Ayuuun .. natapos din ung 2 last classes ko .. kakabagot naman .. kasi di naman talaga aq masipag .. kung d lang naman dahil kay Ram hindi na talaga ako magkacollege .. hayss !!
Nakatayo ako sa may garden ulit ng University. Inaantay ko kasi ung dalawa kong kaibigan. Daydream mode nanaman bored kasi eh. Haaaay .. kung naging magandang babae lang sana ako edi sana di na mahirap na magkagusto sakin si Ram. Haysss talaga ..
"ahmm .. h-hi .. Aze .." biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Ay echoserang palaka !? Ayy sorry ikaw pala yan Lala. Oh ikaw palang ? Antagal talaga nung Shaii na yun !!"
Grabe kasi gumalaw ung babaeng yun eh, mag aayos pa ng buhok at mukha akala mo may date na pupuntahan eh .. grabe talaga !!
"Hayaan mo na, antayin na lang natin siya." hinawakan na lang niya yung kamay ko para pakalmahin ako.
"Andito na ako !" nagulat kami kasi biglang sumulpot si Shaii.
"Buti dumating ka pa" inirapan ko siya kasi naiinip na talaga ako. Ang sakit kaya sa paa ung tayo ng tayo.
Tamad talaga ako xD
"Wateva !! Tara na nga Lala .. iwan na natin yang si Ms. Emotera.." at hinila ni Shaii si Lala palayo sakin.
"Ah .. eh-" di na nakapalag si Lala kaya sumunod na lang siya.
"Ui hintayin niyo kooooo!!" at ayun di ako nakatiis kaya hinabol ko sila.
At aba, alam mo ba naman ang ginawa nila .. nagpahabol nga !! Mga baliw talaga tong mga to oh !! Haha ! Naghabulan kami sa school hanggat sa sinaway na kami nung guard.
"Hey hey .. Di playground ang hallway, umuwi na kayo.." habang lumalapit samin si Manong Guard.
"Opo!!" sabay naming sinagot ung guard.
"Punta lang ako ng CR ahh .." paalam ko sa kanila.
"Sama na din kami!" sagot naman ni Shaii.
Pumunta kaming tatlo sa cr, ako pumasok ng toilet room at sila Shaii nag aayos lang sa harap ng mirror. Lalabas na sana kami pero may narinig kaming boses sa loob ng isa sa mga toilet room.
"huhuhu.. Bakit!!!! Bakit!!!! Bakit mo ko iniwan!!!"
"Friands, narinig niyo ba yun? Parang may umiiyak eh.." bulong ko sa kanilang dalawa.
"Ay Friand tama ka, may umiiyak nga.." sabi naman ni Lala.
"Ahmm.. miss ?? Bakit ka umiiyak??"
tanung naman ni Shaii.
"Hey!! Bka ginulat mo .." sabi ko naman kay Shaii. Bigla bigla naman kasi siya nagsasalita baka natakot ung babae sa toilet room.
Maya maya, may narinig kaming pagbukas ng pinto. Lumabas ung girl, at grabe ang tangkad niya !!! Sexy siya at maganda. Kakainggit Sheeeet !?
"Oh.. sorry .. Narinig nyo pala ako .. sorry sa abala .. I gonna go-"
aalis na sana nang laking gulat namin na hinila sya ni Lala.
"Eiy, wag mo kong iwasan .. alam kong parehas lang tau na nasaktan. Sa huli, magkaibigan pa rin tayo."
Ang seryoso ng boses ni Lala. Nagkatinginan kami ni Shaii, parehas ata kami ng iniisip. May pagkaseryoso din pala si Lala, mukha kasi siyang sweet na babae.
"Bitawan mo ko Lala, wag kang magsalita na parang ok na ang lahat kasi hindi ikaw ang nawalan ... Ako yun.." at tinapik ni Eiy yung kamay ni Lala. Aalis na dapat siya ng CR pero hinarangan ko yung pinto.
"Hep hep hep !! Ahm ako si Aze Jane Aguilar .. ahm friend ni Lala .. ahm-" magsasalita pa sana ako pero bigla akong hinila paalis sa pintuan.
"Wala akong pakealam kung magkaibigan kayo!? Stay away !!"
Wala na kaming nagawa nila Shaii para pigilan siyang umalis.
"Ok ka lang ba Lala?" tanung ni Shaii kay Lala habang hinihimas niya ung likod nito.
"Nga pala siya si Eiy Melissa Batarra .. Ewan ko ba, dahil lang sa isang lalaki kaya kami-" itutuloy na sana ni Lala ung sinasabi nya ng biglang may tumatawag sa phone niya.
Riiiiiiiiinggg ... riiiiingggg...
"Hello? .. I'm sorry ...Yes I'll be right there.. I hope you understand .. yes .. sorry again .. Bye.."
Aba !! Inglesyera ang lola mo !!! Siguro mayaman tong babaeng to .. Nagpaalam na siya samin ni Shaii dahil kailangan na niyang umuwi. Madami pa kaming dapat malaman kay Lala.
----
PLS. VOTE .. COMMENT .. AND FOLLOW ME ..
SayHiToMyFace ... Just click FOLLOW !!!
Thanks for your support !!!
YOU ARE READING
I'm Not Broken I'm Just A Brokenhearted
Teen FictionPANGET .. BOBO .. MAHIRAP .. BADUY ... May mag kagusto kaya sayo ??
