"Pinatawad ka na namin ni Cali,Yasi..Alam naming nabulag ka lang sa Galit na nararamdaman mo kaya mo nagawa yun.."sabi ni Gab..

Umiiyak na tumango si Yasi..Humiwalay sya sa yakap ko at ngumiting tumingin saming dalawa..

"My dad told me na baka next week pwede na kong makalabas dito..Mahigit isang taon din ako dito..Boring kaya dito."tumawa lang kaming dalawa ni Yasi sa sinabi niya.."I guess we can bond kapag nakalabas na ko dito?"tumango naman ako at niyakap syang muli..

---

5 months later...

Hinawakan ni Gab ang kamay ko at naglakad kami papasok sa apartment..Kung san nagsimula at natapos ang lahat..

"Are you sure na tutuloy pa tayo?Baka may maamoy kang mabaho?"natatawang tinignan ko si Gab..

"I'm okay Love..I can handle okay?"nakangiting sabi ko..

"Kahit na..Ayokong mawalan ng bride sa linggo no!Tsaka baka makasama pa kay baby yan ako mananagot kay Mommy and Daddy nyan eh.."kamot ulong sabi ni Gab..

Yes.Ikakasal na kami ni Gab sa linggo..Masyado bang mabilis?Siguro sapat na tanda lang yung pagmamahalan naming dalawa kaya ito magpapakasal na kaming dalawa..Wala ng magulang si Gab dahil ate na lang nya ang kasama nya..Nalaman kong naaksidente pala sila nung 10 years old sya at di na nakasurvive ang mom and dad nya..Sya naman ay na-coma nun..Nung kinwento sakin ni Gab yan iyak ako ng iyak..Siguro ganun lang talaga kapag buntis..Nalaman ko ding buntis ako 3 months ago..Ganun kabilis diba?Eh pano ang naughty kasi nitong si Gab yan tuloy nakabuo ng wala sa oras..

Binuksan namin ang pinto ng exit at inalalayan ako ni Gab na bumaba sa hagdan..Mabaho pa din sa lugar na to..

"Oh!Suot mo.."abot ni Gab sakin nung mask..Naiiling na sinuot ko na lang ang mask.."Be careful Love.."bulong nya..Nang makababa kami ay nagulat kami ng makita namin ang isang pigura ng babae na nakatalikod. May hawak na gucci na bag at nakapony tail..Mataas din ang heels na suot at naka-shorts lang and t-shirt..

"Yasi?"tawag ko at lumingon naman sya..Nakangiting inalis nya ang sunglasses nya at lumapit sakin tsaka ako niyakap..

"What are you doing here Yasi?"gulat na tanong ni Gab..

"Binibisita ko lang to.."tukoy nya sa exit..Kung sa bagay..Naging memorable din tong lugar na to kahit puro nakakatakot na pangyayari ang naganap..

"Buti pala naabutan ka namin dito.."nakangiting sabi ko..Tumango sya at tumingin sa tyan ko.

"Ilang months na?Ba't parang anlaki na?"natatawang tanong nya sakin..Hinawakan ko naman ang umbok ng tyan ko at nakangiting tumingin sa kanya..

"3 months pa lang.."sagot ko

"Oh?Anlaki naman na ata?"gulat na tanong niya

"Kambal yan!"sabat ni Gab sa usapan namin..Hinampas ko sya sa braso at tumawa lang sya..

"By the way ninang ako ha?"nakangiting sabi ni Yasi..

"Oo naman..Tsaka nga pala..Punta ka sa kasal namin ha?Sa linggo."nakangiting sabi ko sa kanya..Tumango nama sya at may kinuha sa bag.

"Buti pala prepared ako."sabi niya at naglabas ng tatlong kandila.."Tig-iisa na lang tayo.."sabi niya..Tumango naman kami ni Gab at sinindihan na ang kandila..Nilagay namin ang kandila sa gitnang sahig mismo ng basement ng Exit..

"Grabe..Ang daming ala-ala ng exit na to no?Simula umpisa..Hanggang sa matapos..Dito pa din talaga tatakbo ang storya ng buhay natin.."nakangiting sabi ko..

"Haha tama ka Cali..I can't wait na lumabas ang babies mo..Ik-kwento ko sa kanila ang mga naransan natin."natatawang sabi ni Yasi..Tinaas naman ni Gab ang hintuturo nya at dinuro si Yasi.

"Don't you dare Yasi..Baka ma-curious ang mga anak ko tapos biglang gayahin ang mga pangyayaring to.."natawa na lang kami ni Yasi sa kaseryosohan ni Gab..Masyado talaga..

Oh by the way..

Bago magtapos ang kwentong to..

Iimbitahan ko din kayo sa kasal namin ni Gab sa linggo..

Yung venue?

Sa hell..

BWAHAHAHA..Joke!

So yun..

After what happened..Sa Exit na to pa rin kami nagtatapos.

Kami ni Gab na nagmamahalan na..Nang dahil sa mga nangyari sa apartment na to at sa pagtutulungang malutas ang problemang to..

Si Yasi na nagbago dahil sa narealize na nya ang pagkakamaling ginawa nya..

At ang magiging anak namin ni Gab..

Paniguradong may magandang kwento kaming mak-kwento sa kanila..Kahit nakakatakot hahahahaha!!

---THE END---

-----

BONUS CHAPTER

"Nari nari kasumado..Nari nari kasumado..."bulong ng isang bata.Nasa loob sya ngayon ng kwarto nya..Madilim at mag isa

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kambal nya..

"Gary..Andyan na si Ninang Yasi.Tara may pasalubong.."di sya pinansin ng kambal nya kaya pumasok na sya sa kwarto nito at lumapit dito..

"Nari nari kasumado...Nari nari kasumado.."naririnig nyang sabi ng kapatid nya habang nakayuko..

"Gary tara na!Papagalitan tayo ni mommy pag di pa tayo bumaba.."bulong ni Harry at inikot ang paningin sa buong kwarto ni Gary..

"Gary...Harry..Ano ba!Andito ang ninang Yasi nyo oh!"sigaw ni Cali sa baba..

"Ako na magtatawag sa kanila Love."sabi ni Gab at tumayo sa upuan tsaka umakyat sa taas..Nakasara ang pintuan ng kwarto ni Gary kaya binuksan nya ito at nakitang madilim ang buong kwarto..Binuksan nya ang switch ng ilaw sa tabing dingding at nanlaki ang mata ng makita ang nasa loob ng kwarto..

"HARRRYY!!"sigaw ni Gab ng makita ang katawan ni Harry at ang ulong nakahiwalay sa katawan nito..Nakita nya sa kabilang sulok si Gary na may hawak na itak..

"Nari nari kasumado..Nari nari kasumado.."

Nakatingin ng masama sa kanya ang anak..

Umakyat si Yasi at Cali ng marinig ang sigaw ni Gab at nagulat sila ng makita ang putol na ulo ni Harry sa paanan ng kama at ang katawan nitong nasa sahig at kumakalat ang dugo..

"Nari nari kasumado...Nari nari kasumado.."

Ngumiti ng nakakatakot ang anak nilang si Gary dahilan para mahimatay si Cali at sinalo ni Yasi..Agad na sinara ni Gab ang pinto at napasabunot sa sariling buhok..

"This can't be.."bulong nya..

EXITWhere stories live. Discover now