Napaupo na lang ako dito sa bench sa may ilalim ng puno dito sa park.
Mula sa kinauupuan ko, may mag-syotang naghaharutan sa may harapan ko. Napairap na lang ako.
"Get a room! Huwag kayo rito sa harapan ko! Doon kayo sa lugar kung saan walang maiistorbong tao at mab-bwisit sa pinaggagawa niyo! Shoo! Layas! Chupiiii!"
Ayan sana ang gusto kong sabihin dun sa mag-syotang naglalampungan sa harapan ko but I chose no to baka sabihin nila na bitter ako. Kainis.
'Bakit? Hindi nga ba?'
Bakit ba kasi ang bitter ko?!
Instead, sinuot ko na lang ang headset ko ng mabawas-bawasan ang init ng ulo ko sa dalawang tao na nasa harapan ko na kung magharutan ay parang wala ng bukas. Seriously, hindi ba sila aware na nasa public place sila? O sadyang PDA lang sila?
Napairap na lang ako sa thought na 'yon. Bwisit. Bakit ba kasi feeling ko ang bitter ko? Eh wala naman akong naging boyfriend eh! Err... Siguro? Ah ewan!
Napabuntong hininga na lang ako. Naranasan ko na kayang umibig? Ang magmahal? Ang magkaroon ng boyfriend? Yung nagmamahal sakin? Yung tipong lagi akong inaalagaan? Yung tipong napaka-overprotective niya pagdating sakin? Paano ko naman malalaman ang sagot eh...
Hindi ko nga matandaan.
Wala akong matandaan.
Na kahit anong pilit kong alalahanin ang mga bagay still...
Hindi ko pa rin maalala.
At nakakainis kasi parang tuloy akong nangangapa sa mga bagay na sa tingin ko ay nagawa ko naman yun nga lang hindi ko matandaan. Feeling ko back to square one na naman ako.
But the moment that we met, for some reason, my heart beats faster and I don't know why...
Pakiramdam ko I'm longing...for him...
Pero bakit ganun ang nararamdaman ko? Ni hindi ko nga siya kilala at ganun rin siya sakin. Kung hindi lang kami magkasama sa iisang place eh hindi pa namin makikila ang isa't isa. Ugh! Nakaka-frustrate!
Pero bakit feeling ko inlove ako...sa kanya...?
WHAT. THE. HELL.
Napailing ako ng marami at napatingin ako sa di kalayuan.
HOLY CRAP.
~*~
All Rights Reserved ©2017
YOU ARE READING
Forgotten You
Teen Fiction"For so many times we lose our memories and forgot each other, our hearts will never forget how we love and cherish those moments that we've been through. Instead, it will helps to bring and back us together..." --Azrael "Even though we forgot each...
