Kabanata 1

703 16 4
                                    

Sa isang maliit na baryo nang San Jose naninirahan si Rowena dalawampong taong gulang.tanging ina na lamang nya ang kanyang kasama dahil maagang namatay ang ama nya.hinde na rin sya nakapag kulihiyo dahil sa hirap ng buhay kong hinde lang sana naibenta ang ibang lupa at hinde namatay ang kanyang ama siguro ay hinde sila naghihirap ngayon at nakapa aral sana sya sa kulihiyo katulad ng ibang kaibigan nya at kasabayan nya noon na nagtapos ng sekandarya.ngunit hinde naman naglilikramo si rowena dahil tinutulungan nya ang ina sa kanilang hanap buhay sa katunayan ay nais sana nyang maghanap ng trabaho para matulungan ang ina ngunit hinde ito pumayag.dahil mahihirapan lamang sya alam nito kong paano kahirap ang mamasukan sa ibang tao dahil ilang taon din syang namasukan noon.maliit na bukid ang tanging naiwan sa kanila kong saan itinatanim ang mga gulay na ibinibinta nila nang inay nya sa palengke.si rowena ang naging katulong nito sa hanap buhay at sa pagtatanim nang gulay madaling araw pa lang ay nasa bukid na ang mag ina para mag tanim at mag-ani nang ibibintang gulay.

" inay sasama po ako sa inyo sa palengke, tutulangan ko po kayo mag benta' wika ni rowena sa ina habang nag lalakad bitbit ang mga gulay pababa sa bukid. " huwag na anak,kaya ko na to kukunti lang naman ito mauubos din to kaagad'magluto ka na lang sa bahay kumain ka at pagkatapos hatiran mo na lang ako sa palengke" saad ng ina nya. " pero inay wala naman po akong ginagawa doon sa bahay, mababagot lang ako dun. " rowena makinig ka na lang sa akin" saad ng ina nya.lumingon sa kanya ang kanyang ina dahil hinde sya nagsalita pa at nakita ang anak na nagmamaktol at nakanguso habang naglalakad ngumiti na lamang ang kanyang ina.

Abala sa pagluluto si rowena nang dumating ang kambal nyang kaibigan katulad nya ay hinde rin ito nakapag aral sa kulihiyo. " tao po.!rowena nariyan ka ba? wika ni jena "nandito ako jena,pumasok kayo. " anong niluluto mo rowena?napaka bango naman,masarap siguro yan? wika ni jean. 'Naku sana nga.nakangiting saad ni rowena. " nagluluto ako nang ulam dadalhin ko ito Kay inay "wika nito. " hali kayo jena,jean sabayan nyo akong kumain'.anyaya ni rowena sa mga kaibigan nag ningning naman ang mga mata ni jean sa paanyaya ni rowena kanina pa kasi sya natatakam na kumain sa luto nito para kasing napakasarap. " talaga.! Sige" wika ni jean ng akman lalapit na sa hapag kaina ng hilahin sya pabalik ni jena. " mahiya ka nga.! kakain mo lang,kakain kana naman.ani nito sa kapatid na nakasimangot. " ayos lang jena.!hinde ko naman mauubos to isa pa ay may naitabi na naman ako para kay inay,kaya hali na kayo sabayan nyo na akong kumain at lalamig na to' wika ni rowena.

" sya nga pala rowena tumawag si Gab kagabi,uuwi daw sila dito sa susunod na linggo bakasyon na daw kasi nila',gusto nya daw na magkakasama tayong anim  magkakaibigan" wika ni jean. ' talaga.! naku mabuti naman at namimiss ko na ang tatlong mokong na yun,'nakangiting saad ni rowena. " nakakainggit naman ang tatlong yon nakakapag aral sila sa kulihiyo magagawa bilang tuparin ang mga pangarap nila, e tayo kaya.! malungkot na wika nito. " ano ka ba jena bakit mo ba sinasabi yan,nangako si inay sa atin na pagaaralin nya tayo kapag nakaipon na sya' wika ng kakambal nyang si jean,at sigurado akong mangyayari yon hinde man ngayon,ngunit sa tamang panahon ." tama si jean jena hinde ka dapat mawalan ng pag asa,siguro ay hinde pa ito ang tamang panahon'balang araw matutupad mo rin ang mga pinapangarap mo,mga pangarap natin'saad nya dito.hinde na lamang sumago si jena at nag pakawala na lang ng malalim na buntong  hininga. pagkatapos kumain ay tumungo na sila sa palengke naabutan nya ang inay nya nag aayos nang mga paninda
" inay kamusta po ang benta? tanong nito sa ina. ' ayos naman anak'. " magandang umaga po aleng lenda'bati nang dalawa." magandang umaga din sa inyong dalawa'mag kasama pala kayo ni rowena hinde ba kayo hahanapin sa inyo' nakangiting saad nito.  " wala naman po kaming ginagawa,kaya dinalaw na namin sya.nakangiting wika ni jean.

" inay kumain kana, ako na po ang bahala dito" oh sige anak'.abala sa pag aayos si rowena at ang kambal nang may babaeng lumapit. " pabili ako ng dalawang bugkos ng sitaw at isang kilo nang ampalaya'. kumuha naman si rowena at isinilid sa supot. ' lenda ito na ba yong anak mong si rowena? tanong nito. " oo maria sya si rowena ang anak ko' nakangiting saad ni lenda.  ' naku lenda napakaganda pala talaga nang anak mo "  namamanghang wika ni maria. " kaya pala panay ang kwento ni Gabriel tungkol sa kanya,tuna'y ngang napakaganda nya lenda' namumula at nakaramdam nang hiya si rowena sa huling sinabi nito sabay tingin sa dalawang kaibigan na may nang aasar na ngiti.ngunit hinde nya na lang ito pinansin dahil nakuha ng atensyon nya sinabi nitong anak. " anak nyo po si gab? kaya po pala may hawig kayo' saad nya dito ngumiti naman ito sa kanya " oo iha' oo nga pala saan ka nag aaral ngayon? tanong nito.bigla naman syang nalungkot sa tanong nito ngunit agad ding nakabawi ng ngiti "hinde po ako nag aaral tinutulungan ko po kasi si inay sa hanapbuhay namin'saad nya dito. " ganun ba,naku sayang naman. " hinde naman po,naniniwala po kasi ako na balang araw makakapag aral din po ako"saad nya napalingon sa kanya ang inay nya sa mga sinabi ng anak Alam nyang gustong gusto nang anak na makapagtapos sa pag aaral kaya sya nag iipon ng pera para sa kinabukasan ng anak.

' anak sige na,umuwi na kayo ako ng ang bahala dito' saad ng ina nya. 'sigurado po kayo inay? tanong nya sa ina. " oo sige na umuwi na kayo. " sige po inay ' lumapit sya sa ina at yumakap nag paalam din ang dalawa nyang kaibigan at sabay na umalis. ' sa tingin ko rowena may gusto talaga sayo si gab,noon ko pa napapansin na may iba sa kanya lalo na  kong paano ka nya tingnan noon' hinde ba jean? tumango naman jean habang hinde mawala wala ang ngiti sa labi. ' kayo talaga.! tumigil na mga kayo,mag -kaibigan lang kami ni gab at hanggang doon lang yon" nagkibit balikat na lang ang dalawa at nagpatuloy sa naglalakad.

Tragedy Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon