"John, alam mo ba 'di lahat ng tao mababait! Kaya mag-ingat ka, mamaya ikaw na biktimahin nila sa sobrang pagpapanggap."
"Oo na po." sagot ng kababata kong si John na may kasama pang halakhak.
"Naku! 'Wag mo akong matawa-tawanin diyan at baka masapak kita."
"Kahit kailan 'di talaga kita mabiro. Opo susundin ko na po Inay, kaya 'wag na po kayong magalit ha?" aba't!
"Anong Inay ka diyan? Kababata mo ako at hindi nanay mo! Ikaw, grr!" ngunit nang siya'y babatukan ko na aba't biglang tumakbo ang bakulaw. Bahala siya, akala niya hahabulin ko siya? utot niya!
"Bahala ka hindi kita hahabulin!" sigaw ko sa kanya at biglan naman siyang napahinto at naglakad papunta rito sa kinroroonan ko.
"Pasalamat ka at kababata kita kung hindi, naku!"
"Kung hindi, ano?"
"Kung hindi.......... ay basta!" tinignan ko siya ng masama at bigla naman siyang nagpeace-sign at inakbayan ako.
Napagpasiyahan na naming umuwi dahil ang araw ay papalubog na. Hindi pa naman ako sanay kapag ang lalakaran namin ay madilim.
Pagkarating namin sa bahay ay nagpaalam na sa akin si John. Hatid sundo ako diyan sa kababata ko, kahit na saan ako pumunta ay dapat kasama siya. Noong pummunaw kasi ang Tatay ko binilin niya kay John na siya na daw ang bahala sa akin basta ba ay hindi ako malulungkot. Kaya ayun, tinutupad ni John ang huling habilin niya bago bawian ng buhay si Papa. Masakit dahil hindi ko na muli makakapiling ang tatay ko, kung hindi lang sana siya nagkaroon ng sakit, siguro kasama pa namin siya hanggang ngayon.
"Mama, nandito na po ako!" sigaw ko, pero teka bakit parang wala si Mama? Siguro umalis 'yun, namili ata dahil wala na kaming mga stock na pagkain.
Pumunta nalang muna ako sa kusina upang uminom ng tubig dahil nauuhaw ako. Matapos uminom ay pumunta na ako sa taas, sa kwarto ko para magpahinga. Hindi naman gaanong malaki ang bahay namin kumbaga sakto lang saming pamilya kaso namatay ang aking papa kaya dalawa nalang kami ni mama, may second floor itong bahay namin at medyo maluwag rito sa taas, may dalawang kwarto at ang isa ay saakin; ang isa naman ay para kina mama at papa.
"Hay buhay, kung may kapatid lang siguro sana ako, siguro ang saya namin."
