kanyang bahay. On the note na dapat ay lagi niyang maipasa sa tamang oras ang mga design at scale models na pinapagawa nito. Double purpose 'yon para sa kanya dahil nagagawa na niya ang trabaho niya ay naaalagaan pa niya ang mga anak niya.

What Love IsWhere stories live. Discover now