Chapter One - Once Upon A Time

185 5 2
                                        

... Lagi akong sawi sa pagibig. Pero nagbago ang lahat ng pananaw ko simula ng makilala ko siya...

Hi. Ako nga pala si Frechella Nicole Velasco. Sosyal ng pangalan no? Pero hanggang pangalan nalang yata ang kasosyalan ko.. Sa totoo lang, di kami mayaman. Di rin kami mahirap. Sakto lang. Swak sa karamihan ng mamamayan. Kaya nagsikap akong pangatawanan at panghawakan ang scholarship ko sa isang magandang unibersidad sa lugar namin.

Kaya para sa akin.. STUDIES FIRST! Saka na yang love na yan.

Jusmiyo, 14 palang ako nung mga panahon na yun. Panira lang ng buhay yan. Pero syempre, habang tumatanda ka, magbabago't magbabago ang pananaw mo. Marami kang mararanasan.. At sa bawat pagsubok sa buhay, may mga bagong bagay na matututunan. Di ko nga inaasahang dadating sakin yang love na yan, e. Ganito kasi yan...

Nung freshman palang ako, sa school namin, uso ang makiuso sa uso. Pausuhan lang. Kapag wala ka sa uso, edi di ka na makakahabol sa bagong uso. Bago na nga, uso pa. Ganun talaga sa panahon ngayon. Uso-uso din.

Kapag ang uso ay lollipop.. Dapat may makikita silang lollipop na nakasalaksak sa bibig mo.

Kapag uso naman ang jejemons, dapat jejemon ka din (pero never kong tinry yun). Ang sakit kaya nila sa ulo. One time, may nag text sakin ng "3ow... pw3d3 ph0uwshz m4kip4g-tecxm4t3?" Sakit sa ulo diba? Sarap lang batuhan ng dictionary. Di bale ng wala ka sa uso, wag lang maging jejemon.

Kapag ang uso naman ay ang mag-boyfriend, dapat kayong tropa, may boyfriend. Minsan napapaisip ako kung private school ba talaga tong pinasukan ko, e.

Hay nako. Studies lang talaga ang priority ko ngayon. That's it. AMEN.

It's Complicated ♥حيث تعيش القصص. اكتشف الآن