December 25,2012. Alas Dose ng madaling araw. Kakatapos lang ng Misa de Gallo. Naglalakad na pauwi ng bahay si Marcuz sa kasama ang kasintahan na si Trish, Habang naglalakad ang dalawa sila'y magkahawak pa ng kamay, pero kanina pa walang kibuan.
Nagsimulang mabasag ang katahimikan nang bumitaw si Trish sa mga kamay ni Marcuz na tila may pagka-irita sa nobyo. Dahil walang malay na may namumuong bagyo sa isip ni Trish, muling inabot ni Marcuz ang mga kamay nito nang biglang
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako Marcuz!!" Galit na sigaw ni Trish sa kasintahan. Habang hinahawi ang kamay ng nobyo.
"Bakit? Ano bang problema? Hindi ka naman ganyan kanina ah." Nagtatakang sagot ni Marcuz habang sinusubukang abutin ang kamay ng nobya.
Nang makarating na ang dalawa sa bahay buong akala ni Marcuz na magiging ayos na ang lahat.Ngunit kabaliktaran ang naganap biglang sinampal ng napakalakas ni Trish si Marcuz.
"Aray!! Ang sakit ahh! Ano ba nagawa ko?" pasigaw na tanong ni Marcuz habang hawak ang kanang pisngi. " Pasensya na, parang awa mo na wag na tayo mag away paskong pasko oh."
Tumahimik habang naka kunot ang noo ni Trish at kitang kita sa kanyang mga mata na siya'y galit na galit pa din. "Uuwi na ako!! Wag mong subukan na sundan ako!!" Binuksan ni Trish ang pinto at padabog na sinarado nang siya'y umalis.
YOU ARE READING
Hindi Tugma
RomancePaano kung may desisyon ka noon na gusto mo nang baguhin ngayon?
